Chapter 18

72.4K 1.5K 33
                                    


Hanggang ngayon hindi ko pa rin makalimutan ang mga nalaman ko at dumagdag pa ang sinabi kagabi ni Jaxon. Nakakainis dahil kinikilig ako sa hindi ko malamang dahilan. Naiilang tuloy ako sa kanya.

"Aalis ka na?" tanong sakin ni Jaxon nang makitang bihis na ako

Tumango ako sa kanya. Papasok ako sa In Love Cafe tapos may usapan kami nila Zea at Sasa. Gusto ko siyang makausap dahil hindi ako mapapakali hangga't di kami nakakapag-usap.

"Si Devon? Sinundo na ba ni Zea?" tanong ko rito habang pasakay kami sa kotse niya dahil ihahatid ako nito tulad ng nakagawian namin

"Baka mamaya pa dumating yun. According to Enrique, tulog pa daw siya at nananapak pag ginising kaya malamang mamaya pa yun pupunta rito." natatawang sabi nito

Napatingin ako sa kanya at napatitig. Napaisip lang ako kung ano bang nararamdaman niya tuwing nakikita niyang magkasama si Enrique at Zea. Lalo na at mag-asawa sila tapos may anak pa. Masokista ba siya?

"What?" takang tanong nito sakin nang mapansin na nakatitig ako sa kanya

Bumaba ang tingin ko sa jawline niya na gumalaw nang magsalita siya. Parang gusto kong haplusin iyon at panggigilan. Ang unang napapansin ko sa lalaki ay ang jawline dahil yun ang pinakagusto kong parte sa mukha ng isang lalaki.

Ugh. Ang ganda ng jawline niya. Parang ang sarap papakin--ano yun Reina? Milo lang? Pinapapak ganun? Aish.

Maganda din naman yung jawline ni Enrique pati rin si Sir Kris pero mas nagustuhan ko yung jawline ni Jaxon. Oh talagang bias lang ako dahil gusto ko siya? Oo na, gusto ko na siya. Obvious naman diba?

"Reina..."

Nawala ang atensyon ko sa jawline ni Jaxon nang tawagin ako nito. Napatingin ako sa paligid nang mapansin na ginilid niya ang kotse. Nasiraan ba kami? Flat kaya yung gulong?

Lumingon ako sa kanya para sana magtanong pero siya na mismo at humawak sa pisngi ko at sapilitang pinaharap sa kanya. Nanlaki ang mata ko nang siilin ako nito ng halik.

His kiss is different. Nandun pa rin yung pag-iingat pero agresibo at mapaghanap ang mga halik na iyon. Para akong nalulunod sa mga halik niya at may kung anong giyera sa tiyan ko. Parang may nagwewelga pero alam kong hindi iyon sa gutom kundi dahil sa sensasyon na dulot ng halik niya.

Hindi ko pinigilan ang sarili ko na tugunin ang halik niya. Hinalikan ko rin siya kung paano niya ako halikan. Napakapit ako sa batok niya para mas maramdaman pa siya.

Parang ayokong lumayo sa kanya. Mas gusto kong paglapitin ang katawan namin at nag-iinit ang pakiramdam ko.

"Damn, baby." ungol nito at hiniwalayan ang labi ko

Akala ko lalayo na ito dahil nawawalan na kami ng hininga pero hinawakan nito ang bewang ko at parang papel ako nitong binuhat papunta sa kandungan niya.

"Jaxon!" tili ko dahil sa gulat at hiya

Nakakahiya ang posisyon namin dahil nakabukaka ako paharap sa kanya. Buti nalang at nakapants ako kaya hindi kita ang hita ko pero manipis lang ang pants ko dahil ito ang uniform namin sa cafe.

Nagulat ako nang hilain niya ang batok ko at hinalikang muli tulad ng paghalik niya kanina. Walang alinlangan na tumugon ako sa kanya at humawak sa balikat niya. Lumilikot ang kamay nito habang ako napapasabunot sa buhok niya.

Mahigpit na hinawakan nito ang bewang ko at diniin sa kandungan niya. Napasinghap ako nang maramdaman ko ang isang matigas na bagay sa gitna ng hita niya. Hindi ako ganun kainosente para hindi malaman kung ano iyon. Imbes na matakot, parang nakadagdag pa iyon sa sensasyon at init na nararamdaman ko.

Wife For HireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon