Chapter 38

68.5K 1.3K 134
                                    

Reina

Nakita ko ang isang batang babae na tumatakbo kaya hinabol ko ito. Patuloy lang ako sa pagtakbo kahit na pagod na pagod na ako. Kailangan ko siyang abutan at hindi siya pwedeng mawala. Pilit ko siyang hinahabol pero kahit na gaano ko bilisan ay hindi ko siya maabutan.

"Sandali! Bata! Bata!" sigaw ko habang tumatakbo

Mas binilisan ko pa ang takbo ko pero paliramdam ko hindi ako umaalis sa kinaroroonan ko. Napahinto ako sa pagtakbo nang huminto siya at humarap sakin. Nakangiti ito ng malungkot sakin na animo ay nagpapaalam.

"Hindi ka aalis! Dito ka lang!" naiiyak na sigaw ko

Hindi siya nagsalita at nanatili siyang nakatitig sakin. Ilang minuto kaming nagtititigan hanggang sa tumalikod ito at naglakad palayo papunta sa dilim. Napaluhod ako sa sahig at napaiyak.

"Bumalik ka dito! Ibalik mo ang sampalok ko!" umiiyak na sigaw ko

Hindi siya pwedeng umalis kasama ang sampalok ko! Ninakaw niya ang sampalok ko! Lapastangang bata!

"Bata, yung sampalok ko!" sigaw ko ulit

Pero kahit na anong sigaw ko ay hindi na siya bumalik at tuluyang nawala kasama ang sampalok ko.

Unti-unti akong nagmulat ng mata nang maramdaman kong may nakahawak sa kanang kamay ko. Puting kisame ang unang bumungad sakin at nasilaw ako sa liwanag na nagmumula sa ilaw kaya napapikit akong muli. Nang makapag-adjust na ang mga mata ko at nagmulat ako ulit at tumingin sa gilid ko.

Bumunad sakin si Jaxon na hawak ang kamay ko at nakalagay iyon sa mukha niya. Nakatukod ang siko niya sa kama at nakapikit siya. Nakasuot pa rin ito ng puting polo at gusot gusot iyon. Magulo rin ang buhok nito pero imbes na pumangit siya parang naging mas gwapo pa siya sa paningin ko.

Nilibot ko ang paningin ko at doon ko nakita si Nanay at mommy na magkatabing nakaupo sa isang sofa. Parehong nakasandal ang ulo nila sa sandalan ng sofa at magkahawak kamay habang nakapikit. Nakita ko rin si Sasa na nakahiga sa isa pang sofa at mukhang mahimbing na natutulog habang may nakabalot na kumot sa kanya.

Nasaan ba kami? Ang huling naaalala ko ay iyong sa party. Sinorpresa namin si Jaxon tapos ay umiiyak siya nang malaman niya na buntis ako. Tuwang-tuwa siya at nag-speech siya tapos dumating si Kelsey.

Nanlamig ang buong katawan ko nang maalala ko ang buong pangyayari kagabi. Napahawak ako sa puson ko at dahan-dahang bumangon bago tinignan si Jaxon.

"Jaxon... Jaxon!" tawag ko sa kanya

Agad naman siyang napatingin sakin na may nanlalaking mata. Hinalikan niya ako sa noo at hinaplos ang mukha ko.

"Thank god you're awake." mahinang sabi nito

Humawak ako sa kamay niya at umiiyak na tinignan siya.

"Jaxon, y-yung mga baby natin. O-Okay lang ba sila? N-Nandito pa naman sila diba? H-Hindi nila tayo iiwan diba? SUMAGOT KA!" umiiyak na sabi ko

"Baby...." mahinang tawag nito sakin

Nagising sila nanay sa amin ni Jaxon at agad silang lumapit.

"Nana, bakit ka umiiyak?" puno ng pag-aalala na tanong ni Sasa

"Anak, nagugutom ka ba?" nag-aalalang tanong ni nanay

"May masakit ba sa'yo?" tanong din ni mommy

Umiiyak na umiling ako sa kanila at binalingan ulit si Jaxon na tahimik na nakatitig sakin.

Wife For HireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon