Chapter Nineteen

1.2K 32 0
                                    

HE WAS holding his guitar habang nakatanaw sa tahanan ng mga Aviado. Isang linggo nang nakakaraan mula ng atakihin ang mommy niya at tatlong araw na itong nakalabas ng ospital pero wala pa rin siyang ginagawang paraan para maipahatid kay Chloe kung anong nararamdaman niya. Kinukilit na rin siya ng mommy niya Kung nasaan na ang babaeng ipakikilala niya.

Kundi naman kasi sinabi ni Mitch na meron na siyang girlfriend ay hindi titindi ang pangungulit ng kanyang ina. Ngayon ay napre-pressure tuloy siya kung paano siya magtatapat kay Chloe.

He strum his guitar pero hindi niya alam kung anong tutugtugin niya. Naisip na niyang haranahin si Chloe pero hindi ba't nagawa na ng dalaga iyon sa kanya. Naipagluto na rin siya nito and in away pinagsilbihan na rin siya nito nang maglinis ito ng bahay nila.

"Anong nang gagawin ko!" naihilamos na lang niya ang palad pagkasaad niyon. Lalabas na wala siyang originality kung gagawin rin niya ang ginawa ng dalaga.

"What's your problem, dear brother?" nilingon niya ang kapatid na may pilyong ngiti sa labi.

"Nothing."

"Naks, nag-english ka pa samantalang kanina pa kita nakikitang nakatingin sa kabila. Inaantay mo bang lumabas si Chloe dyan? Hindi pa lalabas 'yon. Tulog pa 'yon. Koala 'yun, eh."

"Koala?" nagtatakang tanong niya rito.

"Oo. Koala," ulit nito bago naupo sa isa pang lunger na naroroon. "Antukin kasi 'yon. Tapos pagnagising wala ng hila-hilamos, diretso na lang kaagad sa kusina iyon tapos kakain. Pagnakakain na tsaka 'yon magiging okay na."

Nilingon siya nito. "Ano kailangan mo ng tulong?"

Ngumiti siya rito bakit nga ba hindi niya naisip ito? Mas matagal na nakasama ito ni Chloe at malamang na lahat ng tungkol kay Chloe ay alam nito.

"Okay."

"Gusto ko 'yan!" pumalakpak pang saad nito. "Game?"

"Game!"

[COMPLETED] Mahalin Mo Ako, Miss DJTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon