Chapter Three

2.2K 61 0
                                    

"KANINA KA pa tahimik d'yan, ah?" untag sa kanya ni Mitch.

Sinulyapan lang niya ito bago muling kinalikot ang kanyang ipod. Ayaw niyang sagutin ito dahil alam niyang iintrigahin lang nanaman siya nito.

"Hoy," siko sa kanya nito. "'wag mong sabihing affected ka pa rin kay fafa Sharon?"

Sinasabi na nga ba niya. Napahinga na lang tuloy siya ng malalim.

"Tama ako 'no?" anitong muli. "Buti na lang wala na si Ella. Kundi hindi ka no'n titigilan."

"Bakit tinitigilan mo ba ako?" pabirong saad niya rito. Nginisihan lang siya nito. "'Wag mo na nga lang akong pansinin."

"Pero parang kilala ko din ang boses na 'yon. Di ko lang maalala kung sino." napa-isip nitong saad.

Kahit siya ay pamilyar ang boses na iyon. Kaya nga natulala na siya dahil hindi na mawala ang tinig na iyon sa isipan niya. Idagdag pang kakaiba ang dagundong ng dibdib niya pagkarinig sa tinig na iyon.

Think, Chloe. Think.

Sa kaiisip niya, iisang tao lang ang lumitaw sa kanyang isipan. Ang mukha ni Shenald. Pero imposible iyon nasa ibang bansa ito at sa pagkakaalam niya ay hindi pa naman pang-international ang radio station nila. Hindi pa nga ito gaanong umaabot ng Mindanao, ibang bansa pa kaya.

Pero si Shenald lang talaga ang lumilipad na mukha sa kanyang isipan.

Baka lang pinapaalala lang ng puso mo na hindi ka pwedeng magtaksil.

Tama! Sigaw ng munting tinig na iyon.

"Uy, natulala ka na naman," kalabit nanaman sa kanya ni Mitch. Walang pang isang araw pero madalas na siyang matulala dahil sa boses na iyon.

"Honga pala," anang nuli nito. "may lakad pa kami ni Jonas. Birthday daw kasi ng pinsan niya. Andun 'yun ngayon. Sunduin lang ako tapos balik kami uli dun kaya—"

"Kaya hindi ako pwedeng sumabay?" alam na niya ang sasabihin nito at alam niyang may de-tour pa ang dalawang iyon kaya tumango na lang siya.

"I-sakay nyo na lang muna ako ng taxi. Baka kasi dito na ako makatulog dahil natutulala ako."

"Baka naman maligaw ka lalo dahil tulala ka pa rin."

Ngumiti siya rito. "Sabihin mo na rin kung saan ako nakatira. Makikinig na lang ako ng ipod para hindi halatang tulala ako."

Napailing na lang ang kaibigan niya pero wala roon ang atensyon niya kundi sa boses na patuloy pa ring umaalingawngaw sa kanyang isipan.

[COMPLETED] Mahalin Mo Ako, Miss DJTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon