Reina
Sinalubong ko sila Jaxon nang makarating sila kasama sila mommy at daddy. Nasa isa pang van yung ibang kamag-anak nila. Yumapos naman agad sakin si Jaxon at hinalikan ako sa labi ng mabilis na parang sabik na sabik sakin. Humalik ako sa pisngi ni mommy at daddy, ganun din ang ginawa ko kay Lolo Fred.
Binati ko din ang ilang kamag-anak nila bago sila niyaya sa loob ng bahay. Nasa loob na rin ang mga kamag-anak namin at mabilis na tumayo si nanay at tatay nang makita sila Jaxon. Tumakbo agad si Devon sa kanyang ama at yumakap sa bewang nito. Lumapit agad si Kuya Wes sa mga kamag-anak ni Jaxon at kinuha ang ilang dala nila.
Magsasalita na sana ako para ipakilala ang magulang ko sa magulang ni Jaxon nang magsalita si mommy na nasa likuran ni Jaxon.
"Penelope?" nanlalaking mata na sabi ni mommy habang nakatingin kay nanay
Nanlaki din ang mata ni nanay nang makita si mommy. Nagpapalit-palit ang tingin ko sa kanilang dalawa at ganoon din si Jaxon.
"Elizabeth?" hindi makapaniwalang tanong ni nanay
"WALANG HIYA KA!" sigaw ni mommy na ikinagulat naming lahat
Napahigpit ang kapit ko sa braso ni Jaxon kaya napatingin ito sakin. Napakagat ako sa labi ko at naluluha akong napatingin sa kanya. Kinakabahan ako sa inaasal ni nanay at mommy. Halata ang galit sa mukha ni mommy habang nanatili namang kalmado si nanay na may maliit na ngisi sa labi.
"Tignan mo nga naman. Ang liit ng mundo, Liz." nakangising sabi ni nanay kay mommy
A-Anong ibig sabihin nito? Magkakilala sila?
"Wag mo akong kausapin na parang wala kang kasalanan saking babae ka!" galit na sabi ni mommy kay nanay
Nanatiling tahimik ang mga tao sa paligid at napapikit sa galit na boses ni mommy. Napayakap na akong tuluyan kay Jaxon dahil sa takot na magkagulo sila. Kinabig naman ako nito at niyakap kaya sumubsob ako sa dibdib niya.
"Mom, you're scaring my wife!" matigas na saway ni Jaxon kay mommy
Hindi siya pinansin ni mommy at nanatiling nakatitig kay Nanay.
"Tita, ano bang nangyayari?" rinig kong tanong ni Kuya Wes na mukhang hindi na nakatiis sa eksenang nagaganap
Nagsalita si nanay na parang hindi narinig ang tanong ni Kuya Wes.
"Hanggang ngayon ba naman ay galit ka pa rin sakin?" tanong ni nanay sa kanya
"Sinong hindi magagalit sa'yo, aber?! Bigla ka nalang nawala at hindi na kita nahagilap!" singhal ni mommy
"Pasensya ka na, Liz. Biglaan ang pag-uwi ko noon sa probinsiya namin dahil namatay ang mga magulang ko at matagal akong hindi nakabalik sa Maynila." malungkot na sabi ni nanay
Napasilip ako nang marinig ko ang malungkot na boses ni nanay. Naalarma ako nang lumapit si mommy kay nanay pero mas ikinagulat ko nang hinila siya ni mommy at nagyakapan sila ng mahigpit. Lumuluha din ang mga mata nila at bakas sa mukha nila ang pagkasabik.
"Bwisit kang babae ka. Ikaw lang pala ang nanay ni Reina." lumuluhang sabi ni mommy
Natawa si nanay habang lumuluha. Gulat na nakatingin lang kami sa kanilang dalawa at maging si Jaxon ay walang ideya sa nangyayari.
"Kung alam ko lang na ikaw ang nanay ni Jaxon, edi sana pinagsibak ko muna siya ng kahoy at pinag-igib ng tubig." tumatawang sabi ni nanay
Napatingala ako kay Jaxon at yumuko naman ito sakin na may maliit na ngiti sa labi. Hinaplos niya ang buhok ko at hinalikan ako sa noo.
BINABASA MO ANG
Wife For Hire
RomanceJaxon Jones, a cardiothoracic surgeon and he owns a hospital. He wants to hire a wife to be a mother for his 4-year-old son and someone who can pretend as his wife in front of his family. Reina Rivera. A simple girl who came from a poor family. A pa...