Chapter 2

78.7K 1.9K 316
                                    


Reina

Nagmano ako kay nanay at tatay nang makauwi ako sa bahay. Tatlong araw na mula noong nagpunta dito yung pinagkakautangan ni tatay. May apat na araw pa ako bago makahanap ng 350,00 na pambayad pero wala akong maisip na paraan. Ayoko namang mangutang dahil siguradong may interes yun pag umutang ako tapos mas lalaki ang utang namin.

"Nak, nakahanap ka na ba ng ibabayad sa utang natin?" tanong sakin ni tatay

Pagod ako sa trabaho at kakahanap ng solusyon sa utang na yan kaya di ko napigilang magsungit kay tatay.

"Utang mo, tay. Sinabihan ka na namin na tigilan na yang pagsusugal na yan pero sige ka pa rin. Di pa tayo bayad sa ibang utang natin eh tapos may utang nanaman kayo na mas malaki." inis na sabi ko

Napayuko si tatay at napansin ko na lumungkot siya. Halata rin na nagsisisi siya kaya napabuntong-hininga nalang ako at pumunta sa kwarto ko.

"Ate, pwede ba akong pumasok?" tanong ni Lian na nasa labas ng kwarto ko

"Pasok ka na." sagot ko habang nililigpit ko ang mga damit ko na nasa sahig

"Ate, exam na kasi namin next week tapos wala pa akong permit dahil di pa ako nakapagbayad. P-Pero okay lang naman ate kung di pa ako magbabayad. M-May student loan naman eh." nahihiyang sabi niya

Napangiti nalang ako sa kanya at hinila siya para yakapin. Nasa pangalawang taon siya ng kolehiyo at nag-aaral siya ng IT. May scholarship naman siya eh pero kalahati lang ang nabawas sa bayarin namin.

Humiwalay ako sa kanya at kinuha ang wallet ko. Nagbigay ako sa kanya ng apat na libo para makabayad na siya bukas.

"S-Salamat ate. Bukas nalang yung sukli mo." nakangiting sabi niya sakin

"Wag na. Itago mo nalang yung sukli para magamit mo pag may kailangan ka sa school." umiiling na sabi ko sa kanya

"Pero ate may ipon pa naman ako eh." tanggi niya sakin

"Itago mo na yan. Bumalik ka na sa kwarto mo at matulog na kayo ni Garry." utos ko sa kanya

Tumango siya sakin at lumabas na sa kwarto ko. Naghilamos muna ako at nagbihis bago bumaba dahil hindi pa ako naghahapunan.

"Nay, ano pong ulam?" tanong ko kay nanay

"Pumili ka na lang dyan sa lamesa, nak." nakangiting sabi niya

Nagtaka naman ako agad sa sinabi ni nanay nang makita kong galunggong lang yung ulam. Sabi niya kasi pumili. Eh, ito lang naman ang ulam namin.

"Galunggong lang ang nandito, nay. Wala akong pagpipilian. Pinagtritripan niyo nanaman ako eh." nakangusong sabi ko

"Mamili ka kung kakain ka o hindi! Hahahaha. Okay ba ang joke ko? Narinig ko yan kanina sa radyo eh." tumatawang sabi ni nanay

Natawa nalang din ako sa sinabi ni nanay. Madalas talaga niyang gayahin yung mga joke na naririnig niya sa radyo at tv.

"Ang mais mo, nay." pang-aasar ko at nagsimula ng kumain

Lumapit siya sakin at hinampas ang paa kong nakataas habang kumakain ako.

"Aray naman nay. Bakit nanaman?" reklamo ko

"Wag mong tinataas sa upuan yang paa mo habang kumakain! Kababae mong tao eh." pangaral niya sakin

Napanguso nalang ulit ako. Eh sa komportable ako na nakataas ang paa ko sa upuan eh. Tsaka nakakabawas ba ng pagkababae yun?

Hindi nalang ako umangal at kumain nalang ulit. Ayokong matalakan ni nanay eh.

Wife For HireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon