"A-Ano?" gulat na tanong ko sa kanyaNapabangon ako dahil sa gulat. Hindi ko inasahan ang sinabi nito dahil ni minsan hindi sumagi sa isip ko na hindi sila mag-ama. Magkamukha silang dalawa kaya maagkakamalan silang mag-ama.
Humiwalay siya sakin at tumayo. Binuksan niya ang isang drawer na laging naka-lock. May kinuha siya doon na litrato.
Bumalik siya sa kama at naupo ulit. Binigay niya sakin ang isang litrato. May isang lalaki na kahawig niya at isang babae sa litrato.
"Siya si Kuya Jaxel. Nakakantandang kapatid ko at si Ate Almira naman iyong babae. My brother was the one who runs our company. Engaged na si Kuya noon sa isang anak ng business partner namin. Pinagkasundo sila dahil matagal ng usapan iyon. Highschool palang si Kuya alam na nila na ipapakasal sila at ayos lang yun kay Kuya. Until he met Ate Almira. Ulilang lubos na siya at nagkakilala sila. She's a nurse.
Panganay siya kaya inaasahan siya ni mommy at daddy na sasalo sa kompanya. Nagkaroon sila ng relasyon ni Ate Almira at nalaman iyon ni mommy at daddy. Pilit nilang pinaghiwalay ang dalawa and threatened my brother. But he fought for Ate Almira and gave up the company. Nagpakasal sila at nagpakalayo layo.
Kaka-graduate ko lang noon sa kolehiyo. Nang umalis si Kuya sa mansion, bumukod na rin ako. I tried looking for them too but one day, he called me. Ilang buwan ko silang nakakausap pero hindi ko pinaalam sa magulang ko.
Then one day, he called me saying na manganganak na si Ate Almira. Hindi ako nagdalawang isip na itanong kung saan sila at nalaman ko na nasa Bicol sila. Agad akong nagtungo sa Bicol."
Niyakap ko si Jaxon nang mapansin ang basag na boses nito. Bakas sa boses niya ang lungkot.
"Go on.." panghihikayat ko rito
"Bigla akong nakatanggap ng tawag. Naaksidente sila at hindi sila nakaligtas. Si Devon lang ang nakaligtas. My brother tried to protect both of them pero si Devon lang ang nakaligtas. My mom was furious when she got the news. Sinisi niya ang bata at si Ate Almira. Walang nag-claim kay Ate Almira maliban sa mga kaibigan niya. I was the one who can count as a relative because she's my sister in law kaya ako ang nag-claim at binigyan siya ng maayos na burol without my mom knowing.
Natauhan noon si dad sa ginawa niya pero si mommy nagmatigas pa rin siya lalo na kay Devon. Then I met Zea."
Tumigil siya sa pagkwekwento at bumuga ng hangin. Nagulat ako nang hilain ako nito at ilagay sa kandungan niya. Hindi ako umangal lalo na nang yakapin ako nito.
Ngayon ko lang napagtanto na ang bigat ng dinadala niya.
"I met her few years ago. Naging doktor ako ng nanay niyang may sakit sa puso. We became friends then she met Devon. Nasa custody ko ang bata dahil matagal ng may kinausap na abogado si Kuya at nakalagay doon na pag may nangyari sa kanila, sakin lang nila pwedeng ibigay ang custody ng bata. Hindi ko masyadong nilalabas noon si Devon. Malayo rin ang loob ko sa kanya at si manang ang laging nakabantay sa kanya.
Zea is kind but not super kind. Masungit yun, palaban, at maldita pero nakita ko kung paano lumambot ang puso niya pag nakakakita ng bata. Nasisiyahan siya. Napapansin ko lagi ang pagiging malungkot nito kahit na nakangiti madalas kaya dinala ko siya rito. She saw Devon. I saw how happy she was when she met Devon. Naging libangan na niya ang pagbisita rito hanggang sa maging ako napalapit na rin kay Devon.
I am thankful to her dahil naging katuwang ko siya sa pagpapalaki kay Devon. Kahit na nandyan si Manang naghahanap ng kalinga ng isang ina si Devon at nahanap niya iyon kay Zea. Sa murang edad niya, namulat na sa kanya na hindi si Zea ang totoong mommy niya but he keeps on calling her mommy na hinahayaan lang ni Zea.
Enrique and Zea is married for almost 4 or 5 years, I think. Nagkahiwalay sila noon and Zea had a miscarriage with their son. Naiintindihan ko kung bakit napalapit agad ang loob ni Zea at Devon sa isa't isa. They both needed each other and I needed Zea too. Madalas hindi nakikinig sakin si Devon dahil hindi naman kami malapit sa isa't isa pero nagkalapit kami dahil kay Zea. Siya ang tumayong ina ni Devon at si Devon ang tumayong anak ni Zea.
My mom likes Zea because she saw how Zea loves Devon. Si Zea rin ang daan kaya natanggap ni mommy si Devon. She's the woman I needed for Devon. My mom is expecting us to get married kahit nasabi ko na sa kanya na kasal si Zea. Hindi ako nagtapat sa kanya dahil ayokong i-risk ang pagkakaibigan na meron kami."
Napapikit ako sa sinabi nito dahil masakit palang marinig ng paulit-ulit na gusto siya ng mommy nito. Zea was the first choice.
Hinawakan niya ang pisngi ko at pilit na pinatingin sa kanya. Sinalubong ako ng mata nito. May bakas ng lungkot dito pero nakangiti pa rin siya.
"Siguro nga mahal ko si Zea pero hindi ko siya ganoon kamahal para iwan ka at ipaglaban siya lalo na kung alam ko na ang babaeng talagang kailangan ko ay nasa harapan ko na."
~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~
Sorry for the VERY short update. Alam ko na napakaikli ng update na ito. Medyo bangag pa ako eh dahil kakatapos lang ng exams.
So, yeah. Now you know kung sino talaga si Zea. You can read 'Taming My Monster Boss' if you want to know more about her.
Thanks guys!
Lovelots,
LadyCode ♥
BINABASA MO ANG
Wife For Hire
RomanceJaxon Jones, a cardiothoracic surgeon and he owns a hospital. He wants to hire a wife to be a mother for his 4-year-old son and someone who can pretend as his wife in front of his family. Reina Rivera. A simple girl who came from a poor family. A pa...