Chapter Fourteen

1.3K 32 0
                                    

NAKAPANGALUMBABA si Chloe sa dining table ng mga Garcines. Inantay kasi niya si Mitch dahil may practice sila para sa cheering. Intramurals na kasi nila sa eskwelahan at kasabay rin niyon ang foundation day nila. At tuwing sasapit ang foundation day, hindi pwedeng hindi siya kasali sa cheering. Why? Because she's the dance master, ika nga ng mga kaklase nila.

Addict siya sa iba't-ibang klase ng sayaw. Mapa-katutubo hanggang sa ballroom at modern dances, madali niyang nasasakyan. And she's gracefull. Isa pa, addict din siya sa panonood ng mga cheering-cheering ng ibang bansa pati ng mga movies about cheering, siya ang tinagurian genius doon dahil palaging nananalo ang team kung saan siya kasali. Tulad na lang ngayon, sila ang pambato ng kanilang year level.

Kaya lang tinanghali naman ng gising ang kaibigan niya. "Mitch, asan ka na ba?" nayayamot niyang saad.

Kaya imbis na mamuti ang mata sa kaantay ay yumukyok na lamang siya sa lamesa at tuluyang ipinikit ang mata. Inaatok pa rin naman siya dahil anong oras pa lamang iyon. Hindi iyon ang natural na gising niya pag-weekends.

Napaungol siya nang maramdaman ang pagtapik ng kung sino sa kanyang pisngi. Kung sinoman ang gumigising sa kanya sa maganda niyang panaginip, kasama pa naman at nakakausap niya roon si Shenald, ay mananagot sa kanya.

Pumalatak pa muna siya bago niya idinilat ang mata. "Nakakinis ka naman, eh. Ang ganda-ganda ng panaginip ko, eh. is-tor-" napangiti na lang siya ng makilala niya kung sino ang gumising sa kanya.

Si Shenald!

Mabilis niyang inayos ang buhok niya at pinunasan ang mata at ang paligid ng kanyang bibig. Napa-ungol na lang siya nang maalalang ito nga pala ang gumsising sa kanya. Ano kayang itsura niya? Nakakanga kaya siya? Tulo laway? Tirik ang mata? Nagsasalita habang natutulog?

Mabilis na napatingin siya rito. Ito nga pala ang nasa panaginip niya. Paano kung totoo palang kausap niya ito at akala niya ay nanaginip lang siya?

"Hindi ka nagsasalita," nakangiting saad nito na tila nabasa ang kanyang iniiisip. "Pero tirik ang mata mo kung matulog."

Napanguso at napakamot na lamang siya ng ulo. Nakakahiya talaga siya.

"But I never thought na mas cute ang tirik ang mata kaysa pikit pagnatutulog." Kinindatan nanaman siya nito bago ito dumiretso sa refrigerator. Doon lamang niya ito napagmasdang mabuti.

Naka-jersey ito na sa tingin niya ay niluma na ng panahon pero bagay pa rin iyon dito. Kitang-kita tuloy ang mga nag-iigtingang muscles nito sa braso habang nagsasalin ito ng tubig sa baso.

Nalunok na lang siya ng mapansin niyang tumulo ng bahagya ang iniinom nitong tubig sa leeg nito pababa sa dibdib nito. Nahiling na lang tuloy niyang sana ay siya na lamang ang tubig na iyon. Ano kaya ang pakiramdam no'n?

"Ang swerte naman ng tubig na 'yon," bulong niya.

"You were saying something?"

"Ha?"

"May sinabi ka ba?" umiling siya. Kunot-noo naman nitong binaba ang baso at tumuhog naman ng hotdog na nasa kamesa. "Do you mind?"

"Ha?" nawawala siya sa sarili niya. Naiingit din kasi siya sa tinidor na hinwakan nito.

"I mean, hindi niyo ba babaunin ang hotdog na 'to?"

"Hindi." At ganoon na lamang ang pagka- dazzle niya ng isubo at kagatan nito ang hotdog.

The way he bit the hotdog and the way he chewed his food was oh so sexy. Kaya ganoon na lamang ang pagkatulala niya rito. May pangit bas a lalaking ito? Lahat na lang kasi ng gawin nito ay maganda at sexy sa paningin niya.

Bias ka kaya.

Tse! Walang pakialamanan!

