Chapter 9

68.4K 1.7K 233
                                    


Napamulat ako ng mata nang maramdaman ko ang mga braso na nakayakap sakin. Napangiti ako nang bumungad sakin ang natutulog na mukha ni Jaxon. Kahit tulog ay gwapo pa rin siya.

Gusto ko pa siyang pagmasdan pero kailangan ko ng bumangon dahil may trabaho pa kami. Dahan-dahan akong bumangon para hindi siya magising. Bumaba ako sa kama nang tuluyan ko ng matanggal ang braso niya.

Naghilamos muna ako bago bumaba. Sinilip ko rin muna si Devon na mahimbing din ang tulog tulad ng ama.

"Good morning, manang! Ako na po ang magluluto ng breakfast namin." nakangiting bati ko kay manang nang makita ko ito sa kusina

"Magandang umaga rin, hija. Sige ikaw na ang bahala dyan at maglilinis lang ako sa sala." sabi nito

Nakangiti akong tumango sa kanya at nagtimpla ako agad ng kape na iinumin ko. Naghiwa ako ng bawang para sa sinangag na lalagyan ko ng itlog para mas masarap.

Nilapag ko sa mesa ang sinangag na naluto ko at nagsimula akong magluto ng bacon, egg at hotdog. Nilalagay ko na iyon sa plato nang maramdaman ko ang braso na yumakap sakin mula sa likod.

"Good morning." bati ni Jaxon at humalik sa pisngi ko

"Good morning din. Halika. Kain na tayo." nakangiting sabi ko

Kinuha niya ang platong hawak ko at nilapag sa mesa. Sakto na pagkaupo namin dumating si Devon na papungas pungas pa kaya tumayo ako agad at sinalubong siya.

"Karga." inaantok na sabi nito at tinaas ang magkabilang kamay

Kakargahin ko na sana siya nang lumapit si Jaxon at siya ang bumuhat kay Devon.

"Anak, you're a big boy na, diba? Dapat hindi ka na nagpapabuhat lalo na kay mommy Reina kasi mabigat ka." malambing na sabi nito sa anak

Napangiti ako sa sinabi nitong 'mommy Reina'. Ang sarap lang sa pakiramdam.

Tumango lang sa kanya ang bata at sumandal sa mesa nang maiupo siya ni Jaxon. Nagtimpla ako ng gatas niya at nilapag sa tabi ng plato niya.

"Kain ka na, Devon." masuyong sabi ko sa kanya habang nilalagyan ng sinangag at hotdog yung plato niya

Umayos siya ng upo at kinuha ang kutsara't tinidor.

"Thank you po, Tita." tipid na sabi nito at sumubo na

"You should call her mom from now on, anak. She's my wife so that makes her your mom." paliwanag sa kanya ni Jaxon

"But I have my mommy." malumanay na sinabi nito habang patuloy na kumakain

Magsasalita pa sana si Jaxon nang hawakan ko ang kamay niya at marahang pinisil iyon.

"Hayaan mo muna yung bata. Nag-a-adjust pa siya." malumanay na sabi ko kay Jaxon

"Dad, hindi mo na po ba love si mommy?" biglang tanong ni Devon

Nagkatinginan kami ni Jaxon at mabilis na nag-iwas ng tingin. Nag-umpisa na rin akong kumain at hindi pinansin ang tanong niya kahit na gusto kong marinig ang sagot.

"Anak, you know she's not your--" pinutol agad ni Devon ang sasabihin nito

"She's my mom. She was there when you're not. She was there when I'm sick. She was always there for me." madamdamin na sabi ni Devon kaya napatingin ako sa kanya na nakayuko na

He must really love his mom. Napatingin ako kay Jaxon nang mapagtanto ang sinabi ng bata. Sinasabi niyang wala palagi sa tabi niya ang ama niya.

"Devon..." mahinang tawag sa kanya ni Jaxon

Wife For HireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon