Reina
Nakatitig lang ako sa salamin at pinagmamasdan ang mukha kong nakaayos. Hindi ko na inalintana ang mga photographer na kumukuha ng litrato at videos ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na ikakasal ulit ako at sa lalaking mahal ko. This is our day, our wedding day.
I am really lucky to have Jaxon in my life. Noong una palang ay hindi niya pinaramdam sakin na isa lang akong babae na nagpakasal sa kanya para mabayaran ang utang ng pamilya ko. He never treated me unfairly. Kahit noong unang ara na makasama ko siya sa bahay ay tinrato niya ako bilang isang babae.
Akala ko noong una ay magiging katulad kami ng mga napapanood ko at nababasa ko na sasaktan ng asawa o mambababae. Jaxon is far from being like that. He is gentleman and he loves me so much.
Kahit na pangalawang kasal nanaman ito ay kinakabahan pa rin ako. Napatingin ako sa pinto nang pumasok si nanay at tatay. Pareho silang nakasuot ng pormal na damit at si nanay ay tahimik na naluluha sa gilid. Namumula rin ang mata ni tatay na parang pinipigilan niya lang mapaluha.
"Nay, Tay, ikakasal lang ako. Tsaka kinasal na rin naman na kami dati." natatawang sabi ko habang pinipigilan ang luha ko
"Masaya lang kami sa'yo, anak. You deserve all of this. Pasensya ka na kung hindi ka namin nabigyan ng napakagandang buhay at sa murang edad ay natutunan mong magbanat ng buto. Sorry, anak." madamdaming sabi ni nanay na nagpaluha sakin
Niyakap ko siya ng mahigpit at pinunasan ako luha ko.
"Nay, utang ko sa inyo ni tatay lahat ng meron ako. Hindi man tayo mayaman ay lumaki naman ako na puno ng pagmamahal."
"Alam kong huli na ang lahat pero gusto kong humingi ng tawad sa nangyari noon. Ipinagtapat na sakin ni Jaxon ang totoo, na kaya kayo nagpakasal ay dahil sa utang natin sa kanya at para may kilalaning ina si Devon. Patawad, anak. Nakaramdam ako ng galit sa sarili ko at kay Jaxon pero alam ko na wala ako sa posisyon na magalit dahil kitang-kita ko ang pagmamahal niya sa'yo." sinserong sabi ni tatay at pinunasan ang luhang umagos sa pisngi niya
Napatingala ako sa kisame para pigilan ang luha ko. Ayoko namang masira ang make up ko dahil baka rumampa akong pangit doon.
Nagulat ako sa sinabi ni tatay. Hindi ko inasahan na sasabihin ni Jaxon ang totoo kila nanay at tatay. Pero nakaramdam ako ng kaginhawaan dahil alam kong wala na akong inililihim sa pamilya ko.
"Ma'am Reina, oras na po para magtungo tayo sa simbahan." imporma samin ng organizer
Tumayo na ako at pinagmasdan ko pang muli ang sarili ko sa malaking salamin habang binaba ng mga make up artist ko yung mahaba kong belo. Ngumiti ako sa mga artists na nandoon at nagpasalamat ako sa kanila. Inalalayaan naman nila ako sa paglabas ng kwarto ko at nauna na silang bumaba sakin sa malawak na hagdan. Inayos muna nila ang mahabang wedding gown ko bago nila ako kuhanan ng litrato at video.
Hindi ko alam na ganito pala ang ikakasal. Lahat pala ay kailangang nakavideo coverage. Hanggang sa pagsakay ko sa bridal car ay may naglilitrato at kumukuha ng video. Napaisip tuloy ako kung ganoon din ba kay Jaxon. Namimiss ko na siya dahil kahapon ng umaga ko siya huling nakita.
Mahigpit nilang binantayan si Jaxon para hindi niya ako puntahan dahil sa paniniwala ng mga matatanda. Hinayaan ko nalang sila kahit na namimiss ko na si Jaxon. Isang gabi lang naman iyon. Hindi na ako makapaghintay na makita siya.
Jaxon
Kanina pa ako hindi mapakali dahil kagabi ko pa hindi nakakausap si Reina at maski sa telepono ay pinagbawalan nila ako na kausapin ang asawa ko. Nakakainis lang na kailangan pa naming sumunod sa mga pamahiin dahil kung tutuusin ay mag-asawa naman na kami. At hindi ko naman hahayaan na hindi matuloy ang kasal namin ni Reina.
BINABASA MO ANG
Wife For Hire
RomanceJaxon Jones, a cardiothoracic surgeon and he owns a hospital. He wants to hire a wife to be a mother for his 4-year-old son and someone who can pretend as his wife in front of his family. Reina Rivera. A simple girl who came from a poor family. A pa...