Hindi na niya pinansin ang nagtatalong boses sa kanyang isipan dahil nakatutok siya sa binata. Nananalangin na sana na siya na lamang ang tubig na tumulo sa leeg nito para nahaplos din niya ang leeg nito. Na sana siya na lang ang tinidor na hawak nito para maramdaman niya ang init ng palad nito. At sana siya na lang ang hotdog para malasan at maramdaman niya kung gaano kalambot ang labi nito.

"Hoy!"

"Anak ka ng kalabaw na tatlo ang sungay," nagulat niyang saad at naninigkit ang matang tinignan ang kabibigan. "Bakit ka ba nanggugulat?" singhal niya rito.

"Tulala ka na diyan, eh." ani ni Mitch na kakapasok lamang sa kusina habang nagsusuklay ng buhok. "Kanina pa kita kinakausap pero nakatulala ka."

Inungusan lang niya ito. Ayaw na tuloy niyang tignan si Shenald dahil baka nahuli na rin siya nitong nakatitig rito. Hindi naman kasi niya maiwasan. Kahit na anong gawin niya talaga namang nababato-balani siya rito.

Sabay silang napatingin ni Mitch kay Shenald ng halos mabasag ang baso na hawak nito nang ilapag nito matapos itong uminom.

"Nagdadabog ka kuya?"

"Oo!" sigaw nito. "Walang-jo ka naman, 'wag kang nangugulat ng ganoon. Mamatay ako sa 'yo,eh." pumalatak itong muli bago sinubo ang huling hotdog. "Maiwan ko na nga kayo diyan."

"Shen-shen," pabulong niyang tawag dito ng makalabas na ito ng tuluyan sa kusina.

Tinitigan niya ng masama ang kabigan ng gayahin siya nito. "Bakit?" pa-inosentang saad nito.

"Tse."

"Pa-tse-tse ka pa dyan. Kung hindi kita ginulat kanina, baka tumulo na ang laway mo sa sobrang pagkakatitig kay kuya. Wild mo naman kasi tumingin parang gusto mo ng lamunin si kuya."

Pabirong inungusan niya ito. "Ano naman? Gusto ko naman talaga siyang lamunin." Aniya tsa humagikgik.

"Nicky."

Sa gulat niya nang may tumawag sa kanya ay muntik na siyang malaglag sa kinauupuan niya. Pero isang matamis na ngiti ang sinalubong niya kay Shenald. ito lang kasi ang tumatawag ng Nicky sa kanya.

"Thank you nga pala sa menudo." Nakangiting saad nito. "The best menudo ever."

Napatangang nakatingin na lang siya rito. "Talaga?"

"Yep."

"Hindi ba maalat?" nag-aalala niyang saad. Nakalimutan na niya ang tungkol sa menudo dahil sa nangyari kanina. Kung hindi ito nagpasalamat nakalimutan na siguro niya iyon. Kasabay niyon ay natunaw ang lahat ng sama ng loob niya rito sa pag-aakalang inubos lang nito ang menudo niya out of gutom. At siguro hindi pa ito mag-thank you, napatawad na niya ito.

"Maalat?" kunot-noong sagot nito. "Hindi naman maalat. Tama lang, 'yong pangalawang dinala mo rito, matabang, hindi ko gusto." Nakangiwi nitong saad.

Pigil ang ngiting pinakawalan niya rito dahil kung hindi niya gagawin iyon baka napatili na siya at dinamba na ito.

"Anyway, salamat sa menudo. Sa uulitin." Anitong muli bago nagpaalam at maglalaro daw muna ito ng basketball. Di na daw kasi ito naaarawan dahil laging nasa loob ng ospital.

"Friend, nagustuhan niya ang menudo ko," tila lumilipad sa alapaap na saad niya.

"Hindi ko ba nasabi sa'yo?"

"Sabi mo kasi inubos lang niya."

"Oo nga." May halong pagtataka sa mukha ng kaibigan ng lingunin niya ito. "Dumating siya no'n galing sa school. Tinanong ni mama kung kumain na siya, sabi niya oo. Pero nang malaman niyang may menudo na gawa mo, daig pa niya ang ginutom ng tatlong araw. Siya nga ang umubos 'di ba?"

Napatinginna lang siyang muli sa nilabasang pinto ni Shenald. talaga palang inubos niShenald ang menudo na kahit siya ay hindi niya makain. Lalo tuloy itong napamahal sa kanya.

[COMPLETED] Mahalin Mo Ako, Miss DJTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon