KUMIKIROT ang ulo ni Chloe ng maka-uwi siya sa village nila. She's very exhausted. Not physically but emotionally. Hindi niya kayang dalhin ang trabaho niya ngayon dahil sa kakaisip niya kay Shenald. Lalo pa siyang nai-i-stress dahil pulos tungkol sa problema sa pag-ibig ang nasasalubong niya.
Papasok na sana siya sa gate nila ng bigla na lamang may humatak sa kanya. Ang sunod na lang niyang namalayan ay nakakulong na siya sa matitipunong bisig. Nalanghap rin niya ang panlalaking pabango nito dahil sa pagkakasubsob sa dibdib nito.
"Shenald?" tawag niya sa lalaking nakayakap sa kanya. Pinigilan niya ang sariling sagutin ang yakap nito. Sa halip ay hinayaan niya itong nakasubsob sa kanyang ulo at mabining inaamoy ang kanyang buhok.
"God, I missed you so much, Nicky," bulong nito. Hinagod pa nito ang buhok niya. Bahagya siyang inilayo nito at pinagmasdan ang kanyang mukha.
Mababakas sa mukha nito ang pagod at pagngungulila.
Tila hindi naman ito nakuntento sa pagtitig lang dahil hinaplos pa nito ang kanyang mukha. Bago pa man siya makahuma ay nakalapat na ang labi nito sa kanyang mga labi.
Mabagal at halatang ninanamnam ni Shenald ang bawat pagdampi ng labi nito sa kanya. She fought the urge to response pero may sariling isip ang kanyang katawan.
Sa pagsagot niya sa halik nito ay mas lalo pa nitong pinalalim ang halik. Lumubog ang kamay nito sa kanyang buhok at inalalalayan ang kanyang batok habang ang isang kamay nito ay nasa kanyang beywang. Now, she can feel every thrust of his tounge.
Nakakaliyo, nakakabaliw at nakakawala ng isip ang halik na iyon. Binubuhay ang ibat-ibang sensasyon. Pero hindi sapat iyon para hindi mawala sa isipan ni Chloe ang ginawa nito.
Mabilis siyang humiwalay sa bisig nito. Hinihingal siya sa tagal ng pagkakahugpong ng kanilang labi. Dumadagundong din ang tibok ng puso niya dahil alam niya sa sarili niya na pag-uulitin nito ang halik ay baka makalimutan na niya ang kasalanan nito.
"Nicky, what's the problem?" may pagsusumamo sa tinig nito. "Galit ka ba?"
Umiling siya at bahagyang lumayo rito.
"May problema ka ba? Sabihin mo."
"I-we—we need to...we're not meant to be, Shen-Shen," pigil ang luhang saad niya.
"Ano?" magkadikit ang kilay na saad ni Shenald. Halatang nagulat ito sa sinabi niya. Ayaw na niyang ulitn ang sinabi niya kanina dahil nasasaktan siya pero mas masakit kasi kung hindi niya sasabihin ngayon.
Ayaw na niyang antayin na dito pa mismo, sa taong mahal niya, manggaling ang mga katagang iyon.
"Hindi tayo bagay sa isat-isa. Isang maling pagkakamali ang pagkakaroon natin ng relasyon. Ang...ang sitwasyon natin, hindi 'yon normal. Isang...isang m-malaking pagkakamali. Isang kasinungalingan." Umiiyak na niyang saad. "Oh, please Shenald, 'wag mo na akong pahirapan. Pakawalan mo na lang ako. Please."
Nahagod na lang ng kamay nito ang buhok nito bago siya matamang tinignan. Walang anu-ano ay may dinukot ito sa bulsa at pilit na iniligay sa kanyang palad.
"I've had that since the first day that you were mine." Huminga ito ng malalim. Nagpipigil itong maiyak pero hindi na rin siguro nito nakaya kaya tuluyang tumulo ang luha nito. "I've been trying to propose to you since the first date that we had but I lack the courage.
"Kanina sa ospital, a woman died on my operating table and a man cried for her. Nalaman ko, kakatapos lang pala nilang ma-engage, that night.. natakot ako bigla. Paano kung mangyari sa akin iyon, o sayo o parehas sa atin na hindi man lamang ako umabot na mag-propose sayo. It's much worse than my patient." Lumuluha itong lumuhod sa kanyang harapan at kinulong ang kanyang mga palad. "Take me. Take me as your groom, Nicky."
Lumuluhang tinignan niya ito. Oh, how she wish that those tears were real. What he said is real. Pero nilalamon siya ng pagdududa. Iyon ang sinasabi ni Yhannie. Ang pro-propose nito.
Tama si Yhannie, gingamit lang siya ni Shenald. Sa binata na mismo nanggaling. Simula pa lang may balak na talaga ito. Pagkatapos ay ano? Iiwan siya?
Lalo siyang napahagulgol at pilit na pinakawalan ang kamay sa palad nito. She saw hurt in his eyes pero baka kasama lamang iyon sa arte nito.
"I-I'm sorry, Shenald. I—I can't. I just cant." I want to...kung hindi ko lang nalaman ang balak mo. Nais sana niya iyong idugtong pero ayaw niyang dagdagan pa ang sakit na nararamdaman niya kaya tumakbo siya papasok sa kanilang bahay.
Hirap na hirap ang kalooban niya. There was a great war between her mind and her heart. Nagtatalo ang mga ito kung ano ang dapat gawin.
Ang sabi ng isip niya na tama ang ginawa niya habang kumkontra ang puso niya at sinasabing totoo ang lahat ng pinakita ni Shenald.
Hindi na niya alam ang gagawin niya. She just cried and cried all night. Pilit na sinasabi sa sarili na tama lang ang ginawa niya. Kailangan niyang mahalin muna ang sarili bago ang iba.
Matagal na niyang minamahal si Shenald. Sa pag-aakala niyang sinuklian na nito iyon ay saka naman niya malalaman na ginagamit lamang siya nito para sa personal na rason.
Kahit na gusto niyang mapasaya ang mommy nito, sana lamang ay kinausap na lang siya nito tungkol sa plano, papayag pa siya pero kahit man lang kaunti ay wala itong sinabi. Pinaniwala pa siya nitong mahal siya nito.
Ginagamit na siya, niloloko pa siya.
"Damn you, Shenald. Damn you." Mariing saad niya.
BINABASA MO ANG
[COMPLETED] Mahalin Mo Ako, Miss DJ
RomanceMy first ever story to be published under PHR. Full version is available in ebook form~ Sadly, hindi na po siya available sa stores but sure na sure na available siya sa ebook store ng PHR. here's the link: https://preciouspagesebookstore.com.ph/Pro...