Chapter 5

75.2K 1.8K 41
                                    


Sinalubong ako agad ni Sasa nang makapasok ako sa coffee shop. Isa siya sa mga nandoon noong kinasal kami ni Jaxon at ang loka, kilig na kilig dahil ang gwapo raw nito.

"Nana, musta ang first night niyong mag-asawa?" excited na tanong nito at tinaas baba pa ang kilay

Pinanlakihan ko naman ito ng tingin at napatingin sa paligid dahil baka may makarinig sa kanya. Ayos lang naman sakin na malaman ng iba na may asawa na ako dahil tulad ng sabi ni Jaxon, legal na mag-asawa kami pero baka hindi ayos kay Jaxon pag nalaman ng iba na kasal kami.

"Alam mo naman na hindi kami normal na mag-asawa, Sasa. Ginawa ko lang iyon dahil kailangan niya ang tulong ko at para mabayaran ang utang namin sa kanya." paliwanag ko sa kanya habang nilalagay sa locker ang bag ko

Kinuha ko ang uniform ko at pumasok sa banyo. Habang nasa banyo kinakausap pa rin ako ni Sasa.

"Pero mag-asawa pa rin kayo. Wala bang nangyari sa first night niyo?" tanong nito na puno ng kuryosidad

"Ano namang mangyayari?" takang tanong ko pabalik at lumabas na ng banyo

Ipinusod ko ang buhok ko at naglalagay ng hair net. Nasa likuran ko lang si Sasa at hindi pa rin ako tinitigilan sa mga tanong niya.

"Yung alam mo na. Unang gabi niyo kaya dapat may nangyari man lang diba?" pagpupumilit nito

bumuntong-hininga ako at hinarap siya. Hindi ganun kadali ang sinasabi niya lalo na at hindi naman namin mahal ang isa't isa ni Jaxon.

"Sasa, hindi kami nagpakasal dahil mahal namin ang isa't isa. Alam mo naman ang prinsipyo ko sa buhay. At isa pa, ang gusto ni Jaxon yung tipong parang modelo ang katawan."

Parang nakaramdam tuloy ako ng lungkot dahil sa sinabi ko. Tama naman ako eh. Yun naman ang tipo ng mga mayayaman na lalaking tulad ni Jaxon. Yung mga babaeng kalevel niya at pareho ng estado sa buhay. Yung babaeng sexy, maganda at elegante kung manamit.

"Sexy ka naman at maganda ah!" pagdedepensa nito

Inirapan ko nalang siya. Hindi ko alam kung bakit ba nagpupumilit siya na may mangyari sa pagitan namin ni Jaxon. Malabong mangyari na matuloy sa totohanan ang naganap na kasal namin.

"Tigilan mo nga ako, Sasa. Marami pa tayong trabaho." sabi ko rito at tumalikod na para lumabas ng locker room

"Sabi ko nga rin. Pero sexy ka naman talaga eh at maganda. Hindi nga lang ganun kalaki ang hinaharap mo pero mapagtiyatiyagaan." natatawang sabi nito

Wala sa sariling natakpan ko ang dibdib ko sa sinabi niya kaya natawa ito. Sinulyapan ko naman ang dibdib ko at dibdib niya. Mas malaki ang hinaharap niya pero hindi naman maliit yung sakin. Sakto lang. Makalait talaga ang babaeng ito.

Mas lalo lang lumakas ang tawa nito kaya hindi ko nalang siya pinansin at nagpunta na sa kitchen.

"Good morning Sir." bati ko kay Sir Kris nang makita ko ito

"Good morning, Reina. Ang aga natin ngayon ah." nakangiting bati rin nito

Inagahan ko talaga ang pagpasok dahil nahihiya ako kay Jaxon at hindi rin ako halos nakatulog kagabi dahil hindi ako sanay na may katabi sa kama lalo na at lalaki pa.

"Maaga po akong nagising eh." nahihiyang sabi ko

"Mukha ngang wala kang tulog eh." natatawang sabi nito kaya namula ako

"P-Parang ganun na nga po. Hindi ako halos madalaw ng antok kagabi eh." nakayukong sabi ko para maitago ang pamumula ng pisngi ko

"Ayos ka lang ba? Baka mamaya antukin ka. Gusto mo bang mag-day off muna?" nag-aalalang sabi nito

Wife For HireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon