Reina
Nakatitig lang ako sa tv habang kumakain ng ice cream kasama si Devon na nasa tabi ko. Nanonood kami ng Inside Out at hindi ko mapigilang hindi umiyak dahil nakakaiyak yung story. Ang cute din ni Joy tapos si Sadness nakakainis siya!
"Are you okay, mom?" tanong sakin ni Devon
Tumango ako sa kanya habang sumisinghot pa. Mas lalo akong naluha noong nahulog sila Joy sa bangin kung saan tinatapon yung ibang memories.
"Good eve--Hey baby, bakit ka umiiyak?" biglang tanong sakin ni Jaxon na kakarating lang galing sa trabaho
Pinunasan ko ang luha ko at tinignan siya ng matalim.
"Nagsasalita ka nanaman!" inis na sabi ko sa kanya
"Ha?" kunot noong tanong nito
Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ko nalang ang panonood ko. Habang abala ako sa panonood naramdaman kong ginalaw ni Jaxon yung ice cream ko kaya napatingin ako sa kanya. Nakatitig lang ako sa mukha niya habang sumusubo ng ice cream. Napangiti ako nang bigla siyang napatakip sa bibig niya at ngumiwi. Magsasalita pa sana ako nang magtatakbo ito sa kusina kaya agad akong sumunod habang kumakain ng ice cream.
Naabutan ko siyang nagmumumog sa lababo at mukhang niluwa niya yung ice cream na kinain niya. Naupo ako at tinitigan siya habang kumakain ng ice cream. Ang cute niya kanina habang nakangiwi. Humarap siya sakin na nakakunot ang noo.
"Reina, anong ice cream ba yang kinakain mo? Bakit ang pangit ng lasa? Parang may paminta." nakakunot noong sabi nito
Tumingin ako sa ice cream ko at sumubo muna bago sagutin si Jaxon.
"Vanilla pero nilagyan ko ng ground pepper para magkalasa. Masarap kaya." nakangiting sabi ko sa kanya
Bumuntong-hininga siya at akmang kukunin ang ice cream ko nang ilayo ko ito sa kanya.
"Kung gusto mo ng ice cream, kumuha ka ng sa'yo!" inis na sabi ko sa kanya
"Bakit ba kasi ganyan yan? Ang pangit ng lasa. Baka sumama ang tiyan mo." malumanay na sabi nito sakin
Hindi ko siya pinansin dahil naiinis ako sa kanya. Hindi naman masama ang lasa ng ice cream ko. Ang sarap nga eh. Mabilis ko itong inubos at nilagay ko sa lababo ang bowl bago bumalik sa sala. Sumunod naman siya sakin at naupo sa tabi ko pero agad ko siyang tinulak palayo.
"What?" kunot noong tanong nito sakin
Kinunutan ko din siya ng noo at tumalim ang tingin ko sa kanya.
"Ang baho mo. Maligo ka." nakaismid na turan ko sa kanya
Agad naman nitong inamoy ang sarili at tinaas pa nito ang mga braso para amuyin ang kili-kili niya. Kitang-kita ko ang pag-flex ang muscles niya at wala sa sariling napakagat labi ako. Parang ang sarap kagatin ng balikat at braso niya. Nakakatakam iyon sa aking paningin.
"Hindi naman ako mabaho." naguguluhang sabi nito at akmang hihiga sa kandungan ko nang itulak ko siyang muli
"Maligo ka sabi! Ang baho mo!" inis na sabi ko
"Hindi nga ako mabaho, baby! Amuyin mo pa ako, oh." nakasimangot na sabi nito at akmang ipapamoy sakin ang kilikiki niya
Mas lalo akong nainis at parang babaliktad ang sikmura ko sa amoy niya kaya mabilis na lumayo ako sa kanya. Tinignan ko siya ng masama at pilit kinakalma ang sarili ko dahil pakiramdam ko sasabog ako sa inis. Hindi ko alam kung bakit ako inis na inis. I have this urge to yell at him pero nanaig sakin ang prinsipyo ko na hindi ako dapat basta basta nagpapadala sa emosyon ko.
BINABASA MO ANG
Wife For Hire
RomanceJaxon Jones, a cardiothoracic surgeon and he owns a hospital. He wants to hire a wife to be a mother for his 4-year-old son and someone who can pretend as his wife in front of his family. Reina Rivera. A simple girl who came from a poor family. A pa...