ANG lakas ng tawa ni Mitch nang ikuwento nila rito kung ano ang ginawa niya noong huling laro ni Shenald. Bigla kasi itong nawala noong puntahan niya ang kapatid nito. Hindi naman nito sinasabi kahit tanungin niya kung saan ito nagtungo.
"Tapos ano pang nangyari?" usisa pang muli ng kaibigan.
"Ayun natulala na nung iniwan naming ni Shenald," nangingiti pa rin niyang saad.
"Nakakbitin naman 'to. Tapos ano pang nangyari dali!" tili nito.
"Wala naman," patuloy niya. "kumain lang kami sa Italianos. Nilibre niya ako. Pinagtitinginan nga kami ng mga tao kasi naka jersey lang siya tapos ako naka-shorts lang at tank top. Saan ka pa!" nagkatawanan sila.
"Bongga mo, ha. Mukhang parehas kayong naligayahan ni kuya, ha." Anito pero kay Chase nakatingin. "kawayan mo si kuya nakatingin kaya siya sa 'yo."
Napangiti siya ng lingunin niya ito. Kumaway ito sa kanya at gumanti naman siya. Nang makuha nito ang bola ay pumuwesto ito sa tres at shinoot ang bola. Sumigaw ito ng ma-shoot ang bola sabay turo sa kanya.
Napayukong nangingiti lang siya ng tudyuhin siya ng kaibigan. "Kayo, ha." Dugtong pa nito. "Meron na ba?"
Maang siyang napatingin rito. "Merong ano?"
"I mean kayo na ba?"
Sinulyapan niya si Shenald at umiling. "Wala, eh." malungkot niyag saad bago sabay na napabuntong hininga.
Iyon na lang naman ang pinananalangin niya. Maging sila ni Shenald. Pero mukhang malayong mangyari iyon dahil pakiramdam niya ay tinging kapatid lang ang meron ito sa kanya. Dahil kung hindi, edi sana niligawan na siya nito.
Naputol lang ang pagmumuni-muni niya ng marinig niya ang pagtawag ni Shenald sa kanila. Tapos na pala ang laro at sympre panalo nanaman ang team nito.
"Libre ko kayo. Panalo kami, eh." anito nang makalapit. Ngumiti ito ng iabot niya ang tubig at tuwalya nito.
"Ayoko, galing sa maruming mga kamay 'yan!" nakangusong saad ni Mitch.
Natawa lang siya. Alam niya ang sinasabi nitong maruming kamay ay si Chase. Natalo ang team nila Chase kaya literal na galing sa kamay ni Chase ang pera at ayaw ni Mitch iyon. Mukhang may tampo ang kaibigan niya kay Chase. At hindi na-gets ni Shenald iyon.
"Grabe ka naman. Pinaghirapan ko naman 'to. Halika na nga, Nicky. Iwan na natin 'yan." Anito bago siya inakbyan.
Ganoon na lamang ang ngiti niya ng akbayan siya nito at hilahin. Kinindatan naman siya ng kaibigan. Palabas lang pala nito iyon para masolo niya si Shenald. Gumanti siya nang kindat dito bago bahagyang isinandal ang ulo rito.
"Italianni's ulit?" umiling siya. "Saan mo gusto?"
"Parang gusto ko ng lasagna."
"Greenwich tayo." Nagkatawanan sila.
Madali lang namang puntahan ang mga tindahan na iyon dahil halos walking distance lang ang layo nila sa St. Vincent mall. Kumpleto na rin kasi roon kaya walang problema. Maganda kasi ang pagkaktayo ng village nila. Malapit sa lahat. Sa mall, simabahan, ospital at eskwelahan.
Masaya silang kumain at nagbibiruan. Hindi siya makapaniwalang magiging ganoon sila ka-close ni Shenald. Pinangarap niyang magkagusto rin ito sa kanya pero sapat na muna siguro ang pagiging malapit at pagiging magkaibigan nilang dalawa. Siguro iyon ang magiging daan para sa hinihiling pa niyang mas malalim na relasyon.
"Nabusog ako roon," aniya rito. Nakauwi sila no'n at inihatid siya nito sa harap ng bahay nila. "Grabe, di ko akalaing mauubos natin 'yong pizza."
"Ang takaw mo kasi," anito tsaka tumawa.
"Sino kaya?"
She's having a hearty laugh nang mapansing hindi na pala tumatawa ang binata. "Bakit?" tanong niya dahil mataman na lamang siya nitong tinitignan.
"Thank you." Seryosong saad nito.
"Para saan?" umiling ito. "Ito naman para naman akong others."
He chuckled. Bahagya siyang pumiksi nang idampi nito ang kamay sa kanyang pisngi. "For everything."
"H-hindi kita maintindihan." Naguguluhan niyang saad. Hindi na nga niya ito maintindihan idagdag pang parang sasabog na ang dibdib niya sa sobrang kaba.
She saw frustration cross his eyes and one swift move his lips was touching hers. Napapikit na lang siya ng maramdaman ang paggalaw nito. She didn't knew how to kiss, she just followed her instinct. Her heart.
The kiss lasted for a moment but she felt like it was forever.
He gaved her butterfly kisses before giving space between them. Tuliro pa siya sa halik na binigay na Shenald kaya hindi siya nakapagsalita. Ang kamay nito ay nanatili sa kanyang mga pisngi silently looking at her.
"Nicky..."
"Chloe!"
Mabilis siyang lumayo kay Shenald nang marinig niya ang pamilyar na boses na iyon. Naroroon na ang daddy niya. She was too pre-occupied by Shenald at hindi niya napansin na naroroon na pala ang sasakyan ng kanyang daddy. At ngayon ito na sila. Nakita kaya sila nitong naghahalikan?
"Get inside...both of you," mahinahon ngunit may diing saad nito.
Nakayuko naman siyang sumunod sa inutos ng ama. Bahagya siyang napapiksi ng hawakan ni Shenald ang kamay niya at pisilin. Nilingon niya nito at naroroon ang ngiti sa labi nito na tila sinasabing magiging maayos ang lahat.
Sana nga. Nais niyang mapaluha. Natatakot siya sa maaring gawin ng daddy niya.
"Go to your room, young lady." Utos muli ng kanyang ama. "And you, boy, stay. We will talk."
Nag-aalalang sinulyapan niya si Shenald. Tumango lang ito. Sumagot siya ng tango bago tinungo ang kanyang silid. Wala siyang narinig mula sa usapan ng kanyang ama at ni Shenald. Tahimik na nag-usap ang dalawa. Sunod na lamang niyang narinig an gang pagbukas at pagsara ng kanilang pinto at tarangkahan.
Nakitapa niyang sumulyap sa kuwarto niya si Shenald bago ito tumuloy na pumasok satahanan ng mga ito. Iyon na ang huling pagkakataon na nakita at nakausap niyasi Shenald. Hindi na niya inalam ang pinag-usapan nito at nang kanyang ama. Somewheredeep inside her, she hates her father for scaring Shenald away, for taking himaway from her.
BINABASA MO ANG
[COMPLETED] Mahalin Mo Ako, Miss DJ
RomanceMy first ever story to be published under PHR. Full version is available in ebook form~ Sadly, hindi na po siya available sa stores but sure na sure na available siya sa ebook store ng PHR. here's the link: https://preciouspagesebookstore.com.ph/Pro...