A/N: Reina's gown. Credits to google. Haha.
Reina
Napatingin ako sa entrance ng hall nang pumalakpak ang mga tao. Dumating na pala si Jaxon at nakasuot ito ng black tuxedo at puting longsleeves at pulang neck tie. Ngumiti siya sa mga tao at nilibot niya ang paningin niya hanggang sa tumigil ang tingin niya sakin. Mas lumawak ang ngiti niya nang makita niya ako.
Nagsimula na siyang maglakad palapit sakin at nanatili kaming nakatitig sa isa't isa. Tumayo ako ng malapit na siya para salubungin siya. Agad ko siyang niyakap nang makalapit siya sakin at humalik naman siya sa ulo ko.
"I'm sorry. Nagkaroon ng emergency operation kanina." malumanay na sabi nito
"Namiss kita." nakangusong sabi ko at hindi pinansin ang sinabi niya
Tumawa naman siya at nilayo ang katawan ko sa kanya. Nanlaki ang mata ko nang walang pasubali niya akong hinalikan sa labi. Ginaya niya ako paharap kila mommy at binati niya ang mga tao sa mesa.
"Alalang alala ang asawa mo sa'yo kanina. Sana naman nagtext ka o tumawag." nakaismid na sabi sa kanya ni mommy
"Akala ko hindi ka na sisipot. Muntik na kitang itakwil bilang apo." ismid din sa kanya ni Lolo Fred
"Nagkaroon lang ng emergency at kakatapos lang ng operation namin noong sinagot ko ang tawag ng asawa ko. I rushed through here nang sabihin niyang iiwan niya ako and I even used the medical air ambulance para makarating dito on time." natatawang sabi ni Jaxon
"Kawawa ka naman pala, hijo. Siguradong pagod ka." malumanay na sabi ni nanay
"Nako Penelope, hayaan mo ang lalaking iyan. Wag kang maawa dyan. Pinag-alala niya tayong lahat." inis na sabi pa rin ni mommy
"Bakit pala hindi ko matawagan si Ethel?" baling ko kay Jaxon nang maalala ko iyon
"Oh. Nag-half day siya kanina dahil may mountain climbing daw sila bukas at aalis sila kaninang hapon." kibit-balikat na sagot nito
Kaya pala hindi ko macontact si Ethel. Naupo na kami nang sabihin samin ng organizer na mag-uumpisa na ang party. Naramdaman ko ang mainit na kamay ni Jaxon sa nanlalamig na kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.
"You look stunning as always." malambing na sabi niya at hinalikan ang likod ng palad ko na ikinapula ng pisngi ko
"Salamat." nakangiting sabi ko
"Nilalamig ka ba? Ang lamig ng kamay mo." nag-aalalang tanong nito
"Ayos lang ako. Kinakabahan lang." mahinang sabi ko
"Kinakabahan saan?" takang tanong nito
Hindi ko sinagot ang tanong niya at ngumiti lang ako. Tumingin na ako sa harap dahil nag-i-speech si daddy. Tumutugtog ang malamyos na musika sa buong hall at nakakaantok iyon para sakin. Napahikab tuloy ako pero nilabanan ko ang antok dahil kakaumpisa palang ng party.
BINABASA MO ANG
Wife For Hire
RomanceJaxon Jones, a cardiothoracic surgeon and he owns a hospital. He wants to hire a wife to be a mother for his 4-year-old son and someone who can pretend as his wife in front of his family. Reina Rivera. A simple girl who came from a poor family. A pa...