Chapter 39

66K 1.3K 136
                                    

Reina

Napahikab ako habang pababa ako ng hagdan. Inaantok pa ako pero nagugutom na ako kaya bumangon na ako. Kahapon pa ako nakalabas ng hospital at binilin sakin na magbed rest muna ako ng tatlong araw. Literal naman na ginawa iyon ni Jaxon dahil ayaw niya akong pababain ng kama.

Nababagot na ako sa kwarto namin at mukhang wala na si Jaxon kaya may pagkakataon na akong lumabas ng kwarto. Nanlaki ang mata ni Freya at Paula nang makita nila akong pababa ng hagdan.

"Ma'am, bawal kang lumabas ng kwarto!" tarantang sabi ni Freya

"Bumalik ka doon, ma'am!" sabi rin ni Paula

"Nababagot na ako sa kwarto." walang ganang sabi ko at nagpatuloy sa pagbaba ng hagdan

Nasa huling baitang na ako nang marinig ko ang boses ni Jaxon kaya kumunot ang noo ko at napatingin kila Paula at Freya.

"Hindi ba pumasok sa hospital si Jaxon?" tanong ko sa kanila at sabay naman silang umiling

Pinipigilan nila ako na pumunta sa kinaroroonan ni Jaxon pero hindi ko sila pinansin. Mas nagiging malinaw ang boses ni Jaxon at may naririnig din akong isang boses ng babae. Teka....babae?

"Just let me talk to her." rinig kong sabi ng babaeng kausap nito

"What for? My wife is resting. Mas naging maselan ang pagbubuntis niya dahil sa kagagawan ng kapatid mo, Leslie. Just leave. I don't want to give her any problem." matigas na sabi ni Jaxon

Leslie? Yun ba yung kapatid nung Kelsey? Sa pagkakatanda ko ay ex-girlfriend siya ni Jaxon. Ang lalaking iyon hindi man lang sinabi sakin na ex niya si Leslie. Hmp!

"R-Reina!" tawag sakin ni Leslie na nasa labas ng pinto at mukhang ayaw siyang papasukin ni Jaxon

Napalingon sakin si Jaxon na nakakunot ang noo.

"Bakit nandito ka sa baba? Sabi ko sa'yo wag kang bumaba, diba? Dapat ay nagpapahinga ka." malumanay na sabi nito sakin

Ngumuso ako sa kanya at pasimpleng umismid. Anong pinagkaiba ng pagkaka-discharge ko sa hospital kung kinukulong lang niya ako sa kwarto?

"May bisita ka pala." pag-iiba ko ng usapan na mukhang hindi naman niya napansin dahil bumalik ang atensyon niya kay Leslie

"Aalis na siya. Come, I'll tuck you to bed." balewalang sabi nito

Mas humaba ang nguso ko sa sinabi niya at humalukipkip ako sa kanya. Kulang na lang ay pumadyak na ako sa inis.

"Ayoko. Naiinip na ako dun sa kwarto. Ayaw mo akong manood, ayaw mo akong lumabas ng kwarto at ayaw mo rin akong lumakad lakad sa loob ng kwarto." pagmamatigas ko sa kanya

"Reina, stop being stubborn. Tara na sa kwarto." nakukunsumi na sabi niya pero hindi ko siya pinansin at binalingan ko ng tingin si Leslie na tahimik na nakatingin samin

"Anong sadya mo rito?" tanong ko sa malumanay na boses pero mukhang nagtunog mataray iyon dahil halata sa mukha nito ang pagkagulat

"G-Gusto lang sana kitang makausap tungkol kay Kelsey." nag-aalangan na sabi nito

"Leslie, just leave my wife alone." agad namang pigil ni Jaxon kay Kelsey

Sinamaan ko ng tingin si Jaxon nang tumingin siya sakin kaya napakamot siya sa ulo niya at walang nagawa nang magsalita ako ulit.

"Pumasok ka. Nakakangalay makipag-usap ng nakatayo." malamig na sabi ko at tumalikod na

Tahimik akong naupo sa sofa at tinawag si Paula. Nagpahanda ako ng juice at cake para samin ni Leslie. Naupo sa tabi ko si Jaxon at naupo naman sa harapan namin si Leslie. Tahimik siyang tumitingin sa mga pictures na nakadisplay sa sala.

Wife For HireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon