Special Chapter

92.2K 1.9K 226
                                    

"Mom! Ayaw ibalik ni kuya yung ipad ko!" rinig kong sumbong ni Paige sa kanyang ina

"Kanina ka pa kasi nakatingin sa picture ng lalaking 'to! Isumbong kaya kita kay daddy! May crush crush ka ng nalalaman!" rinig kong sermon naman ni Sage sa kanyang kakambal

"Crush lang naman eh!" pagmamaktol ni Paige

Tuluyan na sana akong magpapakita at pagsasabihan ang dalaga ko nang marinig ko ang malamyos na boses ng asawa ko.

"Magsitigil na nga kayo. Akin na yang ipad na 'yan. And Sage, give me your PSP as well." malumanay ngunit maawtoridad na sabi nito

Nasanay na ako sa ganitong eksena araw-araw pagkagaling ko sa trabaho. Ang kambal na laging may pinagbabangayan at kung hindi sila nagbabangayan, malamang ay may ginagawa na silang kalokohan tulad ng pag-ubos ng mga cupcake sa ref.

"Dad, bakit nandyan ka?" kunot noong tanong ni Devon nang makita niya akong nakasandal sa hamba ng pinto ng bahay

Napangisi ako sa kanya lalo na nang mapansin ko ang namumulang kaliwang pisngi nito. Malamang ay galing nanaman siya kila Enrique at nagpapagood shot dun sa panganay na babae ni Enrique.

"Tss. Kung anu-ano nanaman napapansin mo, dad." masungit na sabi nito sakin nang mapansin niyang nakatingin ako sa pisngi niya

"Sabi ko naman kasi sa'yo, anak. Layuan mo muna yung dalaga ng tito Enrique mo. Magpamiss ka naman." nakangising sabi ko sa kanya

Sinimangutan ako nito na parang napakatanga ng ideya na sinabi ko sakanya. Wala namang kaso sakin kung siya ang gusto niya. Kilala ko naman ang batang iyon, yun nga lang ay walang nakakalapit na lalaki sa kanya maliban sa mga pinsan niya at kay Devon.

"Hindi ako nagpunta dun para sa kanya, dad." nakasimangot na sabi nito

"Yeah, right. Naghihintay ka pa rin ba hanggang sa makagraduate siya?" nang-aasar na tanong ko sa kanya pero nanatili siyang tahimik

He had a serious conversation with Enrique and they had a deal that he can't court his daughter until Enrique say so. In short, wala pa siyang approval na natatanggap kaya di pa siya makaporma. Ang tatay ang kasalukuyan niyang nililigawan at yung tatay naman, pabebe. Hays.

"Aray!"

Sabay kaming napalingon ni Devon sa likuran namin at nandoon si Frost, ang bunso namin. May hawak nanaman itong libro at nakaupo sa sahig, napaupo siya dahil nabangga niya kami ng Kuya Devon niya, malamang ay nagbabasa nanaman yan habang naglalakad.

"Anak, wag ka kasing nagbabasa habang naglalakad ka." saway ko sa kanya habang pinapatayo siya

"Hindi naman po ako madadapa kung hindi po kayo nakaharang dyan. Bakit po ba nandyan kayo ni Kuya? Hindi po ba kayo nangangalay dahil nakatayo lang kayo dyan? May upuan naman po tayo, daddy, Kuya. Bakit di kayo umupo dun sa sala? Namumulubi na po ba tayo at wala na tayong upuan? Daddy, bakit---" tinakpan ko na ang bibig niya kaya napahinto siya sa pagsasalita

Sabay kaming napailing ni Devon at napakamot sa batok namin. Tahimik na bata si Frost pero pag naging curious siya sa isang bagay nagiging madaldal siya at hindi siya mauubusan ng tanong. Minsan hindi ko mawari kung namimilosopo na ba siya o ano dahil para siyang si Zea kung magtanong. Hindi na siguro dapat ako magtaka dahil siya ba naman ang paglihian ng asawa ko.

"Halika na sa loob, anak. Magbasa ka na ulit." yaya ko sa kanya

Tahimik siyang tumango at naglakad na siya ulit. Sumunod naman kami sa kanya dahil baka madapa nanaman siya.

Wife For HireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon