"LAST song syndrome na 'to, te!" aniya sa kabigan habang patuloy na kinakanta ang maro than you'll ever know. Anong magagawa niya, para sa kanya iyon ang theme song ng love story nila ni Shenald. Matapos kasi niyang kumanta na sinadya talaga niyang marinig nito, hindi akalain ni Chloe na kakanta rin si Shenald. Sinasadya man nito o hindi, feel na feel niya na para sa kanya ang kantang kinanta ni Shenald. Na para bang sinagot nito ang pagkanta niya. ngayon, hindi niya mapigilan ang kantahin na iyon palagi.
"Hindi last song syndrome 'yan. FLSS 'yan." Ani ni Mitch habang kumakain. Nasa canteen kasi sila ng eskwelahan at break nila.
"FLSS?"
"Forever last song syndrome!" nakangising saad ni Mitch. Napangiti na lang siya roon habang napanguso naman ang kaibigan. "Mukhang lalo ka pang natuwa.
"Talagang matutuwa ako. Ito na ang FLSS ko!" tili niya. wala siyang paki-alam kung pagtinginan sila ng tao sa cafeteria. Kanya-kanyang trip lang.
Patuloy pa rin siya sa pagkanta not minding everything around her. Sobrang saya niya. Kinantahan niya si Shenald pero mas nasorpresa siya ginawa nito. Hindi niya akalaing marunong pala itong kumanta. Hindi naman kasi nasabi ni Mitch iyon.
Sabi ng kaibigan niya ay naistorbo yata daw ito sa pag-kanta niya. Dahil nang simulan daw niya ang pagkanta bigla na lang daw tumigil si Shenald sa ginagawa at tumulala na lang. Pagkatapos ay bigla na lamang daw itong tumayo at kinuha ang gitara.
"Mukhang kailangan kong mag-sorry. Naistorbo ko pala siya." wala sa sariling saad niya. "Pero paano?"
Iisa lang ang naiisip niya. Ang ipagluto ito. May problema nga lang. Hindi niya alam kung ano ang paborito nitong pagkain, na madali namang makuha kay Mitch. At ang isang malaking problema ay hindi nga pala siya marunong magluto.
Edi ipaluto. Mabilis niyang tinanggihan ang sailing suhestiyon. Gusto niya ay sariling sikap.
Edi magpaturo. Natawa na lang siya sa sarili. Nababaliw na nga yata siya. Andyan naman ang kaibigan niya bakit ba niya kinakusap ang sarili.
"Mi-" nabitin ang sasabihin niya nang mapansin niya ang kakaibang katahimikan nito. "Okay ka lang?"
Tumingin naman ito sa kanya pero may kaaiba rito. Masyadong seryoso ang mukha nito. "Friend, anong gagawin mo kung malaman ng daddy mo kung anong ginagawa mo?"
Pagkabanggit pa lang nito sa salitang 'daddy' ay mabilis ng umatake ang kaba sa dibdib niya. Ayaw ng daddy niya sa mga babaeng masyadong maglalapit silang magkapatid sa lalaki. Kailangan makapagtapos daw muna sila bago nila atupagin ang pakikipag-nobyo.
At siguradong yari siya pagnalaman nito ang ginagawa niya.
Ting! Napangiti siya. Tila biglang nagkaroon ng bumbilyang umilaw sa kanyang ulo.
"Anong ngini-ngiti-ngiti mo?" untag ni Mitch sa kanya.
"Mananagot ako kay daddy, kung...kung may magsasabi para malaman niya." and she smiled devishly.
Napangiti na rin lang ang kaibigan bago sila nag-apir.
"Iba ka talaga."
"Talaga! Dahil diyosa ako." Tsaka sila nagtawanan.
BINABASA MO ANG
[COMPLETED] Mahalin Mo Ako, Miss DJ
RomanceMy first ever story to be published under PHR. Full version is available in ebook form~ Sadly, hindi na po siya available sa stores but sure na sure na available siya sa ebook store ng PHR. here's the link: https://preciouspagesebookstore.com.ph/Pro...