Chapter 6

65.8K 1.8K 129
                                    


Mapanuri ang mga matang nakatingin sakin ang ina ni Jaxon habang ang ama nito ay tumayo at tumabi sa asawa niya. Nagulat pa ako nang ngumiti ito sakin at ilahad ang kamay niya.

"I'm Sebastian. Just call me dad. Welcome to the family, hija."

Inunat ko ang kamay ko at kinamayan siya. Gumanti ako sa kanya ng isang naiilang na ngiti kaya mas lumapad ang ngiti nito.

"Nice meeting you po." nahihiyang sabi ko

"Don't be shy, hija. You're a part of our family now." nakangiting sabi nito

Bahagya aong namula sa sinabi nito. Pakiramdam ko nabunutan ako ng tinik pero bumigat din ang pakiramdam ko nang umismid ulit sakin ang ina ni Jaxon. Bahagyang nakataas ang kilay nito sakin at naiilang ako sa mapanuyang tingin nito kaya napayuko ako.

"Mom, stop it. She's my wife." seryosong saway sa kanya ni Jaxon

Napaangat ako ng tingin para makita ang reaksyon nila. Kumunot ang noo ng mommy niya at parang may mali itong sinabi.

"She may be your wife but I don't approve of her." matigas na sabi nito kaya napayuko ako ulit

Naiiyak ako sa hindi ko malamang dahilan. Masakit pala ang mareject ng magulang ng asawa mo kahit na wala ka namang ginagawang mali.

"Hon, don't be rude to Reina." mahinahon ngunit maawtoridad na sabi ng daddy ni Jaxon

Hindi na ito nakasagot nang biglang may sumigaw sa likuran namin at naramdaman ko ang mga braso na bigla nalang yumakap sakin ng mahigpit.

"Ate Zeaaaaaaa!" 

Zea? Bakit ba lagi ko nalanga naririnig ang Zea na yan? Nagsisimula na akong ma-curious sa kanya dahil lagi kong naririnig ang pangalan niya sa mga taong nakapaligid kay Jaxon.

Naramdaman kong hinila ako ni Jaxon palayo doon sa babae at nanlaki ang mata nito nang humarap ako sa kanya. Tumabi ito sa mommy ni Jaxon at tumitig sakin bago tumingin kay Jaxon.

"Kuya, sino siya? I mean, I thought you got married with Ate Zea? You're planning to marry her, right?" naguguluhang tanong nito

Napatingin ako kay Jaxon dahil sa sinabi ng babae. May papakasalan pala siyang ibang babae at si Zea yun. Nanikip ang dibdib ko nang mapagtanto ko na kaya niya ako pinakasalan dahil hindi natuloy ang pagpapakasal nito sa babaeng gusto niya.

May lungkot sa mata nito at nakatiim-bagang siya.

"I told you, Hannah. Zea is out of this and I can't marry her! Stop blabbering about her." matigas at seryosong sabi nito

Nakagat ko nalang ulit ang ibabang labi ko at pakiramdam ko hindi ako nararapat na nandito. Nasasaktan ako sa mga naririnig ko pero sino ba naman ako para magreklamo? I need to pay our debt by marrying him.

"Stop arguing about Zea infront of Reina. Mahiya naman kayo." matigas na saway sa kanila ng daddy ni Jaxon

"Bakit sila mahihiya? Kung nandito lang si Zea baka wala siya rito." mataray na sabi ng mommy ni Jaxon

"Elizabeth, stop it." puno ng otoridad na sabi ng daddy ni Jaxon kaya nanahimik ito

Hindi ako makaimik dahil wala naman akong sasabihin at hindi ko alam kung dapat ba akong magsalita.

"Can I talk to your wife, Kuya?" paalam nung Hannah at bigla nalang akong hinigit palabas ng mansyon

Narinig ko pa ang sigaw at pagtawag samin ni Jaxon pero hindi siya pinansin nitong si Hannah. Dinala ako nito sa isang gazebo sa garden. Ang ganda ng garden nila dahil puno iyon ng mga magagandang bulaklak at halatang alagang-alaga.

Napatingin ako kay Hannah nang maupo siya sa harapan ko at tumikhim.

"I'm Hannah. Pinsan ako ni Kuya Jaxon pero dito ako namamalagi pag weekends kahit may condo ako. Ulila na rin kasi ako at sila Tito ang kumumkop sakin." nakangiting sabi nito at nilahad ang kamay niya

Nakipagkamay ako sa kanya at ngumiti. Mukha naman siyang mabait at maamo ang mukha nito.

