Chapter Thirty One

6.6K 156 18
                                    

ANG tahimik na bahay nila ay lalo pang naging tahimik ng dumating ang daddy ni Chloe. Kagagaling lang nito sa Mindanao kung saan naging commanding officer ito. May bakasyon daw ito ng anim na buwan bago muling bumalik sa Mindanao.

Kasalukuyan sila noong nanananghalian nang mapatingin sila sa kanyang ama ng bigla itong tumikhim. "Anong balita?"

Nagkatinginan silang magkakapatid at ng kanyang ina. Nagulat sila sa kanyang ama dahil iyon ang unang unang beses na nagtanong ito sa kanila.

"Tita is a mess," bigla saad ni Althea. "she's been crying since last month. Hindi rin po siya pumapasok sa—"

"Thea!" mabilis na saway rito ng ate niya. Hindi nito kaagad nagawa iyon dahil lahat sila ay nagulat sa biglang pagsasalita nito.

Kung ibang bata kasi iyon hindi pa iyon maiintindihan ang pa-ibig sabihin ng kanyang ama. Pero nagtaka pa sila kay Thea. Kakaiba ang batang ito dahil napakatalino nito.

"Really?' isa-isa silang tinignan ng kanyang ama. "Ano pa, Thea?"

"Tapos si kuya Shenald hindi na—"

"Shenald Garcines?" mabilis na lumipad sa kanya ang tingin ng kanyang ama. "Andyan na pala ang binatang iyon. May sinabi ba siya sa'yo?"

Kumunot ang noo niya sa sinabing iyon ng kanyang ama bago umiling. Tumango naman ito at tumahimik na.

Naging palaisipan tuloy sa kanya iyon. Dala-dala niya iyon hanggang sa pumanhik siya sa kanyang kuwarto para mag-kulong muli at tanawin si Shenald sa kabilang tahanan. Hindi pa man siya nagtatagal doon ay bumalik na siya sa loob ng kuwarto. Para kasing pagod na pagod siya and she needed rest.

Mariin niyang ipinikit ang mata. Naramdaman niya ang pagbukas ng pinto.

"Thea. Sa mommy mo na lang ikaw muna makipaglaro." Aniya not looking kung sino ang pumasok kaya napabalikwas siya ng bangon mula sa kama ng marinig ang tinig ng ama.

"I know you have questions," anito bago naupo sa dulo ng kanyang kama. "Why don't you ask me?"

But she can't. Nagugulat talaga siya sa kanyang ama. Hindi kasi sila nito kinakausap since what? Nakamulatan na niya iyon. Kaya nakakapagtakang kinakusap siya nito.

"B-bakit nyo a-ako kinakusap ngayon?"

Her father chuckled before looking at her with a smile on his face. "Because you're not a baby anymore kaya pwede na tayong mag-usap ng hindi ka nagagalit."

She looked at him very puzzeled at nahulaan naman nito iyon. "Alam kong madali kang mapikon and children do get angry pagkinakusap ng magulang. I knew because I belong to those group, once upona time." He had a distant looked in his eyes.

"Dad?"

"But enough about me. Ngayon pwede na kitang makausap tungkol sa inyo ni Shenald." ngumiti nanaman ito. "I saw you, two, kissed that night."

Pakiramdam niya ay umakyat lahat ng dugo niya. Tama ang hinala niya noon, nakita nga sila nito.

"I saw you but I'm not angry at you." Napa-anagt siya ng tingin rito. "Natakot ako para sa'yo. Nangyari na sa ate mo ang di dapat mangyari. At ayokong mangyari iyon sa'yo. I talked to Shenald that night. I told him to work hard for you if he wanted to be with you.

"Tinanong ko siya kung mahal ka niya. He said yes. I asked him again, kung mamahalin ka niya habang buhay. He paused for awahile bago sinalubong ang tingin ko at sabi niya," saglit na tumigil ang kanyang ama. Muntik na siyang mapataw ng gayahin nito si Shenald. "Yes, sir. And I will do everything just to have her." Lumingon ito sa kanya.

"He loves me that much?" nagkibit-balikat ang kanyang ama.

"I don't know, hija. Ikaw na ang makaksagot niyan." Anito bago siya inakbayan. "Ang sabi ko kasi sa kanya, isa lang ang hiling ko. Ang mabuhay ka sa piling niya ng walang hirap at kung mahihigitan pa niya ang ibinigay namin sa'yo. Now, did he?"

Tinignan lang niya ito. Actually hindi niya alam dahil sa totoo lang ay masaya na siya sa mga simpleng bagay na binibigay nito.

"Ngayon, sabi ng mommy mo—"

"I broke up with him," putol niya sa sasabihin nito. "someone told me that he's not very sincere about his feeling for me." Agad na bumalik ang hapdi sa kanyang puso ng unti-unti niyang ikuwento rito ang napag-usapan nila ni Yhannie.

Kung ano ang sinabi ng kanyang ina ay ganoon din ang sinabi nito. The next thing she knew, nagtatawanan na silang dalawa ng kanyang daddy. And she was more than happy.

Inantay lang pala sila nitong mag-mature. He never wanted to argue with them kaya hindi sila nito kinakusap. Nahihirapan din pala ito pagnakikita silang nahihirapan and he did everything just to lift up there spirit.

Well,her father just had that different ways to make them happy. 

[COMPLETED] Mahalin Mo Ako, Miss DJTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon