NATATAWA pa rin si Shenald habang inaalala ang nangyari kanina sa resto. Nasa baywalk na sila noon. Nagmamadali kasi silang umalis doon pagkatapos silang pagtinginan ng tao.
"Tatamaan ka na sa akin pag di ka pa tumigil," nanggigigil na saad ni Chloe sa kanya.
Nakangiti na lang niyang tinignan ito. Pagkatapos kasi niyang sabihin kanina na ito ang tinutuloy niyang sa kanya ay bigla itong nag-hysterical. Ano daw bang pinagsasabi niya. May tama daw ba siya sa utak. 'Wag daw niyang binibiro ito dahil malilintakan siya.
Kahit na gusto na niyang tumawa kanina, pinigilan niya at pinilit maging seryoso. Sinabi niyang kaya siya lumayo noon ay dahil kailangan niya at ngayong bumalik na siya ay dapat na niyang kuhain ang dapat ay sa kanya. Hindi niya sinabi ang tungkol sa usapan nila ng ama nito.
Alam kasi ng ama nito na ayaw ni Chloe na dinidiktahan ito at sinasakal. Bawal itong pagbawalan sa gusto nito dahil malamang na hindi rin daw ito makikinig. Kaya kung gusto daw niyang alagaan si Chloe, he must be careful in saying what to tell her. Kailangan daw hindi mahahalata nang dalaga dahil kung hindi...goodbye Shenald ang drama niya.
Napailing na lang siya. Matigas pala talaga ang ulo ng mahal niya.
Ng mahal ko. Lalong lumapad ang ngiti niya.
"Ngumingiti ka nanaman. Uupakan na talaga kita!" tumawa nanaman siya sa sinabi nito.
"Aw!" hiyaw niya. "bakit mo ako piningot?" himas niya sa tenga.
"Tumatawa ka, eh. Sabi ko sayo malilintikan ka. Diba? diba?" tumango lang siya. Doon lamang tila nakalma ito.
Isang mahabang katahimkan ang dumaan sa pagitan nila. Tanging ang hampas lang ng alon ang naririnig nila. Kalmado ang lahat pwera ang puso niya. Magkakaroon yata siya ng sakit sa puso sa sobrang kaba. He wanted Chloe to be close to him. And she's close but he wanted her slocer. Gusto niya itong yakapin at muling matikman ang matamis na labi nito. But he just can't do it. Baka kasi nananaginip lang siya at paghinawakan niya ito ay bigla siyang magising.
Napaka-torpe talaga niya. Sa tinagal tagal niya sa ibang bansa ay hindi pa rin niya natutuhan ang kultura doon. Hindi naman siya tumingin sa ibang babae roon dahil nakalaan ang buong atensyon niya sa pagtratrabaho at pag-aaral and swore that he would never ever look at other woman dahil kay Nicky lang siya.
"Shen-shen," nilingon niya si Chloe nang tawagin siya nito. She is so beautiful everytime the wind blew her hair, no—she's majestic. Hindi tuloy niya napigilan ang sariling haplusin ang pisngi nito. Nakangiting nilingon siya nito.
"Yes, Nicky?" ngumiti nanaman ito.
"I love it when you call me Nicky."
"I love it, too, when you call me Shen-shen." Pinamulhan ito ng mukha. "I feel so loved."
"Tse," tila niilang na saad nito. "Tama na nga bolahan. May itatanong ako sa'yo." Anito na tila bumalik nanaman ang pagiging makulit nito. And he loves it.
"Bakit ngayon lang? I mean...kung noon ka pa may gusto sa akin, bakit hindi mo ko niligawan? Bakit hinayaan mo akong ligawan ka? Bakit—"
"Woah! Time out." Natatawa niyang saad bago ito kinabig at kinulong sa bisig and he never felt so complete. Parang isang malaking jigsaw piece si Chloe na matagal ng nawawala sa kanya. "Ang dami mong tanong."
"Ang tagal mo kasi." Nagkatawanan sila. Hindi talaga ito nauubusan ng sagot.
"Hindi kita niligawan dahil torpe ako. Natatameme ako pagmalapit ka, eh. At sabihin na ring nagustuhan ko 'yung atensyon na binigay mo. Niligawan?" sinilip niya ito at napangiti siya dahil nakapikit ito habang nakasandig sa kanyang dibdib. "Hindi mo ba nahalata?"
"Na?" nilingon rin siya nito.
Their eyes locked. Kung maganda na ito sa malayo ay mas lalo pa itong maganda sa malapitan. She had the most expressive eyes. Cute little nose and lips. He just can't help himself. Mas kinabig pa niya ito at tinawid ang kanilang pagitan.
That very moment was a bliss. Ang mga labi nito ay napakalambot. She still tasted so sweet.
Bahagya niyang inihiwalay ang labi rito at iniharap ito sa kanya para hindi ito mahirapan. The moment he left her lips ay parang biglang nagkagulo ang sistema niya. He wanted more kaya naman ng maglapat muli ang kanilang labi ay mas nilaliman niya ang halik.
Naramdaman niya ang pagtugon nito ang bawat paglalaro ng kanyang dila sa kalooban nito. But this must stop dahil kung hindi ay sa iba mapupunta ang tagpong iyon. Nararamdaman na kasi niya ang init na nabubuhay sa kanyang katawan.
He had a fair share of woman pero si Chloe ang naiisip niya. Pero halos isang taon na ang nakakalipas nang simulan niyang tigilan ang pakikipag-talik sa ibang babae. Pakiramdam kasi niya ay nagtataksil siya.
"We have to stop," hirap na saad niya at pinagdikit ang kanilang noo.
"I-I know," ganting saad nito.
He kissed her in her forehead and hugged her.
Tahimik niyang pinakiramdaman ito sa bisig niya. And when he looked at her, napangiti siya, she perfectly fit in his arms.
Napatingin siya rito nang bumuntong-hininga ito.
"So, asan na nga tayo?" anito na ikinatawa niya. Maya-maya lang ay nakitawa na rin lang ito.
Everything is perfect.
BINABASA MO ANG
[COMPLETED] Mahalin Mo Ako, Miss DJ
RomanceMy first ever story to be published under PHR. Full version is available in ebook form~ Sadly, hindi na po siya available sa stores but sure na sure na available siya sa ebook store ng PHR. here's the link: https://preciouspagesebookstore.com.ph/Pro...