Chapter One

12.7K 205 20
                                    

"MAGANDA PA ako sa madaling araw mga kakosa!" masiglang bati ni Chloe a.k.a. Binibining mahadera sa radio station na pinagtratrabahuan niya.

She's been in that industry since she graduated 4 years ago. Nag-OJT siya noon roon after graduation ay in-absorb na siya roon. Masaya naman siya sa trabaho niya dahil doon lang niya na-eenjoy ang kanyang kalayaan.

"Mga gising pa ba kayo dyan? Sisismulan na natin ang ating madaling araw ng mga kalokoha, joke, mga bagay tungkol sa mga bagay-bagay, redundant lang," napatawa na lamang siya sa sariling kalokohan niya. "para hindi naman tayo ma-urat sa mga tsismis tungkol sa kapit-bahay ninyong may kurikong at sympre pwedeng-pwede kayong mag-request ng kanta ninyo. At sisimulan natin iyan sa kantang 'Lapit ni Yeng Constantino'," pagkatapos ng cue niya ay pinindot na niya ang play.

"Nagugutom ako," aniya sa mga kasama niya sa labas ng booth. Tumawa lang ang mga iyon.

Sa tagal na nilang magkakasama alam na ng mga ito ang trip ng isa't-isa at siya, iisa lang ang trip niya pag nasa trabaho, ang kumain. Buti na lamang ang nag-evolve na ang metabolism niya dahil hindi na siya madaling tumaba kaya hindi na siya kabadong lumobo kahit ano pang kain niya.

"Mamaya dadating si Jonas ko. May dalang pagkain iyon malamang," nakangiting saad ni Mitch ng pumasok ito sa loob.

Nag-thumbs-up lang siya rito. Ayaw niyang marinig o mapag-usapan ang tungkol sa mga boyfriend-boyfriend dahil kukulitin nanaman siya ng mga kasamahan niya kung bakit nanamn niya binasted ang manliligaw niya.

At hindi nga siya nagkakamali dahil pagkatapos ng shift niya at nagkakanya-kanyang antayan na ng mga sundo at iyon ang napag-usapan.

"Baliw ka talaga kahit kailan, Chloe," simula ni Mitch. "ano nanamang pumasok sa kukote mo?" ngumuso lang siya rito.

"Matino kang nililigawan nung lalaki." patuloy nito "akalain mong pabilhin mo ng malaking teddy bear, made in ibang bansa pa. Kung makapagdemand ka ng pagkain daig mo pa buntis. At itong huli, anong ginawa mo? Nagpahanap ka ng panda! Panda, Ella. Panda!" halos patiling saad ng bestfriend niya.

"At ang magaling naman na lalaki, nagpunta ng China at naghanap ng maampon na panda," nailing na saad ni Ella. "Baliw na 'yang bestfriend mo, Mitch."

Napabuga na lang ng malalim ang kabigan niya.

"Kasi naman," maya-maya'y saad niya. "sinabi ko ng may boyfriend na ako, eh. Matagal na kami. Kasal na lang kulang." Nakalabi pa rin niyang saad.

"May boyfriend ka?" sarkastikong saad ni Ella at tumigil sa katitipa sa cellphone nito. "Hindi ko maramdaman." Anang nito bago nagbalik sa pag-te-text.

"Andyan lang 'yun –"

"Sa ibang bansa," putol ni Mitch sa sasabihin niya. "ano ka ba naman? Hindi ka pa rin ba titigil sa kabaliwan sa kuya ko?"

"Hanggang ngayon pa rin ba?" nagulat na saad ni Ella.

Alam na alam na ng dalawang kaibigan niya ang tinutukoy niyang nobyo niya. Si Michelle o Mitch ay naging kabigan niya since lumipat ito ng tirahan sa village nila habang si Ella ay nagging ka-close nila ni Mitch noong nag-college sila. Simula noon ay hindi na sila napaghiwa-hiwalay pa.

Hindi naman na niya inilihim kay Ella ang tungkol sa 'nobyo' niya. Bukod pa roon, ang buhay niya ay hindi lingid sa nakararami. Ika nga ng iba, open book ang buhay niya.

"Baliw na talaga!" patiling saad ni Ella bago siya nito sinabunutan. "Martyr ka ba o tanga ka lang? Wala namang ipinangako sa'yo ang kapatid ni Mitch. Kung makapag-antay ka akala mo ay babalik pa siya."

"Paano nga kung bumalik?" ganting saad niya sa kaibigan na sinagot naman ni Mitch.

"Ano naman kung bumalik? May feeling ba siya sa'yo?" malungkot na saad ng best friend niya.

Halos sabay-sabay na lang silang napabuntong-hininga.

Ano nga ba kasing pumasok sa kukote niya at hinayaan niya ang sariling mag-antay sa kapatid ni Mitch gayong wala siyang kasiguraduhan na babalik nga ito.

Eh kasi nabuhayan ka ng pag-asa ng makita mo kung gaano siya nasaktan ng pagtabuyan ito ng daddy mo noon.

Napahinga na lang siyang uli.

Naputol lang ang pagmumuni-muni niyang dumating ang kanya-kanyang mga sundo ng mga kaibigan.

"Sumabay ka na sa amin ni, Jonas," yakag ni Mitch sa kanya. "Baka mapanisan ka ng laway diyan hindi pa rin dumadating ang nobyo mo." Pinagdiinan pa nito ang huling mga salita.

Bineletan lamang niya ito pero deep inside her, matagal na niyang pinangarap na sana ay dumating na ang kapatid nito.

Para ano?

Para maipagpatuloy ang naudlot na mga pangyayari at dapat mangyari. Napangiti siya sa kanyang isipin para lang mapasimangot uli ng sumingit nanaman ng kontrabidang tinig sa isipan.

Tsaka ka na mangarap na matutuloy ang dapat mangyari. Panagarapin mo munang umuwi na rito sa Pilipinas si Shenald.

[COMPLETED] Mahalin Mo Ako, Miss DJTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon