NINE years. Siyam na taon niyang hindi nakita si Shenald. Siyam na taon niya itong inantay kahit na wala itong pinangako o sinabi man lamang. Ni hindi nga ito nagpaalam na aalis ito. And now he's back.
Chloe wore her best smile, best dress pati na rin ang ayos ng buhok niya. Sabi nga ng ate niya kanina...
"Naks, pusturang pustura. Saan ang lamay natin?"
Napaismid siya roon. "Lamay pala, ha. Baka kamo kasalan." Tsaka siya tumawa ng nakakaloko.
Nagpalinga-linga siya. Baka kasi may makakita sa kanya at pagkamalan siyang baliw.
"Na-consious bigla?" aniya at napasimangot habang tinanaw ang lalaking kanyang tinatangi.
Bigla siyang nataranta ng hindi na makita roon ang sasakyan nito.
"Asan ka na!" sigaw niya bago nagmamadaling lumabas ng tarangkahan nila bitbit ang Tupperware na pinaglalagyan ng carbonarang niluto ng mommy niya.
Hindi kasi siya marunong magluto kaya ang mommy at ate niya ang madalas magluto.
Nagmamadali niyang tinungo ang bahay nina Mitch . Sinilip ang loob ng bakuran. Nai-stress nanaman siya. Hindi pa nga niya nakakusap si Shenald ay wala na kaagad ito.
Paanong hindi mawawala? Ang tagal tagal mong maligo. Kulang na lang ay kuskusin mo pati pilik-mata mo.
Natural. Gusto kong maging mabango at maganda!
Muli niyang sinilip ang bakuran ng mga Garcines. Bagsak ang balikat niyang hindi makita sa loob ang sasakyan ni Shenald. Kaya kahit ayaw pa niyang umuwi napilitan na siyang tumalikod at bumalik sa bahay nila.
"Ay, anak ako ng nanay ko!" sigaw niya ng mabangga at bumagsak ang Tupperware na hawak at matapon ang laman niyon.
"Ang carbonara ng Shen-Shen ko!" tili niya bago lumuhod at nagmamadaling sinalok iyon ng kamay at binalik sa Tupperware.
"Kawawa naman ang carbonara ko," anang ng isang lalaking boses at sunod niyang nakita ay isang mala-barkong kamay na nakikidakot na rin sa kanya.
Nabitin sa ere ang kamay niya at napatunganga na lamang sa lalaking tumutulong sa kanya.
"Shen-shen?" pabulong niyang saad. Tila na-engkato siya ng tignan siya nito.
Malaki na ang pinagbago nito. Ang dating younger version ni Brad Pitt ay naging Brad Pitt na mismo!
Machong-macho na ito. Malaki na ang katawan. Matangkad na ito dati at mas lalo pang tumangkad. Ang dating kayumangging kulay nito ay tila binuhusan ng bleach dahil namuti. Hindi rin gaanong nagbago ang pungay ng mata nito. His arrogant nose and thin lips. Mas naging matapang lang ang panga nito. Ika nga ng iba, na-emphasize na ang kagwapuhan nito.
At lalo akong nahuhumaling!
"Shen-shen?" twag niya uli rito.
"Nicky," tawag rin nito sa kanya.
Napanguso siya sa tinwag nito sa kanya. Ito kasi ang tawag nito sa kanya, eversince!
At ayaw niyang tinatawag siyang Nicky nito dahil pakiramdam niya ay bata ang tingin nito sa kanya.
"Hindi ka na nagbago. Ngumunguso ka pa rin pag-tinatawag kitang Nicky." Tatawa-tawang saad ni Shenald.
Napatingin nanaman siya rito dahil sa tawa nito. Napabuntong-hininga na lang siya. Ang guwapo pa rin kasi nito lalo na pagtumatawa.
Tumayo na sila ng matapos ang 'pagdadampot' ng carbonara.
"Pwede pa ba akong humingi ng carbonara?"
"Huh?" hindi niya nakuha ang sinabi nito dahil masyado siyang busy sa paghawak ng kamay nito ng i-abot nito ang Tupperware.
"Diba sabi mo, sa akin 'yong carbonara. Baka pwedeng makahingi uli." Then he flashed his boyishly smile.
Hay. Iyon ang sabi ng puso niya.
"Hoy, Chloe, mukhang an gaga mong lumabas ng bahay mo, ah. Uy ano 'yan?" ani ni Mitch na magulo pa ang buhok at halatang kagigising pa lamang. "wow, carbonara! Uy pe— bakit mo nilayo?"
"Hindi pwede," tila lumulutang pa alapaap na saad niya at tumunganga kay Shenald.
"Bakit?"
"Kasi ang guwapo guwapo talaga niya."
"Ha?"
"Tapos ang macho-macho pa niya."
"Hoy!"
"Aray ko, ha!" sigaw niya dahil binatukan na siya ng kaibigan. "Bakit ka ba nambabatok?"
"Lumilipad kasi ang utak mo, eh. Inaantok ka pa ata."
"Hindi na 'no." inismiran ang kabigan bago binalik ang tingin sa kapatid nito. "She—asan na kuya mo?"
Nilingon-lingon niya ang paligid at nakita itong papasok sa bahay nito. "Shenald! 'yong carbonara mo!" sigaw niya rito.
"Paki-bigay na lang kay Michelle!" ganting sigaw nito at hindi siya nilingon.
"Michelle Garcines," tawag niya sa kaibigan.
Naka-peace sign na ang kaibigan niya habang umaatras papunta sa bahay niya.
"Bumalik ka rito. nakakainis ka!" sigaw niya bago ito hinabol.
"Tita Merced!" tawag naman nito sa nanay niya.
"Panira ka talaga!"
BINABASA MO ANG
[COMPLETED] Mahalin Mo Ako, Miss DJ
RomanceMy first ever story to be published under PHR. Full version is available in ebook form~ Sadly, hindi na po siya available sa stores but sure na sure na available siya sa ebook store ng PHR. here's the link: https://preciouspagesebookstore.com.ph/Pro...