Lunes na ulit at balik trabaho na kami ni Jaxon. Kung tatanungin niyo ang status namin, mag-asawa pa rin naman kami. Kung tungkol naman dun sa sinabi niya noong nasa bahay kami ng magulang niya, aaminin kong kinikilig ako sa sinabi niya pero mahirap umasa.Sinabi niya na gusto niya akong mahalin pero paano kung hindi niya magawa?
Paano kung si Zea pa rin ang mahal niya? Hindi ko pa nga siya nakikilala pero naiinsecure na ako sa kanya.
Pagkatapos niyang sabihin ang mga iyon nanahimik ako dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Umalis kami sa bahay nila na ayaw pa rin sakin ng mommy niya. Nakakalungkot isipin na ayaw niya sakin.
"Nana, tulala ka dyan. Iniisip mo nanaman ba yung asawa mo?" sita sakin ni Sasa
Napatingin ako sa hinahalo kong harina at itlog na halong-halo na pala. Napabuntong-hininga ako at tinignan si Sasa. Hindi lingid sa kaalaman nito ang tungkol sa mga nangyayari sakin dahil matalik kaming magkaibigan.
"Napapaisip kasi ako kung sino ba si Zea at kung anong itsura niya." matamlay na sabi ko sa kanya
"Hay naku. Feeling ko pangit yun tapos gurang. Tsaka ang sama niyang ina. Mantakin mo ba naman na iwan niya ang anak niya." nakairap na sabi nito sakin
"Sasa, di mo naman kilala yung tao. Malay mo may dahilan siya kaya niya iniwan si Devon." depensa ko sa kanya
"Tigilan mo ako dyan sa pagtatanggol sa babaeng yan! Nasasaktan ka nga dahil siya ang mahal ng asawa mo eh." inis na sabi nito kaya napaiwas ako sa kanya ng tingin at binalingan ang ibebake kong cupcake
"Bakit naman ako masasaktan? Kinasal lang kami dahil may utang kami sa kanya at kailangan niya ng ina para sa anak niya." mahinang sabi ko
"Kasi may gusto ka sa kanya. Alam ko kahit hindi mo aminin sakin, Nana. At isa pa, kung mabuting ina yung nanay ni Devon edi sana hindi siya maghahanap ng nanay para sa anak niya. Does it make sense now?" mataray na sabi nito
May gusto na nga ba talaga ako kay Jaxon? Hindi ko naman maikakaila na gwapo talaga siya at mabait. Nakakaramdam din ako ng abnormal na pagbilis ng tibok ng puso ko pag malapit lang siya sakin. Kinakabahan ako pag hinahawakan niya ako o malapit kami sa isa't-isa pero sapat ng basehan yun para masabi ko na may gusto ako sa kanya?
At isa pa may point naman si Sasa at kahit ako hindi ko mapigilan ang sarili ko na mainis sa mommy ni Devon. Isa siyang ina kaya priority niya dapat ang anak niya. Hindi niya dapat iniiwan nalang ito basta kahit na sa mismong tatay pa nito.
"Sana alam mo ang pinapasok mo. Sinasabi ko lang ito dahil ayokong masaktan ka pero alam ko naman na mamahalin ka rin ng asawa mo. Hindi ka kaya mahirap na mahalin." masuyong sabi ni Sasa kaya napangiti nalang ako sa kanya
"Bumalik ka na dun at kumuha ng order ng mga customers. Binobola mo nanaman ako eh." nakangusong sabi ko rito
Tinawanan lang ako nito bago siya tuluyang lumabas at bumalik sa trabaho. Nagpatuloy nalang ako sa pagbebake dahil maraming mga customer ngayon. Kadalasan na marami ang customer tuwing Lunes dahil sa mga estudyante at ilang mga empleyado sa kalapit na buildings.
Hinintay kong matapos ang binebake ko bago ko ito lagyan ng icing at palamigin. Nilinisan ko rin ang pinaglulutuan ko at dinisplay na ang mga cupcakes sa stand nang matapos ako.
"Nana, lunch muna tayo." yaya sakin ni Sasa
"Mamaya nalang ako maglalunch. May dala naman akong pagkain eh. Pinagbaon ako ni manang kanina." umiiling na sabi ko sa kanya
Busog pa naman ako eh at isa pa wala si Sir Kris kaya walang tutulong sa ilang katrabaho namin ni Sasa.
"Wow. Improving!" pambubuska nito kaya namula ako pero umirap ako rito para pagtakpan ang pamumula ko
BINABASA MO ANG
Wife For Hire
RomanceJaxon Jones, a cardiothoracic surgeon and he owns a hospital. He wants to hire a wife to be a mother for his 4-year-old son and someone who can pretend as his wife in front of his family. Reina Rivera. A simple girl who came from a poor family. A pa...