Humihigop ako sa kape ko habang binabasa ang mga files ng mga pasyente ko. Nagpasya ako na manatili muna sa bahay imbes na manatili sa hospital para makasama ang anak ko pero parang wala namang iyong saysay dahil nandito ako sa study room at nagtratrabaho. Napabuntong-hininga ako at binaba ang mga hawak ko. Napahilot ako sa sentido ko at mariing napapikit.I am a mess. I always leave my son behind and my work always come first. Don't get me wrong. I love my son very much pero marami akong pagkukulang sa kanya. Sa dami ng pagkukulang ko, hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa para makabawi.
Napahilamos ako sa mukha ko nang maalala ko si Zea. Damn it. I love her but I can't marry her and she can't love me back. She's married for pete's sake! Tumatayo lang siya bilang ina ni Devon at tinulungan niya lang ako sa pagpapalaki sa anak ko dahil pareho silang kailangan ang kalinga ng isa't isa. She lost her son and Devon doesn't have a mother. And now, nagkabalikan na sila ng asawa niya.
Masakit pero anong magagawa ko? She's not mine to begin with. I need to settle down and look for a woman that can be a mother to my son. I'm not getting any younger too. Wala na akong panahon para maghintay pa para sa babaeng para sa akin. I love Zea pero hindi kami pwede and my love for her lacks something. May kulang sa pagmamahal ko sa kanya para ipaglaban siya, siguro ay isa na doon ang katotohanan na may asawa siya at hindi niya ako mahal. And her husband, he is a guy that can't mess up with. He is dangerous and well, a little bit soft when it comes to Zea.
Inayos ko ang mga papel sa mesa ko at napatingin sa relos ko. Hapon na pala pero hindi ko pa nakikita ang anak ko maliban nalang noong umaga at tanghalian na sabay kaming kumain. We're not that close and I know it's my fault for not spending more time with him.
Lumabas ako ng study room at bumaba ako para magtungo sa sala. Naabutan ko doon ang anak ko na nakaupo sa sofa at tahimik na nanonood ng TV habang nakayakap sa isang unan. I felt a pang in my chest while looking at him. He needs someone. He needs me and he needs a mother.
Sa murang edad pa lang nito ay alam na nito ang nangyayari sa paligid niya, even the fact that he is not really my child. Hindi ako nakarinig sa kanya ng anumang panunumbat kahit na wala akong oras sa kanya at nasa trabaho ako. But everytime he clings to Zea, he always say how sad he is because I don't have time for him. When Zea came into our lives, mas naging malapit kami ng anak ko sa isa't isa but there's still a gap between us.
"Anak...." tawag ko sa kanya sa mahinang boses
Nagtataka siyang lumingon sakin na parang nagtataka kung bakit ako nandito. Naglakad ako palapit sa kanya at naupo sa tabi niya kaya mas lalo itong nagtaka.
"Why dad?" takang tanong nito
Bumuga ako ng hangin at nilagay siya sa kandungan ko tsaka siya niyakap ng mahigpit. Nakaramdam ako ng kaginhawaan nang mayakap ko siya. Sumiksik siya sakin at yumakap din.
"Do you want to go somewhere or eat outside perhaps?" malumanay na tanong ko sa kanya
Bigla niya akong tinignan na may maliwanag na mukha kaya napangiti ako. I can see my older brother everytime I see him with a bright face. Iyon dati ang dahilan kaya malayo ang loob ko sa kanya. He reminds me how painful it was when I lost my older brother but I know it wasn't his fault.
"Can we eat cupcake, daddy? Pleaseeee." he asked while doing some cute expressions
"Sure. Let's go?" nakangiting yakag ko sa kanya
Tumalon siya pababa at nagsuot ng tsinelas. Natawa ako nang mabilis niya akong hinila palabas ng bahay. Binuksan ko ang kotse at pinapasok muna siya bago ako magtungo sa driver's seat. Sinigurado ko muna na nakaseat bealt siya bago ko pinaandar ang kotse.
BINABASA MO ANG
Wife For Hire
RomanceJaxon Jones, a cardiothoracic surgeon and he owns a hospital. He wants to hire a wife to be a mother for his 4-year-old son and someone who can pretend as his wife in front of his family. Reina Rivera. A simple girl who came from a poor family. A pa...