"UY, menudo ulit!" nakangiwing saad ni Mitch at nahihiya naman siyang napayuko.
"Sige na, sabihin mo na. 'Wag ka ng mahiya." Aniya rito. Alam naman niyang natikman nito ang menudong sinasabi niya at menudo nanaman ang binigay niya kaya hindi na siya nagtataka kung bakit ganoon ang tono nito. Sino ba naman kasing masasarapan sa sobrang alat na menudo?
Ikaw? Napasimangot siya. Kahit siya ay hindi natuwa sa niluto niya.
"Sigurado ka bang.."
Tinignan niya ng masama ang kaibigan niya ng sipatin nito ang menudong dala niya. "Wala namang lason yung dinala ko kanina at wala ring lason yan. Ang sama nito."
Tumawa lang naman ito. "Nakakainis ka na." maktol niya rito.
"Ano ba kasing ginawa mo roon? Binuhos mo ba ang asin sa menudo mo?" ngumuso siya rito. "Ban ka na siguro sa kusina nyo."
"Hindi. Kaya lang.."
"Kaya lang?"
"Ayoko ng humawak ng sandok." Tumawa nanaman ang kaibigan niya. Nahawa na rin lang siya rito. Wala naman kasi siyang magagwa sa menudo niyang maalat. "Ayan, bagong retoke na 'yan ni Ate."
"Ay, amin na lang to nila mama." Sabay kabig nito sa bandehado. "Inubos kasi ni kuya yung una mong dinala."
Mabilis na naglaho ang ngiti sa labi niya nang marinig ang sinabi ng kaibigan. Nandoon na si Shenald at inubos nito ang maalat niyang menudo? "Anong sinabi mo?"
"Ang sabi ko inubos ni kuya yung 'napakasarap mong menudo'," nakangiting saad nito at pinagdiinan pa ang mga huling salita. "since nilantakan na niya iyon. amin na lang 'to."
"Inubos niya?" tulala niyang saad. "Pero bakit?"
"Ma at Pa," kibit-balikat na saad nito. "Umuwi ka na. kakain na kami, unless gusto mong makita si-"
"Hindi uuwi na ako," mabilis niyang sagot at nag-martsa pabalik sa bahay nila.
Hindi siya makapaniwala na inubos ni Shenald ang niluto niya gayon kahit siya ay hindi niya iyon makain. Hindi kaya may gusto ito sa kanya dahil inubos nito ang ulam na ginawa niya o kaya naman..
"Gutom lang siguro 'yon at ang menudo ko lang ang napagtyagaang kainin." Malungkot niyang saad sa sarili at bumalik sa kanilang bahay.
Hindi na niya pinansin ang ate niya at pagkumusta nito sa menudong niretoke nito she has a grieving heart kaya wala siyang pakialam kahit kanino.
BINABASA MO ANG
[COMPLETED] Mahalin Mo Ako, Miss DJ
RomanceMy first ever story to be published under PHR. Full version is available in ebook form~ Sadly, hindi na po siya available sa stores but sure na sure na available siya sa ebook store ng PHR. here's the link: https://preciouspagesebookstore.com.ph/Pro...