NAPAPANGITI sa salamin si Chloe habang inaayos ang sarili. Hindi rin kasi niya maintindihan ang sarili. She was so happy. Masaya siya dahil nalaman niyang matagal na rin pala siyng tinatangi ng binata. Lalo pa siyang napangiti ng maalala ang mga sinabi nito.
Natatame daw ito sa kanya. Nahihiya at natotorpe. Habang nililigawan niya ito ay nakikipagsabayan din pala ito.
Tulad na lamang noong kinantahan niya ito. Akala niya noon ay nadala lang ito at naki-kanta na rin pero hindi pala, nang haharana na rin pala ito. Ang pagkaing dinala niya noon, totoo palang naalatan ito pero pinilit nitong ubusin dahil luto niya iyon. Umamin na rin ito bakit nagalit ito noon sa kanya no'ng linisan niya ang kuwarto nito. Beause he was hiding her sketches. And for the first time, ito ang nagpakumbaba dahil ayaw nitong sumasama ang loob niya sa rito.
Lalo siyang napangiti roon. Pati pala ang madalas na pagsulpot nito kung nasa saan siya. Lalong lalo na pag nasa tahanan siya ng mga ito.
Bakit ba hindi niya iyon napansin noon?
Noon naman nag-ring ang kanyang cellphone.
"Speaking of the devil," nakangiti niyang saad bago sinagot ang tawag ni Shenald.
Simulanoong araw din na iyon, their phone and her cellphone became a hotline.
BINABASA MO ANG
[COMPLETED] Mahalin Mo Ako, Miss DJ
RomanceMy first ever story to be published under PHR. Full version is available in ebook form~ Sadly, hindi na po siya available sa stores but sure na sure na available siya sa ebook store ng PHR. here's the link: https://preciouspagesebookstore.com.ph/Pro...