"I'm Reina." tipid na sabi ko habang nakangiti

"I'm sorry about the things I've said earlier. And I'm sorry for hugging you. I thought it was Ate Zea. Siya lang kasi ang babae na malapit kay Kuya kaya akala ko siya yung dinala niya dito. I'm sorry for mentioning her name." sinserong sabi nito sakin

"Ayos lang yun. Napapaisip lang ako kung sino siya. Sa tingin ko kasi, malaki siyang parte ng buhay ni Jaxon." mahinahon na sabi ko

Sa paraan palang ng pagsasalita nila alam ko ng mahalaga siya kay Jaxon at sa pamilya niya. Isang misteryo sakin ang babaeng iyon. Parang gusto ko siyang makilala pero natatakot ako. Natatakot akong makilala siya dahil pakiramdam ko, sobrang baba ko kumpara sa kanya.

"Wala ako sa posisyon para sabihin kung sino siya sa buhay ni Kuya Jaxon. Ang tanging masasabi ko lang sa'yo ay napakabuti niya lalo na kay Devon. Hindi ko pa siya kilala ng ganun katagal pero sa mga kwento palang nila Tita at Kuya Jaxon, alam kong mabuti siya babae at mabuti rin siyang ina." nakangiting sabi nito at puno ng paghanga ang mata nito

Bago ko pa mapigilan ang bibig ko lumabas na ang tanong na kanina ko pa gustong malaman.

"Kung mabuti siyang ina, bakit iniwan niya si Devon? Bakit hindi nalang siya manatili sa tabi ng anak niya?" napakagat ako sa labi ko matapos kong tanungin iyon nang magbago ang ekspresyon ng mukha ni Hannah

Kumunot ang noo nito pero agad ding ngumiti. Ngiti na nagsasabing naiintindihan niya kung bakit ko iyon natanong sa kanya.

"She's a good mother,  Ate Reina. Hindi niya iniwan si Devon. Si Kuya Jaxon lang ang makakasagot sa tanong mo. Malalaman mo rin ang lahat sa tamang panahon." makahulugang sabi nito

Natahimik ako sa sinabi niya. Maaari ngang mabuti siyang ina at hindi ko siya dapat hinuhusgahan dahil hindi ko naman talaga siya kilala. Pero hindi ko mapigilan ang sarili ko lalo nas pag nakikita ko si Devon na malungkot.

"Sigurado ako na magugustuhan ka ni Ate Zea pag nakilala ka niya." nakangiting sabi nito

Nginitian ko nalang din siya dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Magugustuhan kaya niya ako pag nalaman niyang asawa ako ng tatay ng anak niya? Baka nga sabihin pa niya na inagaw ko sa kanya si Jaxon eh.

"Hannah..."

Sabay kaming napalingon ni Hannah kay Jaxon na seryosong nakatingin samin.

"Maiwan ko muna kayo." paalam ni Hannah at bigla nalang umalis

Pumasok sa gazebo si Jaxon at naupo sa dating pwesto ni Hannah. Seryoso ang mukha nito kaya napayuko ako. Narinig kaya niya ang pinag-uusapan namin ni Hannah kanina?

"Reina.." seryosong tawag nito sa pangalan ko kaya nag-angat ako ng tingin

Nagulat ako nang kunin niya ang kamay ko at hinawakan iyon. Lumambot na ang ekspresyon ng mukha nito at lumamlam ang mata nito habang diretsong nakatingin sakin.

"B-Bakit?" utal na tanong ko dahil kinakabahan ako sa tingin niya sakin

"Alam kong gusto mong malaman kung sino talaga si Zea sa buhay naming mag-ama. Sasabihin ko sa'yo pag handa na ako. Please stop thinking about  her. She's someone important to me and to Devon. Malaki siyang bahagi sa buhay ng anak natin. You are my wife and I don't have any plans on letting you go." 

Namula ako sa sinabi nito na 'anak natin' dahil hindi ko alam na tinuturing niya pala akong ina ng anak niya. Pero hindi ba't parang nakakabastos naman yun sa part ng mommy ni Devon? At tumatak sa isip ko ang sinabi niyang hindi niya ako pakakawalan.

"Wala sa usapan natin yan, Jaxon. Ang sabi mo dati maghihiwalay tayo pag nahanap mo na ang babaeng mamahalin mo diba?" nakakunot ang noong sabi ko

Ayokong manatili sa isang magulong relasyon dahil ayokong masaktan. Nakakatakot ang masaktan lalo na at hindi ko pa nasubukan ang magmahal o nagkaroon ng nobyo.

At isa pa, ayaw sakin ng nanay niya at nagpakasal lang kami para bayaran ang utang namin sa kanya.

"I want to love you and be with you for the rest of my life, Reina."

Wife For HireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon