ReinaAlas dose na ng madaling araw pero hindi pa rin ako makatulog dahil hanggang ngayon iniisip ko pa rin ang lalaking iyon. Pagkatapos niya akong alukin na maging asawa niya nagpaalam ako agad at umalis na. Nababaliw na ata ang lalaking iyon para alukin ako na maging asawa niya. Ni hindi ko nga siya kilala at maski pangalan niya ay hindi ko alam.
At isa pa, bakit niya ako aalukin ng ganun kung may anak siya at asawa naman? Mukha siyang mayaman at gwapo siya. Imposible na wala siyang asawa dahil may anak siya.
Nagising nalang ako na tirik na tirik na ang araw kaya nagmadali ako sa pagbangon ko. Alas-otso na pala ng umaga at late na ako sa coffee shop!
"Nay! Bakit naman hindi niyo ako ginising?" Reklamo ko kay nanay pagkababa ko
Nagsuot lang ako ng simpleng t-shirt at jeans tapos doll shoes. Ganito naman ang get-up ko araw-araw eh.
"Akala ko kasi wala kang pasok ngayon." sabi lang niya at ipaghahain pa sana ako ng almusal ng pigilan ko siya
"Wag na po, nay. Late na ako sa trabaho eh." pigil ko habang pinupusod ang basang buhok ko
"Kumain ka na muna baka magutom ka sa trabaho. Late ka naman na kaya lubusin mo na!" pangaral ni nanay kaya muntik na akong matawa
Minsan talaga kunsintidor si nanay eh kaya mahal na mahal namin siya eh. Wala na akong nagawa nang hilain niya ako at pilit na pinakain. Kumain nalang ako ng mabilis at kumuha pa ako ng pandesal bago tuluyang magpaalam kay nanay.
"Sige. Ingat ka!" sigaw niya dahil nasa likod bahay siya
Tuluyan na akong umalis at naglakad papunta sa sakayan ng jeep. Nadaanan ko pa ang mga nag-iinom sa may kalsada kaya napailing nalang ako.
"Para po!" sabi ko nang makita ko na ang bababaan ko
Naglakad ulit ako ng kaunti bago tuluyang makarating sa coffee shop. Nakita ko ang manager namin na napamewang nanaman at nakakunot ang noo.
"Good morning Sir. Pasensya na po kung nalate ako!" mabilis na paumanhin ko
"Pumasok ka na sa loob at ayoko ng maulit pa ito." seryosong sabi niya
Ngumiti ako ng tipid sa kanya bago ako pumasok sa may locker room namin para magbihis ng uniform. Mabuti nalang talaga at mabait si Sir Kris. Ganoon lang talaga yun, seryoso pero mabait naman. Crush ko nga yun eh pero syempre secret lang natin.
"Nana!" napangiwi ako sa tawag sakin ni Sasa
Bwisit talaga ang babaeng iyan. Sinabi ko na kasi sa kanya na ang sagwa pakinggan ng Nana eh! Ginagaya niya kasi sa pangalan niya na Sasa dahil Sapphire ang buong pangalan niya.
"Pwede ba Sasa. Wag mo akong tawagin na Nana!" reklamo ko habang nakanguso sa kanya
"Ang cute kaya!" ngiting-ngiti na sabi niya
Napailing nalang ako sa kalokohan niya. Minsan kahit na nang-aasar na siya hindi mo pa rin kayang magalit sa kanya dahil napakacute niya. Para siyang bata sa sobrang hyper niya.
"Patikim ako niyan!"
"Sapphire!" Gulat na singhal ko nang bigla nanaman siyang sumulpot sa likuran ko habang kinukuha ko sa oven yung binake ko.
"Nakakatuwa mukha mo pag nagugulat." tumatawang sabi niya
Inirapan ko nalang siya at nagtrabaho na ulit. Habang naglalagay ako ng icing sa cake na binake ko naalala ko nanaman yung lalaki kahapon na inalok ako na maging asawa niya. Nababaliw na nga siguro siya.
BINABASA MO ANG
Wife For Hire
RomanceJaxon Jones, a cardiothoracic surgeon and he owns a hospital. He wants to hire a wife to be a mother for his 4-year-old son and someone who can pretend as his wife in front of his family. Reina Rivera. A simple girl who came from a poor family. A pa...