Ladycode's Note: Thank you guys. Alam kong minsan sabaw, maikli at kalokohan lang ang ina-update ko pero nandyan pa rin kayo at naghihintay. Thanks sa mga comments at messages! Kilala niyo na ang mga sarili niyo, okay? I'll add dedications some other time and it will be random pero pwede niyo akong sabihan if you want dedication. Natutuwa ako sa mga comments kahit na simpleng, 'Haha' o kaya smiley lang. Natutuwa lang talaga ako. Hahaha.
Thank you so much guys! Susulitin ko na ang pag-update habang wala akong pasok dahil next next week, may pasok ako ulit. Hays.
-END-
~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~
Jaxon's POV
Mabilis akong napaupo sa kama nang hindi ko nakita sa tabi ko si Reina. Nasaan ba ang babaeng 'yon? Inaantok pa ako eh. Napilitan akong bumangon at nagshower para magising ang diwa ko. Mabilis lang akong nag-shower at bumaba ako agad nang makapagbihis na ako.
Nagpunta ako sa kusina dahil iyon ang paboritong tambayan ni Reina lalo na pag umaga. Naamoy ko agad ang ulam na niluluto nila sa kusina. Nakita ko agad si Reina na nakatayo sa may kalan at naghahalo ng kung anong niluluto niya. Hindi ko alam kung anong mga niluluto niya dahil tiga-kain lang naman ako.
Nagtaka ako nang makita ko si Devon na prenteng nakaupo at nakahalumbaba. Ang aga naman magising ng batang ito ngayon.
"Good morning, son. Maaga pa ah. Bakit gising ka na?" tanong ko rito pagkahalik ko sa tuktok ng ulo niya
"Good morning. Excited kasi 'yan at maaga din niya akong ginising para makapagluto." nakangiting sabi ni Reina
"Good morning din po. I want to leave na po eh. Kasama din po si Kuya Garry, diba?" nakangiting sabi nito at mukhang excited
"May lakad kayo?" takang tanong ko kay Reina habang nakayakap sa bewang niya
Kumunot ang noo niya sakin at ganoon din si Devon, para tuloy silang tunay na mag-nanay.
"Magpipicnic tayo sa park, remember?" nakakunot noo na sabi ni Reina
Umirap sakin si Devon at humalukipkip na halatang nagtatampo. Halos matapik ko ang noo ko sa sinabi niya. I forgot about it.
"Sorry, baby. Nawala sa isip ko." paglalambing ko kay Reina
Nawala talaga sa isip ko dahil buong gabing nasa isip ko yung nalalapit naming pagsosolo. At tumawag din si Mr. Dela Vega kagabi sakin para ipaalam sakin na kikitain namin ang abogado niya para mailipat na sa pangalan naming mag-asawa ang property. Sinabi ko sa kanya na yung abogado ko nalang ang mag-aasikaso para mas mabilis pero kailangan pa rin ako para sa pagpirma ng kung anu-anong papeles.
"Ngayon na ba tayo aalis? May importante akong lakad pero hindi naman ako magtatagal baka isang oras lang yun." nag-aalangan na sabi ko kay Reina
Mas humaba ang nguso ni Devon at inismiran niya ako. Mukhang nagtatampo ang baby boy namin.
"Importante ba talaga yan? Mas maganda sana kung after breakfast tayo umalis para mas mahaba ang oras nila Garry at Devon na maglaro eh." paninigurado niya
Sobrang importante ng lakad ko dahil para ito sa honeymoon natin. Kung pwede ko lang sabihin yan, sinabi ko na.
"Hindi ako magtatagal. Magkakape lang ako tapos aalis na ako para makabalik ako agad. Tatawagan ko lang yung kausap ko." pangungumbinsi ko rito
Bumuntong-hininga siya at sinulyapan si Devon bago tuluyang tumango sakin. Lumabas ako agad sa kusina at kinuha ang cellphone ko para tawagan si Mr. Dela Vega.
BINABASA MO ANG
Wife For Hire
RomanceJaxon Jones, a cardiothoracic surgeon and he owns a hospital. He wants to hire a wife to be a mother for his 4-year-old son and someone who can pretend as his wife in front of his family. Reina Rivera. A simple girl who came from a poor family. A pa...