Hindi natuloy ang so-called first lunch date namin ni Jaxon dahil sa sagutan namin at dahil may tumawag sa kanya sa hospital. Nagpaalam nalang siya at nagbilin na maglunch na ako na ginawa ko naman agad.Hanggang ngayon di ko pa rin makalimutan ang sinabi nito kanina. Sabagay tama naman siya. I'm his wife at yun ang role ko sa buhay niya. Legal akong parte ng pamilya niya.
"Inaway mo pa kasi. Sana pumayag ka nalang." pangaral sakin ni Sasa habang nagaayos kami ng damit sa locker room
"Hindi ko inaway Sasa. Gusto ko lang linawin yung mga bagay bagay lalo na pag si Zea na ang usapan." mahinahon na sabi ko at bumuntong-hininga
"Bakit kasi iniisip mo ang babaeng yun? Asawa ka niya kaya kung babalik siya para agawin si Jaxon, may karapatan ka na pigilan siya kasi nga asawa ka." pagdidiin nito at sinarado ang locker niya
"Ayokong masaktan sa huli at pagsisihan na binigyan ko siya ng chance." mahinahon pa rin na sabi ko at naupo sa upuan na naroon
"Ayoko rin naman na masaktan ka, Nana. Pero paano niyo masusubukan na ayusin yung pagiging mag-asawa niyo kung inuuna mo yang takot mo? Hindi lahat ng panahon, masaya ka dahil darating talaga ang punto na masasaktan ka." seryosong sabi nito
Napahinga ulit ako ng malalim at sinulyapan ang hawak kong box. Nagbake ako ng maliit na chocolate cake at may nakasulat na 'Sorry' sa taas. Balak ko itong ibigay kay Jaxon dahil pakiramdam ko kasalanan ko talaga at mukhang nagalit siya kanina.
"Tara na para maibigay mo na yan sa hubby mo at magkaayos na kayo." yaya nito sakin at nilagay sa balikat ang bag niya
Kinuha ko na rin ang bag ko at sinuot sa balikat ko. Siya ang naunang lumabas at agad na sumunod ako sa kanya. Napatigil ako sa paglalakad nang tumigil din siya at suminghap na parang may nakitang multo.
"Bakit ka tumigil?" takang tanong ko rito
Humarap siya sakin nang may nanlalaking mata tapos nagpunta sa tabi ko. Napasinghap din ako nang makita kung anong nakita niya. Si Jaxon na may dalang isang bungkos ng bulaklak habang nakatayo ng diretso at nakatingin sakin.
"Hi." awkward na bati nito at napakamot pa sa batok kaya napangiti ako
"I-Ikaw pala. May kailangan ka ba?" naiilang na tanong ko rito pero nakangiti ako dahil halatang nahihiya siya
"Yayayain sana kitang mag-dinner dahil hindi natuloy yung lunch natin kanina." sabi nito at bakas sa boses nito na umaasa siyang papayag ako
Sinulyapan ko muna si Sasa na mabilis na tumango sakin habang may ngiti sa labi niya. Binalik ko ang tingin ko kay Jaxon at matamis na nginitian siya.
"Sige."
Nagliwanag ang mukha nito at malapad na ngumiti sakin. Napatingin siya sa hawak niyang bulaklak at mabilis na inabot iyon sakin.
"Flowers nga pala." sabi nito na parang nakalimutan na niyang may hawak siyang bulaklak
"Thank you." namumulang sabi ko
May mga nagbigay naman dati sakin ng bulaklak pero hindi ko tinatanggap dahil hindi ako mahilig sa bulaklak at isa pa hindi ko gustong binibigyan ako ng bulaklak. Pero ngayon parang naging paborito ko na ang bulaklak. Pasimple ko itong inamoy at napapikit ako nang masamyo ko ang mabangong amoy nito.
"Nana, mauna na ako. Sige Jaxon. Enjoy!" nakangising paalam ni Sasa at mabilis pa sa alas kwatrong umalis sa shop
"Shall we?" nakangiting tanong ni Jaxon at binuksan ang pinto ng shop
BINABASA MO ANG
Wife For Hire
RomanceJaxon Jones, a cardiothoracic surgeon and he owns a hospital. He wants to hire a wife to be a mother for his 4-year-old son and someone who can pretend as his wife in front of his family. Reina Rivera. A simple girl who came from a poor family. A pa...