Jaxon
"Daddy, sa lapag ka nalang po kaya?" nakasimangot na sabi sakin ni Devon
Sumimangot din ako sa sinabi niya. Siya na nga pinapatabi ko tapos ako pa pinapaalis niya sa kama namin ni Reina.
"No. Go to sleep." nakasimangot na sabi ko rito
Wala siyang nagawa kundi humarap kay Reina at yumakap sa kanya. Nasa gitna namin siya ni Reina at hindi ako makayakap kay Reina dahil nasa gitna nga namin siya at nakayakap siya sa kanya.
"Mom, sing for me." bulong nito kay Reina na rinig ko naman
Napaayos ako ng higa sa sinabi ni Devon at tumagilid ako kaya nakita ko silang magkayakap. Hindi ko pa narinig ang boses ni Reina dahil hindi naman siya kumakanta. Matagal na akong napapatanong sa sarili ko kung magaling siya kumanta.
"Anong kanta ba ang gusto mo?" tanong naman ni Reina sa kanya
"Kahit ano po." sagot ni Devon at mas sumiksik pa kay Reina kaya napasimangot ako
Bakit ba niya siniksiksik si Reina? Itong batang 'to talaga.
She cleared her throat kaya napatingin ako sa kanya at naghanda para makinig sa boses niya.
"Scrolling through my cellphone
For the 20th time today
Reading the text you sent me again
Though I memorize it anyway
It's afternoon in December
When you reminded you of today
When we bumped into each other
You didn't say, "Hi" 'cause I looked away
And maybe that was the biggest mistake of my life
And maybe I haven't moved on since that night
'Cause its 12:51 and I thought my feelings were gone
But I'm lying on my bed, thinking of you again
And the moon shines so bright but I gotta dry this tears tonight
'Cause you're moving on and I'm not that strong to hold on
Any longer....."
Huminto siya sa pagkanta at hinaplos ang buhok ni Devon. Ang ganda ng boses niya at parang gusto ko siyang ikulong sa kwarto buong araw kasama ako.
"Ngayon ko lang narinig yung boses mo." sabi ko rito kaya napatingin siya sakin
Mukhang pati yung kaibigan ko sa baba nagustuhan ang boses ni Reina dahil naghehello na siya at gusto na niyang kumawala sa hawla niya.
"Lagi akong nakanta pag nagluluto akong mag-isa kaya siguro hindi mo ako naririnig. Ikaw din naman hindi ko pa narinig ang boses mo." nakangiting sabi nito
Nakakagigil talaga minsan si Reina at ang sarap niyang panggigilan lalo. Wag niya akong nginingitian ng ganyan dahil naaakit ako na buhatin siya palabas ng kwarto at dalhin siya sa guest room.
Ayoko rin na marinig niya ang boses ko dahil baka mabasag pa ang eardrums niya. Aminado naman ako na hindi ako gifted ng magandang boses. Si Kuya Jaxel lang ang may golden sa pamilya namin na sana mamana ni Devon.
"Tulog na yung bata. Ilipat na natin siya sa kwarto niya." suhestiyon ko sa kanya
Nagulat ako nang humarap sakin si Devon na may masamang tingin. Gising pa pala ang bubwit.
BINABASA MO ANG
Wife For Hire
RomanceJaxon Jones, a cardiothoracic surgeon and he owns a hospital. He wants to hire a wife to be a mother for his 4-year-old son and someone who can pretend as his wife in front of his family. Reina Rivera. A simple girl who came from a poor family. A pa...