Chapter 34

65.8K 1.5K 100
                                    


Reina

Sinilip ko si Devon para tignan kung nakabihis na siya dahil kakain kami sa labas ngayon. Naabutan ko naman ito na nakaupo sa kama niya at nagsusuot ng sapatos. Lumapit na ako sa kanya at tinulungan siyang magsapatos.

"Mommy, can we go to Lola's house later?" tanong sakin ni Devon

"Ipapaalam ko muna sa daddy mo. Halika na." nakangiting sabi ko sa kanya

Magkahawak kamay kaming lumabas ni Devon at bumaba na kami. Nakasuot lang ako ng floral na dress at nakaflats. Sinalubong naman kami ni Jaxon na nakasuot lang ng itim na v-neck shirt at jeans. Nagpaalam muna kami kay manang bago kami tuluyang umalis.

"Jaxon, okay lang ba kung dun muna kami kila mommy? Gustong magpunta doon ni Devon at para na rin makita namin si Lolo Fred bago siya umalis papuntang US." paalam ko sa kanya

"Sige. Doon ko nalang kayo susunduin mamaya pagkatapos ng meeting namin." pahayag naman nito kaya nginitian ko si Devon na tuwang-tuwa sa likuran

"Saan pala tayo kakain?" tanong ko sa kanya

"Sa Devon's." nakangiting sagot nito at sinulyapan si Devon sa rearview mirror

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at biglang napangiti ng malapad.

"Talaga?!" paninigurado ko

"Yes." nakangising sabi nito

Muntik na akong mapatili sa sagot nito. Doon niya ako dinala noong nagdate kami dati at sinabi niya sakin na isa iyon sa mga restaurants na nakapangalan kay Devon. Sakop pa rin iyon ng chain of hotel and restaurants ng mga Jones. Pero pansamantalang nakapangalan iyon kay Jaxon as legal guardian ni Devon at isa rin iyon sa minamanage ni Jaxon.

Malapit lang iyon sa bahay namin kaya ankarating kami agad. Nakakatuwa lang na baby pa lang siya, secured na ang future niya.

"Let's go, anak." yakag ko kay Devon

Humawak naman siya sa kamay ko at si Jaxon naman hinapit ako sa bewang. Binati kami ng mga staffs nang pumasok kami sa loob.

"This way, Sir." nagpapacute na sabi noong nag-assist samin

Sir? Invisible ba ako? Hindi ba niya ako nakita? At bakit ba nagpapacute siya sa asawa ko? Excuse me, nandito ako, asawa ako.

Inalalayan naman akong naupo ni Jaxon at pinaupo na rin niya si Devon. Binigyan niya kami ng menu at naagaw ng atensyon ko iyong sinigang na hipon. Naglalaway nanaman ako sa sinigang lalo na pag naaalala ko iyong sampalok.

"Anong gusto mo, baby?" tanong sakin ni Jaxon

"Sinigang na hipon!" masiglang sabi ko

Napailing nalang siya habang may maliit na ngiti sa labi bago niya binalingan si Devon na nakatingin din sa menu. Big boy na siya kaya alam na niya yan pero hindi pa niya gaanong alam basahin.

"I want this, daddy." tinuro niya ang fried chicken doon sa menu

Sinabi naman agad ni Jaxon ang order namin doon sa babae at agad naman niyang nilista. May tinawag siyang lalaki at binigay ang papel na pinagsulatan niya ng order namin. Tumaas ang kilay ko nang manatili siyang nakatayo sa tabi ng asawa ko. Hinayaan ko nalang siya dahil baka may special treatment talaga dahil kasama namin ang may-ari ng restaurant.

"Yun lang po ba talaga ang order niyo, Sir?" tanong nito kay Jaxon

Naiinis na ako sa babaeng ito. Kung gusto pa naming umorder tatawag nalang kami ng waiter. Bakit ba nandyan pa siya at nagpapacute sa asawa ko?

Wife For HireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon