Pinagbuksan niya ako ng kotse niya nang makarating kami sa bahay niya. Kinuha niya ang mga gamit ko sa likod ng kotse habang ako nakatingala sa malaking bahay. Ang simple ng bahay niya pero ang ganda.Dito ba ako titira? Ang ganda naman. Pang-mayaman talaga.
Tapos may malawak na garden pa sa harap at malalago yung mga bulaklak na nasa garden. Halatang inaalagaang mabuti ang mga tanim nila.
"Daddy!"
Napalingon ako sa batang tumakbo palapit kay Jaxon. Yung batang kasama niya sa coffee shop dati. Magkamukha talaga silang mag-ama.
"Hey, young man. Hindi ka ba nagpasaway habang wala ako?" masuyong tanong nito sa anak
Ang ganda palang makita ang isang lalaki na malambing sa anak. Father material talaga si Jaxon. Kitang-kita sa mata niya ang pagmamahal sa anak niya.
"Yes po!" masiglang sagot ng bata
Napasulyap sakin ang bata at bahagyang kumunot ang noo. Mukhang masungit ata ang batang ito.
"She's your Tita Reina." sabi ni Jaxon at tumabi sakin nang makita niya na nasa akin ang atensyon ng bata
"Where's mommy?" tanong nito at hindi pinansin ang sinabi ng ama
Nakaramdam ako ng kung ano sa dibdib ko dahil sa ginawa niyang pambabalewala. How can a little child affect me so much?
Nagkatinginan kami ni Jaxon dahil sa tanong nito. Napatingin ako sa kanya para makita ang reaksyon niya pero hindi ko alam kung bakit siya tumingin sakin. Hindi ko pa pala natanong ang tungkol sa bagay na iyon.
"Let's go inside." sabi nito at hindi pinansin ang tanong ng anak niya
Nauna na silang maglakad kaya sumunod ako sa kanila. Hindi ko mapigilang mamahanga habang papasok kami ng bahay. Napakaelegante ng mga dekorasyon ng bahay. Lalo na yung chandelier na hindi kalakihan pero maganda ang disenyo.
May mga picture frame din na nakadisplay. Napako ang mata ko sa isang picture. Sa litratong iyon, nandoon si Jaxon, Devon at isang magandang babae. Parang pamilyar ang mukha nito pero hindi ko maalala kung saan ko siya nakita.
Nanatili akong nakatitig doon nang may nagtaob ng picture na iyon. Si Jaxon.
Gusto kong tanungin kung siya ba yung mommy ng anak niya pero wala akong lakas ng loob na magtanong at isa pa, nahihiya akong magtanong.
"Ikaw nalang ang mag-ayos ng gamit mo sa kwarto natin." kalmadong sabi nito
Napaangat ako ng tingin sa kanya dahil sa sinabi niya.
"K-Kwarto natin?" gulat na tanong ko
Wala sa usapan namin na magsasama kami sa iisang kwarto dahil hindi naman talaga kami normal na mag-asawa.
"Reina, you are my wife now. We're married. At baka bigla nalang dumating ang mga magulang ko dito." seryosong sabi ito
Hindi na ako nakaangal nang tumalikod na siya sakin at binitbit ang gamit ko paakyat sa hagdan. Sumunod naman ako agad dahil baka mawala pa ako dito sa laki ng bahay niya.
Nauna siyang umakyat sa hagdan kaya sumunod ako dahil hindi ko naman alam kung saan ang kwarto niya. Napapatingin ako sa paligid habang papaakyat kami. Ang ganda ng bahay at may mamahalin pang chandelier. Huminto kami sa pinakadulong kwarto at binuksan niya iyon.
Namangha ako sa lawak nun at may mini sala pa sa loob. May flat screen TV tapos yung kama ang laki rin.
"Maiwan muna kita rito. Tawagin mo lang si manang kung may kailangan ka." bilin nito
BINABASA MO ANG
Wife For Hire
RomanceJaxon Jones, a cardiothoracic surgeon and he owns a hospital. He wants to hire a wife to be a mother for his 4-year-old son and someone who can pretend as his wife in front of his family. Reina Rivera. A simple girl who came from a poor family. A pa...