Chapter Twelve

1.3K 29 0
                                    

"TAMA na tawa. Sasabunutan na kita." Nayayamot na saad niya sa ate niya. Kasalukuyan nitong nireretoke ang menudong ginawa niya. Masyado daw kasi iyong maalat. Ang masama, nadalhan niya ng maalat niyang menudo si Shenald. Feeling niya dooms day na niya.

"Kasi naman bakit ba kasi hindi mo kami inantay?" ulit-uli ng ate niya. Kanina pa nito iyon tinatanong at kanina pa rin niya hindi sinasagot. Alam kasi niyang pagtatawanan nanaman siya nito pagnalaman nitong na-excite siya.

"Hay naku, ano kayang naging reaksyon nina tita sa menudo mo?" tumawa na naman ito. Tumigil lang ito nang ambahan niya. "Nagmamadali ka sigurong iluto 'to, 'no? Excited ka 'no?"

Nagyuko lang siya ng ulo. Bakit ba ang dali niyang mahuli. Wala na siyang maitago. Narinig niya ang bahagyang pagpalatak ng ate niya bago siya nito tinabihan.

"Hay naku, ayos lang 'yan. Wala pa naman si Shenald diba? sabi mo hindi mo pa nakikitang umuuwi. Dalhan mo na lang nitong retokadang menudo mo."

Umungot lang siya sa sinabi nito na ikinatawa naman nito.

"Ikaw naman kasi. 'Wag kang masyadong hot. Hinay lang. Mamaya kakamadali mo hindi ka niyang lalo pansinin. Kakapapansin mo lalo ka niyang layuan. O baka naman sa sobrang pagka-agresibo mo, hindi mo napapansin, may gusto rin pala siya sa'yo."

Nakatingin lang siya rito. Hindi siya makapaniwalang kayang sabihin ng ate niya iyon. lagi kasing pabiro o kaya tahimik lamang ito. Kaya nagulat siya sa mga sinabi nito.

"Ikaw ba 'yan ate?"

Biglang nagbago ang itsura nito. From serious ay tila biglang naging comical ang mukha nito. "Tigilan mo ako Chloe Nicole, ha. Hala, sige dalhin mo na 'yang menudo sa kabila." Pagtutulakan nito sa kanya.

Natawa na lang siya rito. Pero napansin niya ang lungkot sa mata nito pero dagli ring nawala iyon dahil tumawa na ito.

"'Wag mo ng alalahanin 'yang menudo. Masarap na 'yan."

Ngumiti lang siya rito. Baka namalik-mata lang siya dahil kinakabahan siya at nahihiya!

[COMPLETED] Mahalin Mo Ako, Miss DJTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon