Chapter Twenty One

1.3K 33 6
                                    

NAPABALIKWAS nang bangon si Chloe nang marinig niya ang tumutugtog. Nakabukas ba ang radyo niya o kaya ang cellphone niya? Pero tinignan niya ang dalawang bagay na nabanggit pero wala naman tumutugtog mula roon.

"Hindi kaya minumulto na ako? O kaya naman nasobrahan na ako sa pagtratrabaho at hanggang dito sa bahay ay nakakrinig ako ng sounds? Waaa." Naiistress niyang saad.

Paulit-ulit siyang nagdasal pero hindi nawawala ang kumakanta. Nababaliw na yata siya. nagmamadali siyamg tumayo at sa pagtayo niya ay nahagip niya si Mitch sa tarangkahan ng bahay nito at kumakaway.

"Gising pa ang babaeng 'to?" aniya at lumabas ng teresa.

Ganoon na lamang ang pagkakakunot ng noo niya dahil mas naging malinaw ang tinig. So, someone is singing outside. Napasinghap na lang siya ng mapag-sino ang kumakanta. Si Shenald in his three piece suit, strumming his guitar and singing!

"Another summer day has come and gone away. In Paris or Rome but I wanna go home. Maybe surrounded by a million people I still feel alone. I just wanna go home. babe, I miss you, you know."

Napahawak siya sa kanyang dibdib ng salubungin nito ang kanyang tingin. Tama ba ang nakikita niya? He was serenading her and his eyes was dark with...love? Pag-ibig nga ba ang nakikita niya sa mata nito?

"Another aeroplane, another sunny place. I'm lucky and I know but I wanna go home. I gotta go home. Let me go home. 'Cause I'm too from where you are. And I gotta go home." he strum the last notes of the song and lokked at her intently. Iiwas sana siya ng tingin rito pero tinawag nito ang kanyang pangalan.

"Nicky...c-can...can you go out with me?" umiling ito. "Of course you can but will you?" may pagsusumamo sa tinig nito. Pero bakit gusto nitong lumabas kasama siya.

Para namang nabasa nito ang kanyang iniisip dahil sumagot na kaagad ito. "Matagal ko na dapat ginawa ito. Pagkabalik ko pa lang but—"

"Oo na. pumapayag na ako." Sigaw niya rito. Hindi na nito kailangan pang magpaliwanag. She wanted to go out with him. Tama ito. Matagal na dapat siyang inaya nito. For God's sake, they kissed before. At sa tagal niyang nag-antay rito, at siya na rin ang unang nagpakita ng motibo dito bakit pa nga ba siya magpapakipot?

[COMPLETED] Mahalin Mo Ako, Miss DJTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon