Chapter Seven

5.3K 103 0
                                    


2000

MULI nanamang napakunot ang noo niya ng humingi nanaman ng sorry ang kaibigang si Mitch sa kanya. Nasa kanila kasi ito habang nag-aantay ng makakasama sa bahay ng mga ito. Ibinilin ito sa kanila ng daddy nito dahil kailangan daw munang umalis ng mommy at daddy nito pero hindi na idinetalye kung bakit. Ang kuya naman nito ay wala pa dahil naka-duty daw ito at mamayang ten pa ng gabi ang labas at mga eleven na dadating.

"Ano ka ba naman, para ka namang others, eh," pag-aalo niya rito.

Alam niyang hindi ito nahihiya sa kanya kundi natatakot ito sa daddy niya. Hindi kasi umiimik ang daddy niya simula kanina. Panay lang ang tingin nito sa kanila at ngayon nga ay nasa balkon sila sa harap ng bahay nila habang nanonood naman ng telebisyon ang kanyang magulang at kapatid.

"Bakit ba kasi ang tagal-tagal ni kuya," nayayamot na nitong saad.

"Alas siyete pa lang kaya."

"Eh, natatakot na ako sa tatay mo, eh." sumulyap pa ito sa pinto nila.

Ganoon din ang ginawa niya at mahinang tumawa. "Hayaan mo lang siya. Hindi ka naman lalamunin no'n."

"Hindi nga pero kung makatitig siya akala mo isa ako sa mga tinutugis nilang rebelde." Anito at bahagya pang ginalaw ang balikat. "Bakit ba kasi hindi nagsasalita tatay mo?"

Nagkibit-balikat lang siya roon.

Kung tutuusin kasi ay hindi rin niya alam. Nakalakihan na niya na ganoon ito. Tahimik at palaging walang imik. Minsan ay mawawala ng ilang taon at pagbalik ay wala namang pinagbago. Ang nagbabago lang ay nagiging tahimik ang bahay nila pagnaririyan ang kaniyang ama.

"Chloe," narinig niyang tawag ng kanyang ina. "pumasok na kayo rito sa loob. Mahamog diyan."

"Okay lang ho, tita," tanggi ni Mitch at bahagya pang nakangiwi.

"Pumasok na kayo. Aakyat na rin kami ng daddy ni Chloe." Anang uli ng mommy niya at napahinuhod din sila nito.

Bahgaya pa siyang napangiti ng maramdaman ang pagdiin ng kamay ni Mitch sa braso niya. "Relax." Bulong niya rito.

Tila nakahinga naman ito ng mabuti ng wala roon ang ama. Kahit siya ay ganoon din ang naramdaman. Atleast hindi niya kailangang mapanisan ng laway habang nag-aantay sila ni Mitch.

Di pa man nag-iinit ang puwit nila sa loob ng sala ay narinig na nila ang mahinang katok sa gate nila at ang pagtawag sa pangalan ni Mitch.

"Si kuya na siguro 'yan," anang nito at nagmamadaling buksan ang pinto.

Ganoon na lamang ang tibok ng puso niya. Nasundan na lamang niya ang kabigan na papalabas na ng kanilang pintuan. She softly sucked her breath ng makita ang kapatid nito.

Why, he's a living replica of Brad Pitt ang isa sa mga artistang hinahangaan niya. Ang pagkakaiba lang nila ay itim na itim ang buhok nito at hindi ito macho. Pero kung sa tangkad rin lang, panalo ito. Nang magtama ang kanilang paningin, she swear, para siyang nasa alapaap. Those lazy black eyes.

"Hoy, Chloe!" ang pagtawag ng kaibigan ang nakapagpagising sa natutulog niyang diwa. "Halika dito. Ipakikilala kita kay kuya."

Dahan dahan siyang lumapit sa mga ito afraid that if she would come any closer ay bigla itong mawala. At napahinga lang siya ng malalim nang naroroon pa rin ito ng tuluyan siyang makalapit.

"Chloe, Kuya ko. Kuya, si Chloe, kapit-bahay natin at best friend ko," pakilala sa kanila ni Mitch pero walang nagsalita sa kanila.

"Hi Chloe, ako si Shenald Nazarine Garcines. Nice meeting you," sarkastikong saad ni Mitch at walang sabi-sabing pinagdaop ang kamay niya at kamay ng kapatid nito.

"Nice meeting you, too. I'm Chloe Nicole Aviado." Dugtong pa ni Mitch.

"Nice meeting you," tila biglang natauhan na saad ni Shenald sa kanya. "sige mauna na kami. Sinusundo ko lang kapatid ko." Anito bago inakbayan si Mitch. Tumango lang siya sa mga ito bago ito mga tumalikod.

Narinig pa niyang inusisa ni Mitch ang kapatid bakit maaga itong umuwi pero wala na siyang pakialam doon dahil lumilipad na ang isip niya sa maganda nitong mata, mapang-akit na boses at ang mainit nitong palad.

OMG! I think I'm in love! Kinikiligniyang tili sa isip.

[COMPLETED] Mahalin Mo Ako, Miss DJTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon