Napangiti ako ng malapad nang makita ang kinalabasan ng ube cupcake na ginawa ko pero agad din nawala ang ngiti ko nang maalala ang kong kailangan ko pala ng three hundred fifty thousand para ibayad sa utang ni tatay. Saan naman ako kukuha ng ganun kalaking halaga?Wala pa nga ata sa sampung libo ang iniipon ko para sa tuition fee ng kapatid ko na nasa kolehiyo eh. Hindi ko alam na nalulong pala ang tatay ko sa sugal at nagawa pa niyang isangla ang bahay at lupa namin. Nagpapasada ng jeep ang tatay ko habang ang nanay ko naman ay nakatoka lang sa bahay pero minsan kumukuha siya ng labada sa mga kapitbahay namin.
"Reina, bakit nakatanga ka dyan? Muntanga ka dyan oh." sermon sakin ng katrabaho kong si Sasa na kaibigan ko rin
"May naalala lang ako." tipid na sabi ko at nilagay inayos na ang mga gamit na ginamit ko
Hindi naman na ako nito kinulit kaya nagpatuloy nalang ako sa ginagawa ko. Napapabuntong-hininga nalang ako maya't maya dahil hindi ko alam kung saan ako kukuha ng ganun kalaking halaga ng pera. Di ko naman pwedeng utangan ang boss ko dahil nahihiya ako at isa pa hindi niya ako papautangin ng ganun kalaking halaga.
Nagbihis na ako at naghanda na sa pag-uwi nang matapos ang shift ko. Hanggang alas otso ng gabi kasi ang shift ko dito sa In Love Cafè. Weird ng pangalan no? Ewan ko ba dyan sa may-ari at ganyan ang pangalan ng Coffee shop nila.
Kung tatanungin niyo kung naniniwala ba ako sa forever, ang masasabi ko lang, OO. Hopeless romantic akong babae at naniniwala ako na darating ang panahon na makikita ko rin ang lalaking para sakin. Yun nga lang, nasa EDSA pa ata siya kaya natraffic siya.
Boyfriend? Wala. Ako yung tipo ng babae na gusto ko kung sino yung unang boyfriend ko, siya na yung huli. In short, wala pa akong naging boyfriend. May nanliligaw naman sakin at sinasabi naman nila na maganda daw ako pero sadyang hindi ko sila pinapansin dahil mas gusto kong pagtuunan ng pansin ang pagpapaaral sa mga kapatid ko.
Bakit nga ba tayo napunta sa topic na yan? Hays. Hindi naman ako mabibigyan ng 350,000 ng lintik na pag-ibig na yan!
Papalabas na ako ng coffee shop nang may mabunggo ako at muntik pa akong tumalsik mga friends. Sakit ng pwet ko dahil napaupo talaga ako sa impact.
"Shit! I'm sorry, Miss." tarantang sabi ng lalaki at inalalayan akong tumayo
Hinihimas ko ang nasaktan ko balakang at pwet habang inaangat ko ang paningin ko para magpasalamat sa ginawa niyang pagtulong pero napahinto sa ere ang sasabihin ko nang makita ang mukha nito.
Gwapo. Matangkad. Mabango. May kaunting balbas pa siya na mukhang tumutubo na. Yung jawline niya na gustong-gusto ko sa isang lalaki. Yung matangos na ilong niya at yung kissable lips niya. Nagtama ang paningin namin nang tignan ko ang mata niya kaya agad akong namula. Sobrang expressive nung mata niya na parang nakikipag-usap sayo.
"Are you okay?" tanong nito sa baritonong boses
"O-Oo, salamat." utal na sagot ko at ngumiti ng tipid
"Mukhang masama ang pagkakabagsak mo, Miss. Pwede kitang dalhin sa hospital." sabi ulit nito na halata sa boses ang pag-aalala
Mabilis na umiling ako sa kanya at tumayo ng umayos. Namula pa ako nang mapansin ko na nasa bewang ko ang kamay niya kaya mabilis na inalis ko ito.
"A-Ayos lang ako!" mabilis na sabi ko
Magsasalita pa sana ito nang may biglang sumigaw sa kalayuan at kasabay nun ay ang pagyakap ng maliit na braso sa may ibaba ng bewang ko.
"Mommy! Mommy!"
Natulos ako sa kinatatayuan ko at namumutlang nakatingin sa maliit na kamay na nakayakap sakin. Wala pa akong anak! Sino ang batang ito?
"Devon!" saway naman ng lalaki kanina na nakabunggo sakin at hinihila ang bata na nakayakap mula sa likuran ko
"No! I want to be with mommy!" sigaw nito
Pilit pa rin niyang hinihila ang bata pero sumisigaw lang ito at nakakaagaw na kami ng ilang atensyon ng mga tao. Hinawakan ko ang kamay ng bata at dahan dahan na humarap sa kanya.
Napaawang ang labi ko nang makita na kahawig niya ang lalaking nakabunggo sakin. Nanlaki ang mata nito nang humarap ako at mabilis na tumakbo sa lalaki.
"You are not my mom! Daddy, why do they have the same back? I thought she's mommy!" maktol nito at konti nalang ay maiiyak na ito
Mukhang namimiss niya nga ang nanay niya. At tinawag ba niyang daddy ang lalaking ito? So, kasal na pala siya? Sayang. Joke lang.
"Stop it, Devon. Please." bakas ang lungkot sa boses ng lalaki
"No! I want mommy! I want mommy!" umiiyak ng sabi nito
Bigla akong nakaramdam ng awa sa kanya kaya agad na kinuha ko ang isang cupcake na dapat na iuuwi ko para kila nanay at inalok sa kanya.
"Hi baby boy! Do you want to eat cupcake? I made this." nakangiting sabi ko
Bigla itong tumigil sa pag-iyak at ngumiti sakin na ikinagulat ko. Bipolar ata ang batang ito.
"Thank you po!" masayang sabi niya at kinuha ang inalok kong cupcake
Nakangiti lang ako habang pinagmamasdan siya. Binalingan ko ang daddy niya na titig na titig pala sa akin. Tatanungin ko sana kung may dumi ba ako sa mukha nang bigla itong magsalita. At ang sinabi niya ang buong gumulo sa sistema ko.
"Be my wife."
~*~*~*~*~*~*~*~*~*~
This is a work of fiction. Names, characters, business, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
BINABASA MO ANG
Wife For Hire
RomanceJaxon Jones, a cardiothoracic surgeon and he owns a hospital. He wants to hire a wife to be a mother for his 4-year-old son and someone who can pretend as his wife in front of his family. Reina Rivera. A simple girl who came from a poor family. A pa...