Reina"ARE YOU SERIOUS?!" histerikal na sigaw ni Sasa nang sabihin kong magpapakasal kami ulit ni Jaxon
"Oo nga sabi. Ang kulit mo." natatawang sabi ko sa kanya
"Nagulat lang ako, no! Hindi ko naman kasi lubos na maisip na maiisipan niyo pang magpakasal dahil kasal naman na kayo. I'm happy for you, girl!" excited na sabi nito sakin
Napailing iling nalang ako nang yakapin niya ako at nagtatalon kasama ako. Nag-umpisa na rin kami sa pagtratrabaho dahil medyo marami ang customers ngayon. Hanggang sa matapos ang shift ko ay patuloy pa rin si Sasa sa pangungulit sakin tungkol sa kasal namin ni Jaxon.
"OH MY GOSH! Bride's maid ako, ha! Alam ko naman na si Lian ang maid of honor mo. Excited na ako! May gown ka na ba? Yung wedding cake mo? Yung pre-nuptial pictorial at videos niyo pa, hindi ba kayo mag-gaganun?" sunod-sunod na tanong nito sakin
Napangiwi ako sa dami ng tanong niya sakin at hindi namin napag-usapan ni Jaxon ang tungkol sa pre-nuptial pictorials at videos. Kung ako ang tatanungin, ayos lang naman sakin na walang ganun dahil mas gusto ko na simple lang ang kasal namin at baka mas ma-hassle pa kami dahil sa mga iyon.
"Isa-isa lang, Sasa. Mahina ang kalaban." nakangiwing sabi ko sa kanya
Hindi niya pinansin ang sinabi ko at nagpatuloy siya sa pagtatanong ng kung anu-ano. Mas excited pa siya kaysa sakin, eh. Last time I check, ako ang bride at hindi siya. Ang hirap talagang magkabest friend ng abnormal.
"Tapos yung veil mo dapat mahaba at yung gown mo dapat bongga! Yung cake mo dapat hindi lang three-layered cake! Dapat yung aisle mahaba para mas ma-expose ka. Yung make-up mo dapat simple lang pero litaw na litaw dapat ang ganda mo! Ano bang motif ng kasal mo? Green? Pink? Blue? Yellow? Red? Black? Gold? Silver? Parang maganda yung black na motif kasi kakaiba--" pinutol ko na ang anumang sasabihin niya dahil balak niya atang gawing halloween ang kasal ko
"Kasal iyon, Sasa. Hindi halloween." nakukunsuming sabi ko rito
Napatitig siya sakin at marahang tumango-tango pero mukhang hindi naman siya nakikinig sa sinabi ko. Mukhang nag-iisip siya ng kung anong gimik sa kasal ko.
"And yung motif, I want white and blue para maganda sa mata." sabi ko rito
Tumango tango ulit siya sakin at napahawak sa baba niya na parang nag-iisip ng malalim kaya napabuntong-hininga nalang ako. Minsan napapaisip din ako kung bakit wala pang kasintahan si Sasa dahil maganda naman siya pero ngayon mukhang alam ko na. Sa kaweirduhan palang nito, malamang matatakot na ang mga lalaki sa kanya.
"Yung mga souvenirs--" pinutol ko ulit ang sasabihin niya
"Kumuha na ng wedding organizer si Jaxon kaya wala ka ng proproblemahin pero pwede ka namang sumama samin para sa paghahanap ng damit ng mga niyong mga abay. Isasama ko rin si Lian para makahanap siya ng gusto niyang gown. Ayokong isama si Jaxon sa paghahanap ng gown ko para surprise." nakangiting sabi ko sa kanya
Nakuha ko ang atensyon nito dahil nakatingin na siya sakin at nagniningning ang mga mata nito.
Napailing nalang ako sa kaweirduhan niya at nagpatuloy nalang ako sa pag-aayos ng gamit ko. Nagpaalam na ako sa kanya nang matapos ako dahil baka makaisip pa siya ng ibang tatanungin at matagalan pa ako.
Maaga akong natapos ngayon dahil maaga akong nagpaalam kay Sir Kris para mabisita ko si Jaxon sa hospital. Hindi kasi ito nakauwi kagabi dahil nagkaproblema nanaman daw sa hospital at maraming pasyente. Sumakay ako sa taxi dala ang isang paperbag na may lamang pagkain. Bumili ako ng pagkain para kay Jaxon dahil nalaman ko sa secretary niya na hindi pa siya naglalunch. Pasaway talaga ang doktor na iyon.
BINABASA MO ANG
Wife For Hire
RomanceJaxon Jones, a cardiothoracic surgeon and he owns a hospital. He wants to hire a wife to be a mother for his 4-year-old son and someone who can pretend as his wife in front of his family. Reina Rivera. A simple girl who came from a poor family. A pa...