Halos isang linggo na hindi kami nakakapag-usap ng maayos ni Jaxon. Iniiwasan ko siya dahil masakit pa rin para sakin ang nalaman. Naging madali naman ang pag-iwas ko sa kanya dahil naging busy siya sa hospital.Ginabi rin ako ng uwi galing sa apartment ni Sasa noong araw na iyon. Nagalit si Sasa nang malaman niya ang nangyari at pinilit ako nitong wag ng umuwi rito pero nagpumilit pa rin ako. Asawa pa rin ako ni Jaxon kaya kailangan kong umuwi rito.
Hindi ko nadatnan noon si Jaxon sa bahay at nagising ako ng madaling araw dahil sa uhaw. Nagulat ako nang makita ko sa sala si Jaxon at may hawak na bote ng alak. Halatang lasing ito at marami ng nainom.
Hindi ko alam kung bakit siya naglasing pero rinig ko ang sinasabi nito.
"Zea..." yan ang laging sinasambit niya
Tumawag din noong isang araw si mommy at tulad ng inaasahan ko, masungit pa rin ito sakin pero hindi na gaano. Kinamusta niya kaming tatlo kaya hindi ko mapigilan mapaisip kung alam ba nito na buntis si Zea at si Jaxon ang ama.
Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko ngayong araw na ito lalo na't nasa harapan ko si Zea na nakangiti ng malapad na parang walang problema. Hindi ko alam kung ngingiti ako pabalik o maiinid ako sa kanya. Sabagay, hindi naman nito alam na mag-asawa kami ni Jaxon.
"Hi Reina!" nakangiting bati nito
"H-Hello. Pasok ka." naiilang na sabi ko
Pumasok naman siya agad sa bahay at naupo agad sa sofa. Wow. Hindi pa naman kita inimbita na maupo ah? Sabi ko, pasok hindi pumasok at umupo.
Hay. Nababaliw na ata ako at nagagawa ko ng mag-sungit.
"Ipapasyal mo ba si Devon?" tanong ko rito
"Hindi. Dito nalang siguro kami baka kasi mapagod pa ako." nakangiting sabi nito
Bakit ba siya nakangiti? Naiirita ako. Pakiramdam ko kasi ang bait niya pag nakangiti siya at nawawala ang pagkainis na nararamdaman ko.
Hindi nakaligtas sa mata ko ang paghaplos nito sa tiyan niya kaya napatitig ako doon pero agad din akong nag-iwas ng tingin.
"Sige. Mauuna na ako. Aalis din kasi ako." paalam ko sa kanya
May usapan kasi kami ni Sasa ngayong araw at nagpaalam na rin ako kay Devon na aalis muna ako saglit. Mabuti nalang at may lakad kami ni Sasa dahil parang hindi ko ata kayang makita si Zea.
Kinuha ko muna ang bag ko sa kwarto namin ni Jaxon bago nagpunta sa kwarto ni Devon. Naabutan ko itong nagbabasa ng libro at nakakunot ang noo. Natawa ako nang makitang baliktad ang libro na hawak nito at parang pilit niyang binabasa.
"Devon, nandito ang mommy mo." sabi ko rito
Nag-angat siya ng tingin at mabilis na bumaba sa kama niya. Nagtatakbo agad ito pababa ng hagdan. Nakaramdam ako ng lungkot nang hindi man lang ako nito binati.
Minsan nagtataka din ako kay Devon dahil kahit hindi laging nagpupunta dito ang mommy niya, never kong narinig sa kanya na gusto niyang magsama ang magulang niya.
Isinantabi ko nalang ang iniisip ko at bumaba na. Baka hinihintay na ako ni Sasa sa cafe. Naisipan kasi naming maggala.
"Bye tita! Take care po." paalam sakin ni Devon
Hindi ko napigilang ang malapad na ngiti ko dahil sa sinabi niya. Rinig ko pa ang hagikgik nito bago ako tuluyang makalabas ng bahay.
Kumunot ang noo ko nang makita ang ilang lalaki na nakaitim at nakatayo sa gilid ng pinto at ang iba naman ay sa gilid ng kotse ni Zea na mukhang bago dahil iba iyon sa ginamit niya dati. Kasama nanaman pala niya ang mga bodyguards niya. Anak ba siya ng presidente? Pero wala namang anak si Noynoy ah.
BINABASA MO ANG
Wife For Hire
RomanceJaxon Jones, a cardiothoracic surgeon and he owns a hospital. He wants to hire a wife to be a mother for his 4-year-old son and someone who can pretend as his wife in front of his family. Reina Rivera. A simple girl who came from a poor family. A pa...