Chapter Nine

1.4K 34 0
                                    

NGITING-ngiti na naman si Chloe habang naglalakad papunta sa bahay nina Mitch. Nakita kasi niya si Shenald kanina na dumating na galing sa duty nito at pwede na niyang isagawa ang kanyang balak. 'Wag nga lang itong matutulog kaagad.

"Friend!" sigaw niya ng nasa tarangkahan na siya ng bahay nina Mitch.

Nakita niyang sumenyas si Mitch sa bintana para tumuloy siya. Pagkapasok na pagkapasok pa lang niya ay mabilis niyang inilibot ang paningin, sympre para hanapin si Shenald. Alam niyang kapapasok pa lamang nito sa bahay at malamang ay hindi pa nakaka-akyat sa kuwarto nito.

Kung parehas kayo ng routine pagpasok sa bahay. Sa kusina ang tuloy.

Mabilis tuloy napadako ang tingin niya sa daan patungo sa kusina. Pero nangawit na lang ang leeg niya, walang Shenald na lumabas.

Pasalampak siyang naupo sa sofa habang inaantay ang kabigan. "Asan na kaya 'yon?" nakanguso niyang saad.

Napa-angat lang ang tingin niya ng marinig niya ang mga yabag. And there he was. The prince charming of her life.

She stood up as if may spring sa kanyang kianuupuan. Mabilis ding gumuhit ang ngiti sa kanyang labi. Kaya naman nang mag-angat ng tingin si Shenald ay gumanti rin ito ng ngiti sa kanya. Ganoon na lamang ang pagpipigil niyang lapitan ito, kulang na lang talian niya ang sarili para lang pigilin ang sarili.

"Andito ka pala," bungad nito sa kanya.

Hay! Heaven! Kinikilig niyang saad sa isipan. "Oo, gagawa kami ni Mitch ng assignment, eh." tumango lang ito. "Umm, shen-shen-"

Kung gaano niya kabilis nabigkas ang pangalan nito ay ganoon rin niya kabilis natakpan ang bibig. Ang shen-shen kasi ang endearment niya rito at sa sobrang overwhelm siguro niya na nakakausap ito ay nakalimutan niyang hindi pala dapat nito malaman iyon.

Nakita niya ang pilyong ngiti sa labi ng binata kaya mabilis siyang napayuko. "Nakakainis. Shungakers naman kasi." Mariin niyang bulong sa sarili.

Nabaling lang muli ang tingin niya rito ng tumikhim rito. Naroroon na nga rin lang siya, narinig na rin lang nito, mabuti pa ngang kausapin na rin lang ito. Sayang ang pagkakataon. Sabi nga ng iba, one of the rarest moments.

"Ay..ah..n-nakita kasi kitang b-bagong dating. Ku-ku-kumustahin k-ko lang sa-sa-sana 'yung...'yung-"

"Duty ko?" putol nito sa sasabihin niya. Muli na naman niyang nakita ang pilyong ngiti nito. But somewhere in her heart, biglang nawala ang hiya niya kaya gumanti na rin siya ng ngiti rito.

"Okay naman," dugtong nito. "medyo nakakapagod dahil ang daming sinusulat at binabasa. May masungit ka pang C.I. na kailangan i-consider at kung anu-ano pa."

Ngumiti at tumango tango lang siya sa sinabi nito kahit na wala siyang naintindihan. Ang mahalga sa kanya mayroong nagaganap na konbersasyon sa pagitan nila.

"Paano, kakain muna ako. Matutulog pa rin kasi ako bago ko gawin mga dapat gawin." Anang nito bago ito tumalikod at pumunta sa kusina.

Tulala na lang niyang napagmasdan itong naglakad admiring his back and how sexy he walk.

Muntik na siyang mapatalon ng bigla itong lumingon at nakangiti, showing his perfect white teeth.

"Oh, by the way, thank you for asking, Nicky." Kumindat pa ito bago muling naglakad.

Nangmakapasok ito sa kusina ay mabilis niyang dinampot ang throw pillow at doon tumili.

[COMPLETED] Mahalin Mo Ako, Miss DJTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon