Chapter 3

77.7K 1.9K 242
                                    

Reina's POV

Napasulyap ako sa rearview mirror para tignan si Jaxon na nakasabit sa likuran ng jeep. Hindi ko alam kung matatawa ako o maaawa sa kanya. Pero natutuwa ako kasi dumami ang pasahero nung nagkonduktor siya, pano ba naman, gwapo kasi.

Pinaandar ko na ulit yung jeep nang umusad na ang trapiko pero sinusulyapan ko pa rin si Jaxon. Kumukuha na siya ngayon ng bayad at talagang tumatagaktak na ang pawis niya. Pero hindi siya nakakadiring tignan dahil nagmumukha pa rin siyang modelo.

"Ang gwapo naman ng konduktor." kinikilig na sabi ng babae na nasa likuran ko

Napailing nalang ako at bahagyang natawa. Nang tanghali na, inubos ko muna lahat ng pasahero para mag-lunch kami sa karinderya.

"Ang init! Hah!" hinihingal na sabi niya habang pinapaypayan ang sarili gamit ang damit niya

"Mainit talaga. Buti nalang at pinagpalit kita ng damit."  sabi ko rito habang pinapark ang jeep

Balak kasi niya kaninang isuot yung longsleeves niya. Magmumukha siyang tanga kung sakaling nagkonduktor siya tapos nakaslacks at nakalongsleeves.

"Dyan tayo kakain?" kunot noong tanong nito habang nakatingin sa karinderya

"Oo. Mura aksi dito tsaka masarap maglito si Aling Pasing." Nakangiting sabi ko at hinila siya papasok ng karinderya

"Reina? Nagawi ka dito." nakangiting bati ni Aling Pasing

"Ako po ang nagpasada ng jeep eh. Pa-order po nung palagi naming inoorder ni tatay. Pang-dalawa po ah." magalang na sabi ko

Ngumiti siya sakin at bahagyang napasulyap kay Jaxon. Hindi na siya nagtanong kung sino si Jaxon kaya di ko na siya pinakilala. Di ko rin naman alam kung anong sasabihin ko eh. Di ko naman siya kaibigan o kaclose.

"What's this?" tanong nito at tinuro yung dinakdakan

"Dinakdakan yan. Di ka pa ba nakatikim ng dinakdakan?" takang sabi ko sa aknya

Umawang ang labi ko nang umiling siya sa tanong ko. Seryoso ba ang taong 'to? Pilipino ba talaga siya? Sabagay. Mukhang may halo siya.

"Ang tanda mo na pero di ka pa rin nakakatikim ng dinakdakan? Grabe naman." sabi ko sa kanya

"I don't on a place like this. Sa mamahaling restaurants ako kumakain." masungit na sabi niya

Tumango nalang ako at hindi na umangal. Totoo naman kasi ang sinabi niya at isa pa, di naman siya nababagay sa lugar na ito eh. Mayaman kasi siya.

"Masarap yan. Boopis yan. Tikman mo. Tapos ito naman bulalo tsaka iyan naman nilagang baboy." nakangiting sabi ko habang kumakain

Nagsimula na siyang kumain kaya napatingin ako kung anong reaction niya. Natawa ako nang mapansin ko na nasarapan siya. Naubos nga niya ang mga inorder ko eh tapos bumili pa siya ulit ng ulam at kanin.

"Alam mo bang lutuin ang mga yun?" biglang tanong nito

"Yung nilagang baboy lang at yung bulalo ang alam ko." sagot ko

"Reina, p-pwedeng bang ipagluto mo ako ng bulalo pag k-kinasal na tayo?" nag-aalinlangang sabi niya at nag-iwas ng tingin

Gusto kong matawa sa namumulang tenga niya pero di ko magawa dahil sa sinabi niya. Hindi ko pa pala natatanong kung bakit niya ginawa yung kanina.

"Jaxon, bakit mo ginawa yun? Bakit kailangan mo pang magsinungaling sa magulang ko at sabihin na may nangyari  satin?" prangkang na tanong ko

Wife For HireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon