Reina
Tuwang-tuwa kami si mommy sa balita na kambal ang anak namin ni Jaxon kaya nag-aya siya na kumain sa labas. Hindi rin siya matigil sa pagplaplano para sa birthday ni Jaxon at nakaisip na rin kami ng plano kung paano sasabihin sa party niya.
"Ako na ang bahala sa ibang props. Paghandaan mo nalang yung speech mo, okay? Dapat relax ka lang." masayang sabi ni mommy
Napatigil kami sa tawanan nang biglang makita namin si Jaxon na nakasuot ng doctor's coat at nakakunot ang noo nito nang makita kami. Napaiwas ako ng tingin sa kanya at kinabahan ako nang papalapit na ito samin.
"Mom, baby, anong ginagawa niyo dito? Akala ko ba may lakad kayo?" takang tanong nito
Nagulat din si mommy nang makita siya pero agad din siyang nakabawi sa pagkagulat. Humalik siya samin ni mommy at tumaas ang kilay niya nang hindi kami sumagot sa tanong niya.
"Naku, anak. Yayayain ka sana naming maglunch, diba Reina?" palusot ni mommy at bumaling sakin
Mabilis naman na ngumiti ako at tumango. Sana hindi niya mapansin na nagsisinungaling kami.
"Tama. Gusto ka naming kasama ni mommy na maglunch." nakangiting sabi ko
Ngumiti na rin siya kaya napahinga ako ng maluwag dahil mukhang naniwala naman na ito. Mabuti nalang talaga at natawagan ko kanina si Ethel para pagtakpan kami kung sakaling makarating ang balita na kanina pa kami nandito sa hospital. Mabuti na ang sigurado.
"Ano 'yang dala mo?" tanong nito sakin nang mapansin ang envelope na dala ko
Nandoon lahat ng prescriptions ng doktor sakin, sonogram pictures at iyong copy ng result ng tests ko. Napahigpit ang hawak ko sa envelope at pasimpleng tinago ito sa likuran ko para matakpan ang label na nakasulat.
"Ito yung list ng mga guest at mga designs para sa party mo na inoorganize namin ni mommy." sagot ko sa kanya at sinulyapan si mommy
"Ano ka ba, hija. Dapat hindi mo sinabi dahil secret lang iyon." kunwaring natatawang sabi ni mommy at kinindatan pa ako
"Mom, sabi ko naman sa'yo na wag na kayong mag-organize ng party." mahinang sabi nito at bumuntong-hininga na parang nakukunsumi na sa kakulitan ni mommy
"Hindi! Trenta ka na sa makalawa kaya dapat lang na may party ka. Hindi ako papayag na walang party. Sa ayaw at sa gusto mo, mag-oorganize kami ng party, diba Reina?" pagpupumilit ni mommy
Napatango tango naman ako sa sinabi ni mommy. Hindi ako mahilig sa party pero gusto ko na magkaroon ng party dahil birthday ni Jaxon at celebration iyon ng twins namin. Gusto kong bumawi man lang kahit sa ganitong paraan.
"Mom, dinadamay mo pa ang asawa ko sa kalokohan mo. At isa pa, hindi ako masaya na madadagdagan ng isang taon ang edad ko." nakasimangot na sabi ni Jaxon
Awwww. Ang cute. Ang sarap niyang kurutin pero hindi pwede dahil baka mahalata niya na buntis ako. Hindi iyon pwede. Surprise nga eh.
"Hindi ko naman papagurin ang asawa mo. Tanggapin mo nalang ang katotohanan na matanda ka na. Tara na nga at maglunch na tayo. Ayokong gutumin si Reina." lintanya ni mommy
"Gusto ko sanang sumama sa inyo maglunch pero may nakaschedule kaming ooperahan ngayon. I'll see you later, baby." dismayadong sabi ni Jaxon
Nalungkot ako sa sinabi niya pero hindi ko nalang pinahalata. Ayokong isipin niya ako habang may inooperahan sila dahil kailangan siya doon.
"See you. Mauna na kami ni mommy." paalam ko sa kanya
Humalik siya ulit samin ni mommy at hinatid niya kami sa parking lot. Napabuntong-hininga nalang ako nang makaalis na kami sa hospital.
BINABASA MO ANG
Wife For Hire
RomanceJaxon Jones, a cardiothoracic surgeon and he owns a hospital. He wants to hire a wife to be a mother for his 4-year-old son and someone who can pretend as his wife in front of his family. Reina Rivera. A simple girl who came from a poor family. A pa...