Reina
Kinakabahan ako mula pa nang magising ako at halos hindi ako makatulog kagabi sa pag-iisip ng mga mangyayari ngayong araw. Maaga akong nagising para ipaghanda si Jaxon ng almusal at mabati siya. Pinaghalong kaba at excitement ang nararamdaman ko. Kinakabahan ako sa magiging reaksyon niya mamaya pero may iba pa akong nararamdamang kaba na hindi ko alam kung saan nagmumula.
Tuwang-tuwa sila nanay at tatay nang bisitahin nila ako kahapon sa bahay. Nasabi na rin pala sa kanila ni mommy ang balak namin na isurprise si Jaxon. Susunduin kami mamaya ni mommy para makapunta na kami sa hotel at makapaghanda.
"Good morning..." halos mapatalon ako sa gulat at halos mabitawan ko ang hawak kong sampalok nang yumakap sa likuran ko si Jaxon na gising na pala
"Ginulat mo 'ko!" singhal ko sa kanya
Tumawa lang siya at hinalikan ako sa pisngi. Tinuloy ko nalang ang pagkuha ko ng mga plato at paghahanda ng almusal. Humiwalay na rin sakin si Jaxon at naupo na. Nang matapos akong maghanda ay sakto rin na pumasok si Devon na papungas pungas pang naupo.
"Good morning, mommy, daddy." humihikab na bati nito at nangalumbaba
"Good morning big boy!" masiglang bati ko
Naupo na rin ako at pinagsandok siya ng pagkain. Sumunod na pinagsandok ko si Jaxon at saka oo inasikaso ang sarili ko pero sumimsim muna ako sa gatas ko. Medyo nasanay na rin ako sa pag-inom ng gatas at nasanay na ako sa lasa nito.
"Mukhang nahihilig ka na sa gatas at hindi ka na umiinom ng kape." nagdududang sabi ni Jaxon
Napairap ako sa kanya dahil iniiwasan kong magduda siya. Tinago ko pa nga ang mga vitamins ko at ang pagkain ko ng sampalok. Tinatago ko rin ang pagsusuka ko sakanya at buti nalang hindi ako nagsuka ngayon. Iniiwasan ko rin na mapansin niya ang kakaibang pulso ko.
Nasabi sakin ni Dra. Mayores na nag-iiba ang pulso ng babae pag buntis, mas mabilis ang heartbeat at may tinatawag daw na happy pulse, yung parang tumatalon talon yung pulso. Cardiologist si Jaxon at hindi malabong malaman niya na may kakaiba sakin pag napansin niya ang pulso ko.
"Mas nagiging maganda ang tulog ko pag umiinom ako ng gatas." palusot ko rito
"Pansin ko nga dahil mas maaga kang natutulog ngayon at mas mahaba ang tulog mo kaysa sa dati." sabi nito ulit habang kumakain
"Tawagan mo ako mamaya pag papunta ka na sa hotel." pag-iiba ko sa usapan
"Sure, baby. Okay na ba ang isusuot mo sa party?" tanong nito sakin
"Yes. Inayos na ni mommy lahat pati yung kay Devon." nakangiting sabi ko
Tumango lang siya at nagpatuloy na sa pagkain. Nagpaalam din siya agad nang matapos siyang kumain at kami naman ni Devon ay nagbihis na nang matapos din kami. Mauuna na kami sa hotel at susunod nalang doon sila manang.
"Ma'am, excited na ako!" tili ni Freya habang may hawak na feather duster
Napangiti ako nang mapagmasdan ang mga picture frames. Nakadisplay doon ang mga ilang pictures naming tatlo at iyon pictures namin noong namanhikan sila at pictures namin noong namasyal kami sa Ilocos. Madadagdagan nanaman iyon pag naipanganak ko ang mga babies namin ni Jaxon.
"Siguradong matutuwa si Sir Jaxon. Hindi na ako makapaghintay!" excited na sabi ni Paula
Naputol ang tilian nila nang biglang may sumigaw sa pinto.
"NANAAAA!" sigaw ni Sasa at tumakbo ito palapit sakin
Dadambahin sana niya ako ng yakap nang bigla siyang mapahinto.
BINABASA MO ANG
Wife For Hire
RomanceJaxon Jones, a cardiothoracic surgeon and he owns a hospital. He wants to hire a wife to be a mother for his 4-year-old son and someone who can pretend as his wife in front of his family. Reina Rivera. A simple girl who came from a poor family. A pa...