"How's your day?" tanong sakin ni Jaxon habang nakahiga kami sa kamaNakahiga ang ulo ko sa balikat niya at nakayakap ako sa bewang niya. Lately, nasanay na kami sa ganitong set-up tuwing gabi. Tinatanong namin ang isa't isa kung kumusta ang naging araw namin.
"Ayos lang naman. Masayang kasama si Zea. Nag-enjoy kami ni Sasa kasama siya. Ikaw? Kumusta sa ospital?" malumanay na sabi ko at tiningala siya
"Mabuti kung ganun. Maayos naman sa ospital. May inoperahan kami kanina and it was successful." nakangiting sabi nito at hinalikan ako sa noo kaya napapikit ako
"Sa puso ka lang ba nag-oopera?" I asked him curiously
Ang alam ko kasi surgeon ang mga nag-oopera.
"Nope. We also do lung surgery and esophagus. Just the organs in the chest part." paliwanag nito habang tumango tango ako, ganun pala yun.
"Anong pakiramdam ng isang surgeon?" tanong ko ulit dito
Mula pagkabata hindi sumagi sa isip ko ang pag-aaral ng medisina dahil unang-una, napakamahal ng medisina at pangalawa, pagbebake at pagluluto ang hilig ko. Kung may ibang sumagi sa isip ko na kurso, iyon ay Business Administration dahil kung di ako maging successful sa pagiging chef, gusto kong mag-manage ng isang restaurant.
"It was a little bit overwhelming. Alam mo ba yung pakiramdam na pinagkakatiwala sa'yo yung puso nila para ayusin iyon at tignan kung may diperensya? Heart is the second most important organ in the human anatomy. Pinagkakatiwala nila sakin ang napakaimportanteng bagay sa buhay nila at isang pagkakamali ko lang, pwede silang mamatay. But I am happy with my profession." mahabang sabi nito at nginitian ako
Napangiti rin ako sa sinabi niya at napatitig ako sa mukha niya. Tama siya. Pinagkakatiwala ng ibang tao ang puso nila sa kanya dahil umaasa silang malulunasan ang sakit nila. Sa parte ko naman, gusto kong ipagkatiwala ang puso ko sa kanya sa kadahilanang mahal ko siya at umaasa ako na iingatan niya iyon.
Gusto kong maramdaman yung pakiramdam na may sinasandalan ka at yung pakiramdam na may tao na nakadepende sa'yo. Yung pakiramdam na magmahal at mahalin ka rin pabalik.
Sabi nga sa kanta ni Kz Tandingan, ang nais ko ay maranasan ang umibig at masuklian din ng pag-ibig.
Sino ba naman ang tao na ayaw masuklian ang nararamdaman nila? Wala naman, diba?
"Why are staring at me like that again?" takang tanong nito pero halata naman sa mata nito ang kislap ng kasiyahan kaya kumunot ang noo ko
"Like what?" kunot noong tanong ko rito
Mahina itong tumawa kaya mas kumunot ang noo ko. Napangiwi ako nang panggigilan nito ang pisngi ko at halikan iyon.
Binawi niya ang braso niya na kinahihigaan ko at kinubabawan ako. Nakalagay sa magkabilang gilid ko ang mga braso nito para suportahan ang bigat niya.
"You're staring at me like I'm the most handsome man in your eyes." malambing na sabi nito at sumiksik sa leeg ko kaya nakagat ko ang labi ko dahil nakikiliti ako
Because you're the most handsome man in my eyes, sabi ko sa isip ko. Sa tagal ko ng nakakasama si Jaxon, doon ko napagtanto na natural sa kanya ang pagiging malambing niya lalo na sa amin ni Devon. Clingy din siya pero hindi sa paraang nakakainis kundi nakakakilig.
"Let's get married again, Reina." mahinang sabi nito sa leeg ko at pinaulanan iyon ng maliliit na halik
Napasinghap ako sa ginawa niya at sa sinabi niya. He just asked me to marry him! Nagpropose lang naman siya na ikanagulat ko ng husto.
BINABASA MO ANG
Wife For Hire
RomanceJaxon Jones, a cardiothoracic surgeon and he owns a hospital. He wants to hire a wife to be a mother for his 4-year-old son and someone who can pretend as his wife in front of his family. Reina Rivera. A simple girl who came from a poor family. A pa...