Chapter 13

62.4K 1.8K 194
                                    

Abala ako sa paglalagay ng icing ng cupcake na ginawa ko. As usual, nasa coffee shop nanaman ako. Gusto ni Jaxon na tumigil na ako sa pagtratrabaho para daw mas magkaroon kami ni Devon ng panahon para makilala ang isa't isa kaso hindi ako pumayag.

Sayang din ang kikitain ko at isa pa gusto kong makaipon pa.

"Reina! Reina!"

Napatingin ako kay Sasa na natatarantang pumasok sa kitchen. Madalang lang ako nitong tawagin na Reina dahil mas gusto niyang tinatawag akong Nana kaya nagtaka ako.

"May problema ba?" takang tanong ko rito

Huminga ito ng malalim bago nagsalita.

"Nandito yung mother-in-law mo!" malakas na sabi nito

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nito at binitawan ang hawak ko. Sakto naman na pumasok si Sir Kris.

"Reina, may naghahanap sa'yo. Ipinaalam ka na niya na maghahalf-day ka." seryosong sabi nito

Nagulat ako sa sinabi nito. Half day? Pinaalam?

Anong kailangan sakin ni Mrs. Jones?

Nagkatinginan kami ni Sasa at nagpalitan ng makahulugang tingin dahil alam niya na ayaw sakin ng mommy ni Jaxon. Kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung anong sadya niya sakin para ipaalam ako na half day lang ako.

Nagpaalam na ako sa kanila at mabilis nagbihis. Hinanap ko agad ang mommy ni Jaxon nang matapos ako. Nakita ko naman ito agad na nakaupo at sumisimsim sa kape niya.

"M-Mrs. Jones." utal na tawag ko rito

Hindi ko alam kung ano ba ang itatawag sa kanya dahil ayaw naman nito sakin.

Nag-angat ito ng tingin habang walang ngiti sa mukha niya. Pinasadahan ako nito ng tingin kaya napayuko ako. Alam ko naman na luma na ang damit ko at hindi kasing mamahalin gaya ng damit niya.

"Samahan mo ako." seryosong sabi nito

Gulat na tinignan ko ito, "P-Po?"

Tumayo ito na parang walang narinig at nagtungo sa pintuan ng shop. Sumunod naman ako agad sa kanya.

Huminto siya sa isang silver na magarang kotse. Bubuksan ko na sana ang likuran ng kotse nang pigilan ako nito.

"Dito ka sa harap. Gagawin mo pa akong driver." masungit na sabi nito

Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil sa hiya. Malay ko naman kasi kung ayaw nito na makatabi ako.

Pumasok ako sa kotse at nag-seat belt. Naiilang ako dahil ang tahimik at hindi ko alam kung saan kami pupunta.

"U-Uhm. Saan po tayo pupunta?" nag-aalangang tanong ko

Saglit ako nitong nilingon tapos binalik agad niya ang tingin sa kalsada. Umirap pa ito sakin kaya napakamot nalang ako sa ulo ko.

"Bibili ako ng damit." tipid na sabi nito

Nagpunta kami sa mall at nakasunod lang ako sa kanya habang namimili siya ng damit. Minsan nagtatanong ito sakin kung maganda yung damit o kung bagay sa kanya. Natutuwa naman ako dahil kahit ganun lang atleast nagtatanong ito sakin.

"Ito. Bagay ba?" tanong nito pagkalabas niya sa fitting room

Nakasuot ito ng orange na dress at medyo hapit sa katawan.

"Ayos lang naman po pero di po gaanong bagay yung kulay sa inyo. Mas maganda po siguro kung yellow." alanganing sabi ko

Umismid ito sakin bago bumalik sa fitting room at agad din na lumabas nang makapagpalit na siya. Binalik niya ang damit na kinuha niya at naghanap pa ng iba. May mga kinuha itong mga damit na hindi man lang niya sinukat.

Wife For HireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon