Chapter Twenty Five

1.3K 34 0
                                    

WALA SA sariling nangingiti si Chloe habang nag-aayos sa C.R. ng station nila. Pauuwi na kasi sila at tapos nanaman ang madaling araw na pagtra-trabaho.

"May nababaliw," si Ella na panay ang pag-ma-make-up. "Nangingiti ng walang dahilan."

"Walang paki-alamanan," ganting sagot niya rito.

Nakangiti pa rin siya nang mapansin niyang hindi na nag-rereact ang dalawa niyang katabi. Tahimik lang ang dalawa habang nag-aayos na rin. Naiilang tuloy siya. Hindi siya sanay.

"Hey, guys," basag niya sa katahimikan. "Bakit ang tahimik nyo? Anong meron?"

Hindi pa rin sumagot ang dalawa.

"Uy," kinalabit na niya ang bestfriend na si Mitch. "Bakit ayaw nyo na akong kausapin?"

Napaptilag siya ng padabog na sinarado ni Mitch ang pressed powder nito. "Ikaw, anong meron? Anong pinaggagagawa mo?"

"Oo nga," segunda ni Ella. "sa tagal nating magkakasama, ngayon ka pa naglihim. Bakit?"

Naguguluhan niyang tinignan ang dalawa bago ito tinanong. "Meron? Lihim? Char, wala kaya akong nililihim."

"Lokohin mo ko." ani ni Mitch. "Nabalitaan lang naman namin na nagpapalipat ka ng shift. Iiwan mo na ang puwesto mo sa late night para magpalipat sa umaga. Bakit? Anong meron?"

"Kasi sabi ng kuya mo—"

"Ano?!" hysteriang saad ni Ella. "Ikaw ba 'yan Chloe? Nakakapanibago ka naman. Ilang taon na tayong magkakilala at magkasama since college ngayon ka lang nag-paapekto sa isang lalaki. Ngayon ka lang nagpasundo! Dati rati mamatay na ka nang kakatangi sa pagpapasundo. Pagsinundo ka naman halos mamatay na 'yong lalaki sa ingay at kakulitan mo.

"At isa pa, lahat ng sabihin ni Shenald ay sinusunod mo. Dati halos patayin mo 'yung nanliligaw sa'yo at minsan pa nga, diba, iyon pa ang dahilan bakit muntik mutikan pa mo pang maupakan 'yong lalaki?

"Chloe, sigurado ka bang hindi mo iiwan 'yang si Shenald pagnagtagal pa kayo? Baka naman pagnasakal ka na, eh, bigla mong iwan 'yong pobre." Mahabang litanya ni Ella.

Si Mitch ay natahimik lang na nakatingin sa kanya mula sa repleksyon niya sa salamin.

Kung tutuusin ay may punto si Ella. Hindi niya naiisip iyon. Paano nga kung dumating ang panahon na masakal siya sa mga pinagagawa ni Shenald?

Halos ipagbawal na lahat ni Shenald sa kanya. Ang hindi pagkain ng tama, matulog ng kulang sa oras, nagpapakapawis, pag-eeehersisyo niya at pagpapapayat niya. At ito ngang huli, ang pagpapalipat niya ng slot sa stasyon ng radyo para makuha daw niya ang tamang oras ng pagtulog.

And she didn't mind that all.

Ngayong sinabi ni Ella ang posibilidad na mapansin niya ang mga iyon. Hihiwalayan ba niya si Shenald?

Pipigilan na ba niya ang sariling mahalin ito dahil nasasakal siya?

Tinignan niya si Mitch na may takot sa mata. Natatakot siya. Mahal niya si Shenald but Shenald is taking away her freedom. The only freedom that she had.

She wanted freedom. Buong buhay niya ay sumusunod siya sa mga rules, rules na ginawa ng tatay niya. Ngayong wala ito ay doon lamang siya nakakaramdam ng kalayaan. Ngayong nandito si Shenald ay unti-unting nawala rin ang kakarampot na kalayan na iyon.

Paano kung sundin nga niya ang lahat ng gusto ni Shenald and in the process ay makalimutan niya kung sino siya. And eventually, she leave him realizing that she was choking because of his love.

Napaluha siya ng wala sa oras.

Ayaw niyang mangyari iyon. Gusto niyang manatiling mahalin si Shenald but not setting aside her freedom.

Ano nang gagawin niya?

Naramdaman niya ang pagyakap ni Mitch sa kanya. Somehow she knew her friend knew what she really feels inside.

[COMPLETED] Mahalin Mo Ako, Miss DJTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon