Chapter Twenty Eight

1.3K 31 0
                                    

NATIGILAN si Chloe ng pumasok siya sa kanilang komedor. Sabay na sabay kasing tumigil sa pagsasalita ang kanyang ina at kapatid. Naririnig pa niya ang dalawa na nagbubulungan bago siya pumasok at tumahimik lang ang mga ito ng pumasok siya.

"Si Thea?" aniya sa mga ito. Nagtinginan muna ang mga ito bago siya hinarap ng ina.

"Okay ka lang ba, Chloe?"

Tumango lang siya. "Pumasok na ba si Thea?" ulit niya. Kung nahalata man ng mga ito na iniiwasan niya ang pagtatanong ng mga ito tungkol sa kanya ay wala na siyang pakialam. Alam kasi niyang uusisain lang siya ng mga ito.

"Pumasok na." sagot ng ate niya.

"Chloe, andito—" nakita niya ang pagpigil ng kanyang ate sa sasabihin ng kanilang ina. "Kung may problema ka, andito lang kami ng ate mo."

Tumango lang siya sa mga ito. Hindi na niya tinapunan ng tingin ang mga ito at tahimik na kumain. Pasalamat siya sa kanyang ate at hindi na siya inusisa ng mga ito. Hindi pa siya handa para pag-usapan ang mga bagay-bagay tungkol sa kanila ni Shenald.

Simula ng pakikipaghiwalay niya rito ay hindi na rin niya ito nakita. Siguro ay naghanap na ito ng ibang babaeng maihaharap sa kanyang ina. Kailangan makahanap ito dahil minsan lang naman humiling ang ina nito. Hindi lang niya lubos maisip na bakit siya pa.

Mabilis na nanikip ang kanyang dibdib ng maalala ang nangyari. She loves him and still loving him. Tanga na kung sa tanga pero mapipigilan ba niyang mahalin ang lalaking halos kalahati na ng buhay niya ang inilaan niya sa pag-aantay rito.

"Aakyat po muna ako," paalam niya sa ina at kapatid. kung hindi niya gagawin iyon ay baka mapabulalas lamang siya ng iyak sa harapan ng mga ito.

"Chloe!" halos sabay na saad ng dalawa pero hindi naman na siya hinabol.

Bago pa man siya makarating sa kanyang silid ay umaagos na ang kanyang mga luha.

Bakit ba kasi hindi niya makalimutan si Shenald?

"Chloe, anak?" narinig niya ang pagkatok ng kanyang ina. "Kailangan mo ba ng kausap?"

She suppress the sob but for just a moment ay binuksa rin niya ang pinto. She badly needs to talk to someone. Para kasing sasabog na ang kanyang puso kung hindi pa niya ilalabas iyon.

"Oh, mom," hagulgol kaagad niya ng pagbuksan niya ang ina at nakalahad ang mga bisig nito. "I love him so much pero bakit kailangan niya akong gamitin at pagmukhaing tanga."

Marahan siyang kinabig ng kanyang ina at iniupo sa kanyang kama. "Chloe, baby, nakaksigurado ka bang niloko ka niya?" anito matapos nitong punasan ang kanyang mga luha.

"O-opo," pero bakit parang hindi siya sigurado?

Ngumiti naman ang kanyang ina. "Hija, pagnasa loob ka ng isang relasyon hindi pwe-pwedeng ang ibang tao ang magdedesisyon para sayo. Hindi rin pwe-pwedeng nakikinig ka sa mga sinasabi ng ibang tao without taking the sides of the accused. Hindi lahat ng pagkakataon ay palaging tama ang nambibintang at ang napagbibinatangan ang nagkakasala. Minsan hindi palaging puso ang paiiralin dapat utak din pero masama namang palaging utak ang gagamitin dahil wala namang pakiramdam ang utak. Puso ang may alam tungkol roon."

Matamang tinignan niya ang kanyang ina. Her mother is smiling while brushing her tears.

"Mom, paano kung...kung lahat ng sinabi ng...ng tao ay narinig mula sa lalaking mahal mo? Na—"

"Ano bang sinasabi ng puso mo?" putol ng kanyang ina sa kanyang sasabihin.

Sinalubong niya ang tingin ng kanyang ina at pinakiramdaman ang kanyang puso. Ano nga bang sinasabi niyon?

Isang kirot ang kanyang nararamdaman sa tuwing titibok iyon. Masakit at mahapdi.

Ang mga ngiti sa labi ng kanyang ina ang sumalubong sa kanya ng muli siyang tumignin rito. Tila sinasabi ng ngiting iyon na alam na nito kung ano ang nararamdaman niya.

"Follow your heart, hija. I promised you that you wont go astray. And if you do," marahan nitong hinaplos ang kanyang mukha. "andito lang kami."

Tama nga ba ang kanyang ina? Hindi nga ba dapat siya nakinig kung kani-kanino? Dapat nga bang pinakinggang muna niya si Shenald. Give him the benefit of the doubt? Pero paano kung tama ang sinabi ni Yhannie na ginamit lang siya nito? Kakayanin ba niya ang katotohanan?

"Chloe, hija," anang ng kanyang ina ng muli nanaman tumulo ang kanyang luha. "Follow your heart. Kung anoman 'yang pinagdadaanan mo, 'wag kang matakot."

"Mom," humahagulgol na saad niya sa ina. "Madaming paano? Paano kung totoo ang sinabi ni Yhannie? Paano kung mali ako? Mahaharap ko pa ba si Shenald? Kung nagkataong mali ako, sinaktan ko siya ng wala naman siyang kasalanan." Aniya habang patuloy na humahagulgol.

"If Shenald loves you more than his life, kahit ano pang kasalanan mo, hanggat hindi mo naman iyon sinasadya ay patatawarin ka niya. So, hush now, ayusin mo ang sarili mo at kausapin si Shenald."

Tinignan niya ang ina. Isang nakakaunawang tingin ang binigay nito. Yumakap siya rito. Umaamot ng kaunting lakas upang makaya ang dapat niyang gawin.

[COMPLETED] Mahalin Mo Ako, Miss DJTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon