Chapter 21

71.1K 1.7K 151
                                    

Jaxon

Hindi ko maalis ang malaking ngisi sa labi ko hanggang sa makaalis kami sa bahay ng mga magulang ko. Hindi rin naman kami nagtagal dahil nga may lakad ako. Alam kong nagtataka si Reina sa kinikilos ko dahil halata naman sa nakakunot nitong noo at parang konti nalang tatawag na siya sa mental institution para ipadampot ako.

Sobrang saya ko lang talaga dahil makakapagbakasyon kami ni Reina at pumayag si daddy na doon muna sa kanila si Devon ng ilang araw. Gusto ko sanang isama si Devon sa bakasyon namin pero naisip kong sa susunod ko nalang namin siya isama para magkaroon kami ng time ni Reina na kilalanin pa ang isa't isa.

Lagi akong napapasulyap sa cellphone ko nagbabakasakaling tatawag na si Enrique. Saktong alas-tres nang tumunog ang cellphone ko at laking tuwa ko nang makitang si Enrique ang tumatawag.

"Pre, magkikita na ba tayo?" excited na bungad ko dito

Imbes na boses ni Enrique ang marinig ko, boses ni Zea ang bumungad sakin. Parang...galit?

[May relasyon ba kayo ng asawa ko, ha Jaxon?! Sinasabi na nga ba bakla ka eh! Mga lapastangan!] galit na sabi nito sa kabilang linya

Umawang ang labi ko sa sinabi nito. Mukhang tinotopak nanaman siya tulad ng laging sinasabi ni Enrique sakin. Madalas na ganoon si Zea at nagiging irrational siya sa lahat ng bagay dala ng pagbubuntis niya.

"Pffft--Hahaha." pinakawalan ko ang pinipigil kong tawa

[Bakit ka tumatawa, ha?!---Alexandra, wait. Sinong kausap mo?--- Tinawagan ko yung kabit mo! Sabi ko bawal kang mambabae, diba?! Pero hindi ibig sabihin nun pwede kang manlalaki! Mga taksil!---Huh? Sino ba yan? Is that Eugene? Ethan? or Jaxon?---May relasyon din kayo ni ni Eugene at Ethan?! Hindi ka na nakuntento sa isa at talagang tatlong lalaki pa!---So, that's Jaxon? Can I talk to him? May importante kaming lakad.---Magdedate kayo?!---Come on, witch. Stop the act. Alam kong gusto mo lang akong awayin para may rason kang tumakas ng bahay ng wala ang mga bodyguards mo.]

May kaluskos akong narinig tapos biglang naputol yung linya. Napatitig ako sa cellphone ko at biglang natawa. Pasaway talaga ang isang yun.

Ilang minuto pa tumunog ulit ang cellphone ko at sigurado akong si Enrique na iyon.

"Saan tayo magkikita?" tanong ko rito nang sabihin niyang paalis na siya sa opisina

[Sa restaurant niyo na pinakamalapit sa building ko para libre mo kasama ko ang asawa ko. Nalaman niya yung surprise mo kay Reina, eh. Ayos na ba yung pera?] seryosong sabi nito

"Ang daddy ko na ang bahala doon. Tatawag ako sa restaurant para maihanda yung VIP room. Magibibihis lang ako."

[Sure. Bye.]

Naputol na nag tawag kaya umakyat ako sa kwarto namin ni Reina at tinawagan ang resto tapos mabilis na nagbihis. Nakalong sleeves akong puti at dark blue na jeans para pormal na tignan. Pagbaba ko ng hagdan, nilapitan ko si Reina na nakikipaglaro kay Devon.

"May pupuntahan lang ako. Wag ka ng magluto ng dinner. Mag-uuwi ako ng dinner natin." paalam ko sa kanya

Napatingin siya sakin at saglit na pinasadahan niya ng tingin ang suot ko.

"Pupunta ka sa hospital?" takang tanong nito kaya mahina akong natawa

Ganito kasi ang porma ko tuwing nasa hospital o minsan naman nakaslacks ako.

"May lakad kami ni Enrique pero di naman ako gagabihin. Baka 5pm nakauwi na ako." nakangiting sabi ko rito

"Ingat ka sa pagdadrive. Kung iinom kayo, tawagan mo ako para ipasundo kita sa driver." malumanay na sabi nito

Wife For HireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon