Chapter Twenty Nine

1.3K 29 0
                                    

ISA, dalawa, tatlong araw, isang linggo, dalawang linggo. Napapikit si Chloe habang nakatunghay sa kalendaryong hawak habang nakatanaw sa kanilang teresa at pinapanood lamang si Shenald na labas masok ng tahanan ng mga ito tuwing papsok at uuwi.

Naiinis siya sa sarili dahil hanggang sa araw na iyon ay hindi pa rin niya maharap ang binata. Wala siyang lakas ng loob. Natatakot siya sa malalaman.

Nilingon niya ang kahitang nasa ibabaw ng kanyang kama, hindi pala niya iyon nabalik kai Shenald ng tumakbo siya papasok sa kanilang bahay. Iyon ang simbolo ng kasal na inaalok ni Shenald sa kanya. At tinanggihan niya iyon.

Nababaliw na nga yata siya dahil tinanggihan niya ang taong mahal niya. Pero ayaw naman niyang um-oo sa kasal na alok nito ng may pagdududa ang kanyang pagmamahal rito.

Napabuga siya ng hangin.

Napalingon naman siya sa tahanan ng mga Garcines ng marinig niya ang pagbukas ng tarangkahan. And there he was, Shenald Nazarine Garcines in his t-shirt, jeans and rubber shoes, ever so gorgeous holding his hospital gown.

Her heart sigh. Napangiti siya ng maalala na ganoon siya rito dati at ngayon...

"Balik ako sa square one?" sinundan niya ng tingin si Shenald. "Pababalikin mo ba ako sa square one, Shen-Shen?"

Kasalanan mo naman kasi. Napasimangot siya roon at sinundan na lamang ang papaalis na sasakyan nito.

Inaamin na niyang may kasalanan din siya. Tama ang kanyang ina na hindi sa lahat ng pagkakataon ay iisa lang ang side ng problema. Nakinig siya sa ibang tao pero sa taong mahal niya, kahit isang salita hindi niya pinakinggan. And worst, wala siyang sinabi ritong dahilan bakit niya gustong makipag-hiwalay rito. And by the looks of it, mali nga yata siya dahil namayat si Shenald at tila wala sa sarili. Naguguluhan din ito marahil.

Alam din niya ang ugali ng kanyang nobyo, hindi siya nito lalapitan hanggat nararamdaman nitong galit pa rin siya. He never did, never once that he approached her pag-galit siya. Palaging siya ang unang lumalapit rito para sabihin kung ano ang problema niya. Pagkatapos nilang mag-usap ay tila walang nangyari at mas magaan pa ang kanyang pakiramdam.

Napapangitingnailing na lang siya. Bakit ba hindi niya naisip iyon? Hindi si Shenald angunang lalapit sa kanya para aluhin siya at alamin kung ano nangyayari.   

[COMPLETED] Mahalin Mo Ako, Miss DJTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon