ReinaKinakabahan ako habang nakaupo ako sa sala ng bahay ng mga magulang ni Jaxon. Dumating na daw kagabi ang lolo niya na galing sa US kaya nandito kami sa bahay nila mommy at daddy. Hindi ako mapakali dahil baka ayaw sakin ng Lolo niya tulad ni mommy noong una.
Nasa kusina si mommy kasama si Devon habang si daddy naman nasa opisina dahil may mga meetings daw siya ngayon. Mag-isa lang ako sa sala dahil pinuntahan ni Jaxon ang Lolo niya sa kwarto nito.
Mas lalo akong kinabahan nang marinig ko ang boses ni Jaxon sa taas. Napalunok ako nang bumaba ito sa hagdan kasama ang isang matandang lalaki na may hawak na tungkod. Puti na ang buhok nito pero halata pa rin kung gaano ito katikas noong binata pa.
Napatingin sakin ang matanda na sa hinuha ko ay ang Lolo ni Jaxon. Nakatitig lang ito sakin na parang tinitignan ang buong pagkatao ko.
"Gran, she's Reina, my wife." pakilala sakin ni Jaxon
Tumayo ako at lumapit sa kaniya para magmano kahit na nanginginig ako sa kaba.
"Magandang umaga po." magalang na sabi ko at nagmano sa kanya
Nagulat ako nang hilain nito ang kamay niya mula sa akin. Kinagat ko ang labi ko sa pagkapahiya at napayuko. Sabi na nga ba at ayaw nito sakin.
Napasinghap ako nang may yumakap sakin at humalik sa pisngi ko. Sunod kong narinig ang nagbabantang sigaw ni Jaxon.
"What the hell, Gran?!" sigaw nito at hinila ako sa gilid niya
Tulala pa rin ako sa nangyari at nanatili ang titig ko sa sahig. Hindi ko alam kung anong nangyari at hindi ko maintindihan.
"What? I'm not a Filipino. Hindi uso sakin ang mano. Mas gusto ko ang beso." inosenteng sabi ng Lolo ni Jaxon pero halata sa boses nito ang kapilyuhan
Nagulat ako sa matatas na pagsasalita nito ng tagalog. Nasabi sakin ni Jaxon na nakakaintindi siya ng tagalog at marunong mag-tagalog pero hindi ko alam na matatas siyang magsalita. Filipina ang napangasawa ng Lolo ni Jaxon at doon siya natutong magtagalog.
"Aray..." mahinang daing ko kay Jaxon dahil patuloy siya sa pagpupunas ng pisngi ko na hinalikan ng Lolo niya
"You don't have to kiss her!" iritang sabi ni Jaxon na tumigil na sa pagpunas ng panyo sa pisngi ko
Napatingin ako sa matanda nang dumagundong sa bawat sulok ng mansyon ang halakhak nito.
"Napakaseloso mo naman, Jaxon. Hindi ko aagawin ang asawa mo baka multuhin pa ako ng Lola mo kasama ang katropa niyang si Gabriela Silang na may hawak na itak." tumatawang sabi nito
Pati ako ay natawa sa sinabi nito lalo na doon sa sinabi niya tungkol kay Gabriela Silang. Pati siya ay kilala si Gabriela Silang.
Naupo kami sa sofa at nagkwentuhan kami doon. Naaliw ako sa mga kwento ang si Lolo Fred at napakabait pala niya. Ang saya din niyang kausap. Buong akala ko talaga ay masungit siya at hindi niya ako magugustuhan para kay Jaxon.
"Natutuwa ako dahil tinanggap mo si Devon. Akala ko talaga ay hindi na mag-aasawa itong apo ko." nakangiting sabi ni Lolo Fred
"Napamahal na po sakin ang bata at tinuturing ko na rin siya na tunay kong anak. Akala ko nga rin po hindi tatalab ang charms ko dito sa apo niyo. Ang tigas nung una eh." pagbibiro ko sa kanila
Napahalakhak naman si Lolo Fred at natawa rin ako dahil nakakahawa ang tawa ni Lolo habang si Jaxon nakasimangot na. May pagkapikon talaga ang isang ito. Tinuloy namin ang masayang kwentuhan hanggang sa hapag at pati si mommy nakikipagbiruan samin.
BINABASA MO ANG
Wife For Hire
RomanceJaxon Jones, a cardiothoracic surgeon and he owns a hospital. He wants to hire a wife to be a mother for his 4-year-old son and someone who can pretend as his wife in front of his family. Reina Rivera. A simple girl who came from a poor family. A pa...